"I don't like it," he said directly after my presentation.
Palihim kong naikuyom ang aking palad sa likuran ko. Inaasahan ko na ito. Gano'n pa man, umasa pa rin ako na mababago ang lahat pagkatapos nang paglalatag ko ng mga plano.Kita ko ang mapaglarong ngisi sa labi niya, pero hindi roon natuon ang mga mata ko. My dad's disappointed look caught my attention at all. Hindi man iyon mukhang naninisi ay alam kong nanghihinayang siya dahil ramdam niya rin na hindi namin makukuha si Mr. Revelar.Prenteng tumayo ang lalaki at itinipay ang ilang butones ng suit niya. "I'm sorry, but I am going to remove PIP Inc. in my list," imporma niya.Pilit na ngumiti ang ama ko saka sumunod na tumayo. "It's okay. I understand if we didn't reach your expectation," ani Dad at umastang makikipagkamay.Parang pinipiga ang puso ko habang nakamasid kay Daddy na kunwaring hindi nagpapaapekto sa bigong transaksyon.Mr. Revelar shook a hand with my dad, then glanced at me. I could feel him smirking behind his look."Nice to meet you again, Ms. Dagsinal. Pasensya ka na sa biro ko kanina," aniya.I forced a smile. "It's nothing, Sir Agustine."I knew what he meant earlier on his joke, it was like he's showing me that he can prove me that he's straight by marrying me in a blink.It's my fault. I know I'm at fault. I should just let him that day and turned blind eye, but I chose to feed my ego.A small smirk plastered on his lips as if he saw me repenting of what I did. He looked again at my father to bid a goodbye. Nang tuluyan na siyang nakaalis ay tahimik kaming naiwan ni Daddy sa loob ng silid.Ramdam ko ang labis niyang panghihinayang. Mayamaya pa ay binalingan niya ako ng tingin at tipid na ngumiti."You should go home now," he said.Natigilan ako sa aking p'westo at hindi nakagalaw."It's over. Pwede ka nang bumalik sa trabaho mo sa Vista Querencia," dagdag niya na para bang gano'n lang iyon kadali.My mother's words automatically lingered in my mind. Babalik ako sa Vista Querencia ng bigo at may dala na namang kahihiyan."Are you... disappointed in me, Dad?" maingat kong tanong, natatakot sa kanyang posibleng sagot."I am not, Khrystal," he answered quickly.Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang nakita sa mga mata ni Daddy ang katotohanan sa sinabi niya."This is your first time handling a big client. Kaya naman naroon ang risk na hindi mo ito makukuha. Bukod pa roon ay sadyang metikuloso si Mr. Revelar sa negosyo. Simpleng butas lang na makikita niya sa plano ay aayawan niya iyon tulad nang ginawa niya sa atin," mahabang paliwanag niya.Mas lalo akong nakaramdam ng pagkalugmok dahil alam kong ako ang butas na nakita ng kliyente. Kung malalaman iyon ni Daddy alam kong magiging disappointed siya sa akin sa mga oras na ito, taliwas sa isinagot niya sa akin."I will persuade him," mariin kong usal."Khrystal," tawag ni Daddy na para bang wala na akong magagawa pa.I looked at him with full of determination. "Makukuha natin siya, Dad. Let me handle this."Saglit akong tinitigan ni Daddy at bumuntonghininga. "If that's what you want then. I will give you a week to change his mind," pagsuko niya sa akin saka lumabas ng silid.Nanghihina naman akong napaupo at puno ng frustrasyon na napahilamos sa mukha ko.Ano'ng gagawin ko?The first thing came into my mind was to ask for forgiveness. Pero base pa lang sa mga aksyon niya kanina ay imposibleng magbago ang kanyang isip sa simpleng paghingi ko ng tawad.Naiiyak kong ginulo ang aking buhok.Hindi ako p'wedeng umuwi ng ganito. I should win this. I should have this deal.Nasa gitna ako nang pag-iisip ng mga paraan nang naramdaman ko ang paggalaw ng telepono ko. I took it out from my pocket and saw mom's name on the message notification bar. Binuksan ko naman iyon.Did you get the deal?Pang-iintriga niya. Napanguso naman ako at napahilot sa aking sintido."Worst first day," I uttered.Mayamaya pa ay