Bago pa sumapit ang alas sais ay mabilis ko nang niligpit ang mga gamit ko. Halos patakbo pa nga akong nagpunta sa banyo at nag-apply ng face powder at lip tint.
Huminga rin ako ng malalim habang nakatingin sa salamin, tapos ay agad na natigilan nang mapagtanto kung ano ang ginagawa ko. What the actual hell? Bakit parang excited ako sa dinner namin ni Primo? And why did I even listen to him? Pinangunhan niya ako kanina, isa sa mga bagay na hindi ko gusto! He just said that we’re having a dinner together and he didn’t even ask for my opinion about it! So what am I doing right now? You’ve gone real mad, Aliyah! Singhal ko sa sarili ko. Pero siya rin namang nakapag-ayos na ako ay nagpasya ako na lumabas na lang ng banyo. Balak ko sanang bumalik sa swivel chair ko at buksan ang laptop ko, para kunware ay nagtatrabaho pa rin ako pero laking gulat ko pagkalabas nang makitang nakaupo si Primo sa swivel chair ko. “What are you doing here?” tanong ko. “You’re ready, I see,” aniya at marahang tumango bago tumayo sa inuupuan. “Let’s go.” “M-may trabaho pa akong kailangang tapusin!” pagsisinungaling ko. “Stop making excuses, Aliyah. Let’s go,” masungit na saad niya at tinaasan pa ako ng isang kilay. Tapos ay nagsimula na siyang maglakad palabas ng opisina ko. Napabuntong hininga na lang ako at nagpasyang sumunod na sa kanya. Nang makarating sa parking lot ay agad siyang sumakay sa kotse niya, hindi naman na ako nagdalawang isip na sumakay rin doon. Tapos ay binuhay na rin niya ang makina para makaalis na kami. “Saan tayo kakain?” tanong ko habang nasa biyahe kami. “I made a reservation at Jag’s,” sagot niya. Tumango na lang ako at hindi na ulit nagsalita. Jag’s is a famous restaurant. Kilala ko ang may-ari pero hindi ko kaibigan. Maliit lang kasi ang mundo ng mga negosyante. At sino ba namang hindi makakakilala sa mga Montealegre gayong sobrang sikat nila sa mundo ng business? Daig pa nga nila ang mga celebrity, eh. “Do you have any plans for tomorrow?” tanong ni Primo sa akin mayamaya lang. “Work,” maiksing sagot ko. “What about on weekends?” “Work,” sagot ko ulit. “Puro na lang work? Nagde-day-off ka ba?” “Kapag gusto ko,” sagot ko. “You know, I honestly think that you need a boyfriend. Puwede kang mag-apply sa akin. Hindi naman mataas ang standard ko,” may halong pang-aasar na saad niya kaya nanlaki ang mga mata ko. “Ini-insulto mo ba ako?” naiinis na tanong ko. “And for your information, kahit pa gaano kababa ang standard mo, hindi ka naman papasa sa standard ko!” “Ouch,” aniya pero ngumisi pa rin. “International models and actresses are lining up for me. Pero ikaw lang ang ine-entertain ko. See? I already lowered my standard a little bit just to open my doors for you. So what do you say?” Napakayabang nga naman ng isang ito! “I say thanks, but no thanks!” giit ko. “If I know, those international models and actresses that you’re pertaining to are all nothing but first class wh*res. So yeah, no thanks!” pang-iinsulto ko pa. I don’t know why but I sounded a little bitter when I said that. Aminado ako ro’n. There’s nothing to be bitter about. It’s not like we’re in a relationship, and it’s not that I like him! “You have a sharp tongue,” aniya at ngumisi pa. “Be very careful of your words, love,” may halong harot pa na dagdag niya. “Then, stop provoking me!” usal ko ulit. “And again, my name is Aliyah, so stop calling me names. You’re creeping me out.” Mahina lang siyang natawa na akala mo ay nag-eenjoy sa usapan namin, samantalang ako ay parang sasabog na sa sobrang inis. He’s right, though. Masyado akong harsh magsalita. Madalas kasi ito ang problema ng