Share

03: BODY SHOT

KEISHA

"CONGRATULATIONS Ma'am!" Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga empleyado ko pagkapasok na pagkapasok ko ay sumalubong ss akin ang confetti may cake rin silang dalang three layers.

"N-naku nag abala pa kayo" tuwang tuwa ako habang pinagmamasdan sila hindi. Sa tuwing tataas ang sales at rate ng shop ko ay nag cecelebrate kami gaya ngayon. Lahat sila ay nakangiti sa akin umabot ang saya na iyon sa kanilang mga mata. Masaya naming pinagsaluhan ang mga nakahanda sa hapag. May ilan ring customer na nagtangkang pumasok sa shop kahit na sarado kami. Pero gaya nga ng sinabi namin sarado na kami we are nit accepting any customer its time for us to have a plenty time with each other and have some fun.

"Bar tayo keisha!" Ang sabi ko sa kanila keisha na lang ang itawag sa akin since we are just in a same age pero ang iba ay ma'am parin lalo na sila Manang Kara.

"Sige kayong bahala basta ang mahalaga mag saya at mag relax tayo dun"

"Ayus!"

"Hoy Jason ingatan nyo si Ma'am keisha huh!"

"Yes manang kara!" Masaya ang buong maghapon ko dahil sa mga empleyado ko naghanda rin sila ng mga ilang palaro. Pagod na pagod ako ng makauwi ng bahay bandang alas sais ang usapan namin ay magkikita kita kami sa shop mga alas otso para sabay sabay kaming pumunta ng bar.

Mabuti na lamang ay nakapag alarm pa ako sa cellphone ko kung hindi ay hindi ako makakarating sa usapan namin. At nakakahiya kung ganun nga ang nangyari ako pa man din ang amo nila. Inaya ko rin ang kaisa isa kong bestfriend na si Celine upang makasama namin sa pagdiriwang.

"Kailangan mo yan!" Napangiwi ako ng hilain ako nito sa buhok pilit ako nitong pinaupo sa upuan kaharap ng salamin. Hindi ko akalain na magpupumilit sya na ayusan ako at wala akong laban sa pagiging sadista nya. Maging ang ipinasuot nya sa akin ay halos kita ang kaluluwa ko. Pilit kong ibinaba ang dress ko halos makitaan na ako ng underwear sa ipinasuot nyang dress sa akin.

"Pag yan napunit babayaran mo!" Dahil sa sinabi nito ay tumigil na ako sa paghila paibaba ang laylayan ng dress ko bahala na nga ngayon lang naman.

"Ayan perfect grabe ang ganda mo bruha ka!" Kahit ako ay hindi makapaniwala sa nakikita ko sa harap ng salamin ako ba talaga ito? Ang buhok sa ibaba ay swabe ang pagkakakulot noon ay labi ko ay ubod ng pula at mas lalong na depina ang mukha ko tila nag glow sya at nagkaroon ng buhay.

"Anong ginawa mo sa akin?"

"Pinaganda ka! Halika na nga ang dami mong dada!" Halos nagkanda tisod tisod ako pababa ng hagdan dahil sa taas ng takong ko pansin ko wala pa sila kuya sa bahay kaya tahimik. Ang kotse ni celine ang ginamit namin dahil wala naman akong kotse kaya anong magagawa ko.

"Ayyy naku sampalin nyo ako!"

"Hala si ma'am ba talaga iyan parang modelo ah!"

"Aray hindi pala ako nananaginip letse!"

Halos mag init ang magkabila kong pisngi dahil sa samot saring papuri na natatanggap ko sa kanila. Ganito ba talaga ang hitsura ko kung sakaling mag ayos? Kahit kasi ako ay hindi makapaniwala sa kinalabasan ng hitsutra ko light make up lang raw ang ginawa sa akin ni celine upang patingkarin ang features ko.

"ID" agad namang pinakita ang mga ID bilang patunay na naka register kami at may reservation kaming ginawa. Halo halong amoy ang bumungad sa amin pagpasok na pagpasok namin sa bar. Ang maingay na tugtugin kasabay ng mga sigawan mula sa mga tao. Pilit naming pinagsiksikan ang aming sarili sa kabila ng puno ng taong nagsasayawan sa dance floor. Minsan ay natutulak kami at may nababangga pero balewala sa kanila lahat ng iyon.

"Grabe ang hirap makipagsiksikan ang wild pala rito!"

"Oo masanay na kayo, ako kasi madalas na rito. Eto kasing si keisha masyadong lulong sa trabaho ayaw ako samahan. Himala nga at nag bar iyan eh, maria clara kasi yan!" Ito ang pangalawang beses ko sa bar ang una ay ng nag eighteen ako pinilit pa ako nun at yun rin ang una huling beses na uminom ako ng alak. Hindi ko kasi gusto ang lasa nito mapait mainit at masakit sa lalamunan.

"Naku sinabi mo pa celine ako na lang ayain mo!"

"Ayos sige para may party buddy na ako kim!" Nahihilo ako sa tuwing tumitingin ako sa dancefloor dahil sa ilaw na patay sindi nito at idagdag mo pa ang naghalo halong amoy ng alak sa paligid

"Your turn keisha" nakangiti pa sa akin si celine habang inaabot sa akin ang basong punong puno ng alak. Parang babaliktad ang sikmura ko sa amoy nun inabutan pa ako nito ng asin nagtaka ko itong tinignan.