napaayos ako ng upo at napatitig sa telepono. Ang mga linyahan ni Mommy ay paulit-ulit na pumasok sa isip ko.Landiin mo si Mr. Revelar...Landiin mo si Mr. Revelar...It's wrong. It's definitely wrong. But this is my only chance to live on my own.I heaved a deep breath and fix my things.By hook or by crook, I will tie Agustine Bhryll on our company.Mabilis akong lumabas ng silid at saka nagtungo sa sekretarya ni Daddy. Kita ko ang gulat sa mukha niya sa bigla kong pagsulpot sa harapan niya."Can I have some background details about Mr. Revelar? His place, his favorites, anything about him," ani ko rito.Napalunok naman siya at marahan na tumango. Kinalkal niya ang ilang papeles sa gilid niya at nang nakita ang hinahanap ay ibinigay niya iyon sa akin."Thank you," nakangiti kong sambit saka pumunta sa aking working space.Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ng ibang empleyado ni Daddy pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin. Sa halip ay naupo ako sa 'king upuan at binuksan ang laptop ko. Searching some news and rumors about the guy who turned down our offer.I know, I will put my name at risk from what I am planning to do. Pero ano bang kaibahan niyon? Anuman ang gawin ko, isa na akong putik sa mata ng nakararami. Ang importante sa akin ngayon ay ang matupad ang gusto kong gawin.And that is...To seduce Mr. Revelar.MAG-AALAS otso na ng gabi pero nandito pa rin ako sa lobby area ng condominium building na pinag-i-stay-an ni Mr. Revelar. Sa halip na umuwi at mag-ayos sa pagtitigilan kong bahay, nandito ako, naghihintay sa kanya. Base sa mga nakalap kong impormasyon, istrikto siya sa oras ng trabaho. Sinusunod niya ang oras ng cut off ng work niya which is 7:30pm.Napag-alaman ko rin na hindi gano'n kataas ang alcohol tolerance niya. Rumor lang iyon pero panghahawakan ko pa rin iyon sa plano ko. Napabuntonghininga ako saka tumingin sa hawak kong paper bag kung saan naroon ang mamahaling alak na binili ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto ng gagawin ko sa akin, pero hindi na iyon ang mahalaga. For now, my goal is to succeed and live quietly in America."Good evening, Sir."Nakuha ng mga nakakalat na staff ang atensyon ko nang narinig ko silang bumati kung kanino. My heart pounded when I saw who it is. Mr. Revelar, the man I am waiting for, walked like a God.Hindi ko maiwasan na murahin ang sarili ko sa maling pag-aakala sa kanya. How did I think of him as a gay?Asta siya kikilo sa isang pasilyo nang magtama ang paningin namin. Naroon man ang pagtataka sa mga mata niya ay nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad. Alam kong lalampasan niya ako kaya naman ako na ang kusang humarang sa kanya bago niya pa man magawa iyon.He raised an eyebrow at me. Mula sa gilid niya ay napansin ko rin ang pamilyar na lalaki—ang kasama niya noon sa mall. From what I remembered, he's Miguel."Mr. Revelar," I started.Pilit niya mang itago ay nakikita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata. Hindi niya siguro inaasahan na pupuntahan ko siya o magpapakita ako sa kanya."I-I..." Kinalma ko ang sarili ko at saka iniaro sa harap niya ang hawak kong paper bag. "Want to drink with you," I continued.Slowly, his side lip rose. "Do you think this will change my mind?" diretyo niyang tanong, patukoy sa nangyari niyang pag-turn down sa amin.Marahan akong umiling. "I just want to show my appreciation," ani ko.Muli namang umangat ang kilay niya."You didn't tell my dad about what happened. Besides, I am here to get my... card," I stated.He stared at me for a while and then licked his lower lip. "Come with me then."I secretly played my fingers while sitting on his couch. Nakasunod ang mga mata ko sa kanya habang nilalakad niya ang direksyon patungo sa kusina. Malaki ang unit niya, tama lang para sa isang tao na gusto ng marangyang espasyo. Hindi ko alam kung nasaan na ang lalaking