karamihan sa mga tao, kapag sobra nang naiinis ay hindi na pinag-iisipan pa ang mga lumalabas sa mga bibig. And it causes trouble most of the times. Mabuti na nga lang at hindi siya pikon na kagaya ko. Abogado pa naman siya. Baka kapag may mali akong masabi ay kasuhan pa ako nito. Nang makarating sa Jag’s at maiparada na niya ang sasakyan ay sabay kaming bumaba tapos ay naglakad na papasok sa loob. Medyo kumunot pa nga ang noo ko nang makita na may isang lalaking pamilyar sa akin. And I realized that it’s the owner of this restaurant, Jaguar Montealegre. “Bro!” nakangiting saad pa niya habang nakatingin sa direksiyon namin. Bahagya akong napalingon sa likod ko para siguraduhin kung si Primo ba ang kausap niya. Si Primo naman ay nakangiti ring lumapit kay Jag at nag-fist bump pa sila. “Brother, how have you been?” bati ni Primo. “Busy, as usual. May dinaanan lang ako rito,” ani Jag at napalingon pa sa akin. “You have a date, I see,” makahulugang dagdag pa niya habang malawak na nakangiti. “She’s Aliyah Williams of WGC. She has a sharp tongue, but very adorable,” ani Primo at sabay pa silang natawa, ako naman ay napangiwi kasi hindi ko alam kung papuri ba iyon o insult. “Are you insulting me?” tanong ko at nagtaas pa ng isang kilay. “Oh,” ani Jag na parang matatawa pa. “See?” ani Primo at mahinang humalakhak. “Anyways, fancy meeting you here, brother. We’ll have our dinner now. Mukhang gutom na kasi ang girlfriend ko,” dagdag pa niya at binalingan ako, nakakaloko pa nga siyang ngumisi sa akin. Muli siyang tumingin kay Jag, nag-apir sila tapos ay naglakad na si Primo palayo. “It’s nice to meet you, Aliyah. Pagpasensiyahan mo na ang kaibigan ko at maloko lang talaga,” ani Jag, nagkibit naman ako ng balikat. “He’s a pain in the ass,” sagot ko na lang. Muling tumawa si Jag at marahang tumango. Ako naman ay naglakad na lang at sumunod na kay Primo. Napansin ko na pumasok siya sa isang VIP Room. Hindi naman ako nagdalawang isip na sumunod sa kanya. Medyo nagulat pa nga ko pagkapasok namin kasi may dalawang waiter doon na inilalagay na ang maraming mga pagkain sa mesa. “May kasama tayo?” tanong ko bago umupo, mayabang naman siyang ngumisi sa akin at umupo rin sa silyang nasa harap ko. “Bakit, gusto mo akong ma-solo?” tanong niya pabalik, mahinang natawa ang mga waiter pero agad ding pinigilan iyon na parang nahiya pa sa akin nang tignan ko sila, nang matapos sila sa ginagawa ay nagpaalam na sila. “Alam mo bang sobrang yabang mo?” naiiritang tanong ko ulit. “People say that it’s one of my charms,” sagot niya at kumindat pa sa akin. “And you should stop believing them, Primo. Trust me, hindi maganda at nakakatuwa ang kayabangan. Hindi rin nakakaguwapo,” sabi ko. “So, inaamin mo na guwapo ako?” tanong niya. I groaned in disbelief. As usual, hindi siya papatalo. And he won’t be a lawyer for nothing! Ang galing masyado, eh. Hindi nauubusan ng sagot. “Stop twisting my words, Attorney!” singhal ko. “Anyways, may iba pa ba tayong kasama? Just answer the damn question. Kasi kung wala kakain na ako para makauwi na rin ako kasi masyado akong naaalibadbaran sa pagmukukha mo!” marahan siyang humalakhak na parang nag-eenjoy na makita akong naiinis. “We’re not waiting for anyone, Your Honor. So help yourself,” aniya na para bang nasa trial siya. “Then, why did you order so much?” pabulong na tanong ko bago hinawakan ang mga serving spoon. “You didn’t eat your lunch. Hindi ka rin nag-mirienda. Kaninang almusal pa ang huling kain mo,” natigilan ako sa sinabi niya, agad din na kumunot ang noo ko dahil doon. “So, you’re stalking me now, huh?” I’m not sure if it’s a question. I