"That's a perfect taste keisha try it" pang aalo ni josh. Mabilis kong pinahiran ang pulso ko ng asin mabilis kong pinaglandas ang dila ko sa palapulsuhan ko at mabilis na tinungga ang baso na punong puno ng alak.

"Wohhhhh that's great!" Napahawak ako sa ulo ko dahil bahagya akong nahilo ng tumama ang paningin ko sa dancefloor. Hindi ko na rin alam kung nakailang inom na ako basta ang alam ko ay nag eenjoy ako. Nahagip ng mata ko si celine nasa dancefloor at may kahalikan na ito napaiwas na lamang ako ng tingin. Pero mali ang ginawa ko dahil mas grabe ang nakita ko.

Nakalabas na ang dalawang bundok ng babae sa dress nitong hapit na hapit. Nasa kabila lamang itong table. Ang lalaki ay nakatalikod sa gawi ko habang ang babae ay nakahawak ng mabuti sa buhok ng lalaki at hindi ako tanga kung anong ginagawa ng lalaking iyon sa dibdib na iyon. Ohh ghad para akong nasusuka sa mga nakikita ko. Ang ilang lalake sa table na iyon ay mayroong ibat ibang milagrong ginagawa! Hindi ko alam pero ang mga bulto nila ay pamilyar tila nakita ko na sila.

Pero hindi ko alam kung saan at kailan, hindi ko magawang maialis ang mga mata ko sa gawi nila dahil malapit lamang ako sa puwesto ng mga ito ay rinig na rinig ko ang impit na ungol ng mga babae. Wala akong gaanong kaalam alam patungkol sa mga bagay na iyan pero hinding hindi ako magpapauto sa mga lalaking katulad nila na iisa lang ang habol sa aming mga babae lalo  na sa tuwing nag iinit sila. My brothers was strict on me cause they know what boys is and what they are capable off!

Dahil sa sobrang malakas ang tama sa akin ng alak ay hindi ko na gaanong aninag ang paligid at tila nag iinit ako. Mababa lamang kasi ang alcohol tolerance ko kung kayat bihira ako uminom ng alak.

"We are calling all of your attentions! Eyes on the dancefloor!" Maging ako ay nagawi ang tingin sa dancefloor dahil sa sinabi ng DJ. Nasa tabi ko na rin ang mga missing in action kong mga kasama kanina.

"We have a game and everyone is free to join bawal kj. We all knew about the body shot right?" Naghiyawan ang mga tao sa paligid pero ako wala akong maintindihan sa sinasabi nilang body shot na iyan. Pero tunog malaswa na! Kaya no ako sa laro na iyan!

"Kung sino ang matututukan ng spotlight ay syang makakasubok ng isang kakaibang body shot! And the more exciting is the five famous business man was here to join us! So girls just seat there and relax at baka kayo na ang matutukan ng spotlight! Alam ko excited na kayo! So what are you waiting for!" Nakakabinging sigawan ang narinig ko mula sa mga tao lalo na nang may isa isang lalaki na nagsipuntahan sa dancefloor lahat sila ay nakatopless at tanging boxer lamang ang suot. Ohhh ghad bakit ganyan sila. Hindi ko na gaanong aninag ang dancefloor dahil sa nagkalat na mga tao lahat sila ay excited at gustong matutukan ng spotlight.

"Ohh my god ohhh my god! Mukhang napakaswerte ng gabing ito ah!" Napangiwi ako dahil sa lakas ng sigaw ni celine at kim. Seriously sino ba ang mga iyan? Aaminin ko kahit hindi ko gaanong aninag ang dancefloor ay nakasisilaw naman ang kakisigan ng limang lalaki sa dancefloor.

"Sana talaga matutukan ako!"

"Kahit ay Colten lang ako!"

"Ako kay spencer grabe ang hot nila ang yuyummy!"nagsigawan ang mga tao ng matutukan ang pinakaunang swerte raw na babae. Nagtititili ito at pumuwesto sa unang lalaki. Ganun lagi ang ganap kapag may matututukan ng spotlight. Naiinip na ako at init na init na. Tila nawalan na ng pag asa ang mga kasama kong mga babae dahil isa na lamang ang kailangan.

"The last but not the least!" Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko basta ang alam ko hilong hilo na ako. Hanggang sa masilaw ako sa lakas ng ilaw na tumatama sa mukha ko.

"Ohhh my god ohhh my god wahhhhh ang swerte mong bruha ka!" Halos hindi na ako makatayo ng tuwid ng hilain ako papatayo ni celine. Napahawak ako sa kung sino dahil sa nakakahilong ilaw sa paligid at mga nagsisigawan na tao sa paligid.

"You okay?" Nakuha ko pang tumango sa tinanong nito kahit papaano ay unti unti nang lumilinaw ang paningin ko. Tila napaso ang mga kamay ko ng makita kong nakahawak ito sa matigas na balikat ng lalaki sa harap ko naka blindfold ito at may ngisi sa labi. Hinapit nito ang bewang ko kaya't naramdaman ko ang init na galing sa katawan nito. Tsaka lamang nag sink in sa akin ang lahat na ako ang huling babaeng natapatan ng spotlight!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status