kasama niya kanina, ang natatandaan ko lang ay humiwalay siya habang naglalakad kami. Siguro ay sa ibang ngunit siya nag-i-stay.Wala pang ilang segundo ay nakita ko na si Mr. Revelar na naglalakad pabalik bitbit ang dalawang liquor glass at isang maliit na ice bucket. Nakatuon ang kanyang mga mata sa akin na para bang hinihintay na may gawin akong masama. Napaayos ako ng upo nang pum'westo siya sa tabi ko, hindi man sobrang lapit ay nararamdaman ko pa rin ang mga galaw niya. "So, what brought you here, Ms. Dagsinal?" he asked casually as he opened the liquor.Wala sa sarili akong napalunok at tumikhim. "P-para kuhanin ang card ko," kinakabahan kong sagot. I knew, I planned this already. But I am still nervous bec
Pakiramdam ko ay nakipag-agawan ako ng kaluluwa kay Lucifer nang nagising ako. Masakit ang buong katawan ko lalo na ang ibaba kong parte, maski ang ulo ko ay para bang pinupukpok ng martilyo dahil pumipintig-pintig iyon. "The promiscuous woman is finally awake."Mabilis akong napamulat nang narinig ang pamilyar na malamig at seryosong boses. Nakita ko si Mr. Revelar na nakaupo sa isang one seater couch na nakap'westo sa gilid ng kama. Wearing his usual business attire, legs crossed, the mighty tycoon was sternly looking at me.Promiscuous. A slut.This isn't the first time that someone talked ill to me. Sanay na ako, pero sa mga oras na ito ay hindi ko naiwasan na makaramdam ng kaunting sakit at kahihiyan. Maybe because this time, isa talaga akong malandi. I lured him. I faked a smile in the back of my mind and slowly rose up from the bed. Tinitiis ang sakit na nararamdaman sa pagitan ng hita ko at saka maingat na sinuot ang nahubad kong damit kagabi. Hindi na ako nag-abala pang ma
The coldness was spreading through my skin as I wrapped myself with the blanket across the room. I couldn't help but shivered my body from the sensation yet still manage to let out buds of sweats dripping through my forehead. Ano'ng nangyayari sa akin? Why am I suddenly having chills? May narinig akong kaluskos sa paligid ngunit hindi ko na inabala pang imulat ang mga mata ko. Bukod sa nanghihina ako ay mas gusto ko na lang magpahinga dahil sa sakit ng buong katawan ko. "Manang..." bulong na pagtawag ko. "It's cold," I continued.I know it's her. Siya lang naman palagi ang nand'yan tuwing nagkakasakit ako.Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko ang pagdagdag ng blanket na nakabalot sa akin. Akala ko ay sasapat na iyon para mabigyan ako ng init ngunit patuloy pa rin akong nanlalamig. I was trembling and mimicking Manang's name. Pakiramdam ko ay wala na ako sa aking sarili. Mayamaya pa ay umangat ang mga blanket mula sa aking katawan. Kasunod niyon ang paglubog ng kama at mahigpit
"How did you convince, Mr. Revelar?" my father asked on the phone.Napahinga na lamang ako nang malalim at saka inayos ang suot kong peplum dress. "I told you, Dad. Nag-offer lang ako na maging assistant niya paminsan-minsan," pagsisinungaling ko.Hindi naman siya agad nagsalita sa kabilang linya. Alam kong hindi niya tinatanggap ang palusot ko, pinagdadasal ko na lang na sana hindi na niya pilitin na alamin. Mayamaya pa ay narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga. "Are you sure you want to do this, Khrystal?" seryoso niyang tanong sa akin.I bit my lower lip and nodded, it was as if he's in front of me. "Huwag kang mag-alala, Daddy. I can handle this," pagpapagaan ko sa loob niya.Sandali ko pang pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin habang hawak sa bandang tainga ko ang aking telepono."Okay," pagsuko niya. "Anyway, how's your apartment? I was not informed that your mom took an apartment instead of a condo for you."Tipid naman akong ngumiti. Hanggang ngayon ay naninibago