feel like what I said was a statement. “Easy there,” aniya. “Stalking is a serious offense. Defamation is another. Your Dad told me that, just so you know. Nasa opisina kasi siya mula umaga, at hindi ka raw lumabas sa opisina mo. Ni hindi rin nagdala si Lyn ng kahit anong pagkain kasi ayaw mo raw magpa-istorbo. So what I said was just my conclusion.” Nagkibit na lang ako ng balikat dahil doon. Tama naman siya. Hindi ako nakakain ng tanghalian kanina, ni hindi na rin ako nakapag-mirienda dahil sa dami ng ginagawa kong trabaho. Hindi rin kasi ako makakain ng maayos kapag naiisip ko na marami akong kailangang tapusin. “Nagkape naman ako,” mahinang sagot ko na lang. “Too much coffee isn’t healthy,” aniya. “Alagaan mo naman ang sarili mo. Paano mo ako maaalagaan niyan kapag nagkasakit ka?” maharot na tanong pa niya habang nakangisi. “At bakit naman kita aalagaan, aber?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Kung ayaw mo edi…” he trailed off. “Ako na lang ang mag-aalaga sa ’yo.” “Kaya ko ang sarili ko,” sagot ko bago sumubo ng pagkain. “Hindi ko naman hinihingi ang opinyon mo. To take care of you is my sole choice. It’s my right,” hindi ako makapaniwala sa mga naririnig. Pero as usual, umarte ako na naiirita kahit pa ang totoo ay gusto kong mapangiti. Sino ba namang hindi kikiligin sa mga banat niya? Pero hindi ako marupok! Atsaka ni hindi ko nga alam kung seryoso ba ang isang ito sa mga pinagsasasabi niya. “Stop playing lawyer on me, Attorney. I’m not a bit impressed! Sa iba mo na lang sabihin ang mga banat mo kasi walang epekto ’yan sa akin,” pagsisinungaling ko, mahina lang siyang natawa tapos ay kumain na rin. “Oo nga pala, sa makalawa na ang biyahe natin pa-Pangasinan, hindi ba?” tanong niya, marahan naman akong tumango. Nawala iyon sa isip ko. Oo nga pala’t siya ang makakasama ko ro’n. Nakakainis naman kasi kung bakit hindi puwede si Lyn. For sure itong si Dad naman ay matutuwa na makakasama ko ng tatlong araw doon ang favorite guy niya! “I’ll just ask the HR to secure one company shuttle. Para may service tayo,” sagot ko. “Ako na ang magmamaneho para sa atin,” aniya. “Mas kailangan ang mga company shuttles dito. Kasama naman ako kaya okay lang na ako na ang mag-drive.” “Alright, then,” sagot ko at nagkibit na lang ng balikat. “By the way, one of your ex-boyfriend, Jeric Ignacio, will also be there,” aniya at ngumisi pa sa akin. Natigilan ulit ako sa pagkain at agad na nanlaki ang mga mata ko. “Bakit alam mo ang tungkol kay Jeric?” “You Dad just can’t help himself but to tell me stories,” aniya. Huh! Napakagaling talaga ng tatay ko. Eh, parang ang lagay ay binebenta na talaga niya ako sa lalaking ito. “He’s a total douchebag.” “Just… how much more do you know about me?” histerikal na tanong ko. “Not that much, don’t worry. But I want to know more about you. No pressure. We’ll get there,” makahulugang sagot niya at may halong panlalandi pang ngumiti sa akin. “You’re really creepy,” sagot ko kaya natawa na naman siya. “Let’s make your ex-boyfriend regret,” suhestiyon niya kaya natigilan ako. “What do you mean?” “Let’s play pretend that we’re in a relationship. Para lang magsisi siya na ginago ka niya.” “Oh, no. I’m not into immature acts, so thanks but no thanks!” “He’s going to be there with his current girlfriend, that’s what I heard. Kung hindi totoo, edi huwag na tayong magpanggap. Pero kung nandoon nga, pumayag ka na. I mean, I don’t him to make you feel like a loser. Let’s make him the loser, instead.” Mataman ko siyang tinitigan dahil sa sinabi niya. Nagtaas pa ako ng isang kilay at napangiti bago tumango. “Alright, let’s do it!” sagot ko. Maybe he’s not really that bad after all. Baka mali lang ang first impression ko sa kanya. Yeah, maybe…“Thanks, Attorney. I’ll just see you again tomorrow,” wika ko bago binuksan ang pinto ng kotse niya. Hinatid kasi niya ako rito sa tapat ng bahay namin pagkatapos naming mag-dinner. It’s already eight in the evening. Maaga pa ang ganitong oras para sa akin, hindi rin ako agad aantukin at balak ko pang magbasa ng mga business proposal sa study table ko sa kuwarto. Isa lang ito sa maraming mga bagay na nakasayan ko nang gawin. “I won’t be in the office tomorrow. I have a trial to attend,” sagot niya. “I’ll see you the next day, instead. Dito na ba kita susunduin o sa opisina na?” tanong pa niya. “I’m not sure. Baka kasi may mga kailangan pa akong tapusin sa opisina bago tayo bumiyahe. So, doon na lang siguro,” tumango naman siya sa sinabi ko. I was about to step out of the car when someone knocked on his car’s window. Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil doon. Siya naman ay mahina lang na natawa sa reaction ko. Bahagy
“Are you okay?” tanong ni Primo. Kasalukuyan kaming nasa biyahe papuntang Pangasinan. If I am not mistaken, Lake House ang pangalan ng resort na pupuntahan namin para sa business conference. I’m sure of the name, I’m just not quite sure where exactly it is. Hindi pa naman kasi ako nakakapunta ro’n. “I’m just a bit tired. Ang dami ko kasing tinapos kahapon. Parang kulang pa ata ako sa tulog,” mababa ang boses na sagot ko. It’s true. Instead of finishing a lot of things first thing in the morning today, I had decided to finish everything yesterday. Alas kuwatro na nga ata ako ng madaling araw nakatulog. Tapos ay nagising naman ako ng alas seis ng umaga para gumayak na. Alas otso nang sunduin ako ni Primo sa bahay para makabiyahe na kami. Hindi gaya nang unang napag-usapan na sa opisina niya ako pupuntahan. “Anong oras ka ba natulog kagabi?” kunot-noong tanong niya habang nagmamaneho pa rin. “Alas kuwatro ng ma
Nang makarating sa resort ay dumiretso muna kami sa convention hall kung saan gaganapin ang business conference. Nagsisimula na nga ang event, at may mga kilalang personalidad na sa mundo ng business ang nagsasalita sa stage. Nakahanap naman kami agad ni Primo ng puwesto, tapos ay magkatabing umupo. Abala ako sa pakikinig kunware sa nagsasalita kahit na wala naman akong maintindihan. Iniisip ko pa rin kasi ang mga napag-usapan namin ni Primo sa sasakyan niya. Hindi ko talaga inakala na napakalungkot pala ng mga nangyari sa kanya. Ang dami na niyang pinagdaanan pero ngayon ay ngumingiti siya na parang ang saya lang ng lahat. Napakalakas niya. Feeling ko kung sa akin nangyari iyon, baka hindi ko kinaya. It’s either nabaliw na ako o baka nawala agad sa mundo. Hindi ko alam. Madalas ay nadi-disappoint ako sa mga desisyong ginagawa ko, nagagalit sa sarili kasi hindi lahat ng gusto kong gawin ay nagagawa ko, laging nakabase iyon kay Dad at sa kung ano
“How’s that?” nakangising tanong sa akin ni Primo pagkapasok namin ng hotel room. We’re done for today. Bukas na ulit ang susunod na conference. Magsisimula iyon ng alas otso ng umaga hanggang alas onse, tapos ay may libreng lunch ulit pagkatapos. “Did you see his face?” natatawang tanong ko bago ibinagsak ang sarili ko sa malambot na kama. “That was awesome, Attorney. Grabe nakakatawa!” masayang dagdag ko pa. Oo, tuwang-tuwa ako nang makita ang napapahiyang mukha ni Jeric. Hindi naman sa bitter ako, pero napakatamis lang na kahit na papaano ay nakaganti ako. Tumagal lang kami ng isang buwan ni Jeric. Simula noong maging kami, unang araw pa lang ay wala siyang tigil kaka-request na may mangyari sa amin. Of course, I’m not a fool to immediately do that. Akala ko noong una ay understanding kasi hindi naman talaga siya namimilit. He’ll just simply ask for it. At kapag humindi ako ay nagkikibit na lang siya ng balikat. But a