"M-Mr. Revelar..." kabado kong sambit habang pumapasok kami sa condo unit niya. "M-my car... naiwan," alanganin kong patuloy.Hindi naman siya sumagot at sinamaan lamang ako ng tingin."Does it still hurt?" he asked flatly.Wala sa sariling napaangat ang kilay ko sa pagtataka sa kung anong tinutukoy niya. Iyong paa ko ba?He lazily ran his fingers through his hair and tilted his gaze down to my...Eh?Pinamulahan ako ng mukha nang mapagtanto ang tanong niya. He's asking for my cherry's condition!Napalunok ako at nalilito sa kung ano'ng isasagot. Should I lie?Pero bago pa man ako nakaimik ay mabilis siyang lumapit sa akin at pinangko ako gamit ang matitipuno niyang braso. "K-Kagagaling ko lang," kabado kong paalala sa kanya.Tila bingi naman siya at diretyo lamang ang lakad patungo sa kanyang silid. Sa ilang araw kong pananatili sa condo niya ay saulado ko na ang bawat sulok; ang kwarto niya na tinigilan ko, ang guest room na tinutulugan niya noon, kusina, banyo, at iba pa.I shrie
It's been a week. Gano'n katagal akong hindi tinatawagan o tine-text ni Mr. Revelar. Hindi ko alam kung bakit pero ipinagpapasalamat ko na lamang iyon. After what happened that day, I don't think I can face him properly.Sa mga nagdaan na araw na iyon ay inintindi ko na lang ang pagde-design ng iba't ibang istilo ng silid para sa hotel bukod sa paminsan-minsang pagdalaw sa site. Ibinuhos ko ang panahon ko roon dahil wala rin naman akong ibang gagawin. Tulad sa Vista Querencia ay wala rin akong kaibigan na matatawag dito sa kumpanya. Walang barkada na makakadaldalan o grupo na kinabibilangan tulad ng iba kong nakikita. Hindi man masama ang tingin nila sa akin ay iwas pa rin sila na makasalamuha ako nang nalaman na anak ako ni Daddy. Puros trabaho lang ang inilalapit nila sakaling may kailangan akong aprubahan.Nakakatawang isipin na kahit saan daanin, wala talagang may gusto na mapalapit sa akin. Kung sa Vista Querencia ay may mga lalaki pa rin na nakipagkaibigan sa akin, dito sa kumpa
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kisame ng apartment ko. Mula nang pumasok ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa aking kwarto at nahiga. Paulit-ulit kong inisip ang ginawa ni Agustine, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga alam kung bakit siya umaakto ng gano'n.Napapikit na lamang ako at napahilot sa aking sintido. "I left my car," I uttered, and shook my head. "Sino naman kasi ang taong susundo sa gitna ng trabaho? I mean, it should be done after work!" I talked to myself.Sa halip na magpakabaliw sa pag-iisip ay iwinaksi ko na lang 'yon sa aking utak. Masyadong mahalaga ang oras ko para lang aksayahin sa kanya. Sandali akong nagpahinga at saka ginawa ng normal kong gawain sa araw-araw; naglinis ng sarili, nagbihis, nagluto, kumain, at iba pa. Kinagabihan, habang naghahanda sa aking pagtulog ay bigla na lamang pumasok ang isang ideya sa utak ko na nakapanindig ng aking mga balahibo.No, it's impossible.Hindi niya naman ako crush, 'no?I cringed. "Kun
"Ms. Dagsinal."I heaved out a deep breath. Hindi ko mabilang kung ilang beses na niya ako tinawag mula nang pumasok kami sa bagong gawa niyang opisina. Magtimpla ng kape, mag-stapler ng papeles, mag-xerox, at marami pang iba. Nag-Architect pa ako. Magiging alila rin pala ako sa huli, tsk!On the other hand, I felt relieved. Mas kampante ako sa maya't maya na pag-uutos niya kaysa sa milagrong pagbabago ng pakikitungo niya. Sa ganitong paraan kasi ay alam ko kung bakit niya ako pinahihirapan—'though it's really not that hard—dahil nga sa nagawa ko sa kanya. Pero 'yong biglang pagbait ng pakikitungo niya sa akin, iyon ang mahirap spelling-in. Yes, it's weird. But I am more comfortable with this. Kapag kasi mabait siya o hindi nagsusuplado pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga. Mabilis ang bawat pagpintig ng puso ko at kulang na lamang ay magwala ang lamang loob ko sa tiyan kapag kakaiba ang trato niya sa akin. It's kinda... scary. Tumayo ako sa gilid ng opisina kung saan nandoon