Napabuntong-hininga na lang ako habang naiinip na nakikinig sa mga walang kuwentang kuwento ni Aryan. Kasama kasi namin sila ni Primo sa table. It’s already eight in the evening. Katatapos lang namin halos mag-dinner at umiinom naman sila ng alak ngayon. Aryan was right, her father set-up a barbecue party for everyone after dinner. Ako naman ay hindi umiinom. Hindi ko gusto ang lasa ng alak. Napilitan lang ako na tumambay rito kasama sila dahil nandito si Primo. Sa totoo lang ay gusto ko nan gang bumalik sa hotel room namin, eh, mag-check ng mga email proposal o kahit na matulog na lang. Maliban kina Aryan at Jeric ay may iba pa kaming kasama sa table na halos kasing edad lang din namin. Mga batang businessman, o kung hindi kaya ay anak ng mga businessmen na nandito rin. “And then, an international brand for a clothing line offered me a slot on their upcoming big event. Sabi ko, kung hindi ako ang highlight ay ide-decline ko ang offer nila. Kaya pin
Hindi ko alam kung hilo o antok ba itong nararamdaman ko. Mabuti na nga lang at nandito si Primo para alalayan ako hanggang sa makarating na kami sa hotel room. Ang sarap ng alak na binigay sa akin, pero ganito pala ang tama no’n. Siguro dahil nga hindi naman talaga ako umiinom. Marahil ay gano’n na nga. Huminga ako ng malalim habang nakapikit pa rin nang maramdaman ang malambot na kama sa likod ko. Finally! Sigaw ko sa sa isip ko. Kanina ko pa kasi talaga gustong humiga. Pero hinintay ko na si Primo mismo ang mag-aya sa akin na bumalik na sa hotel room dahil nga hindi ko naman gustong isipin ng mga kasama namin sa table na kinokontrol ko siya sa mga desisyon niya. I mean, I just don’t get why I’m making such a big deal out of it. Hindi naman talaga kami. Nagpapanggap lang kami. Siguro rin ay gusto kong ipakita kina Jeric at Aryan na ‘perfect relationship’ ang meron kami ni Primo. “Hindi mo na dapat ininom ang binigay sa
As usual, nainip na naman ako sa conference. They were actually talking about some things that they already tackled on their previous conference. Kaya naman tahimik lang ako na nakatingin sa may entablado. Kunware ay nakikinig ako, kahit na ang totoo ay walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang nangyari kagabi, at kaninang umaga. Wait, what stage are we in right now? MU na ba? I mean, did I just give him the right to flirt with me? Hindi ba malanding ugnayan ang ibig sabihin ng MU? Gano’n na ba kami? Hindi ko alam! At wala akong lakas ng loob na magtanong sa kanya. Kasama pa rin naman namin sa table sina Jeric at Aryan, maging ang mga iba pa naming nakasama sa table sa barbecue party kagabi. Ngayon ko lang nalaman na Luna pala ang pangalan nung babae na nagbigay sa akin ng alak. Luna is actually fun and easy to be with. Okay siya kumpara kay Aryan. Nalaman ko rin na may isa siyang maliit na at kasisimula pa lang na negosyo kaya siya
“Do you want to stay here until tomorrow?” tanong ni Primo habang nasa loob na kami ng hotel room namin. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard, ako naman ay nakaupo rin sa kama pero nasa bandang dulo naman. “Puntahan na natin iyong mga kaibigang sinasabi mo, tapos umuwi na siguro tayo. Marami rin kasing trabaho ang naghihintay sa akin sa opisina,” mababa ang boses na sagot ko naman, mahina siyang napabuntong hininga bago tumango. “I made the situation worse, didn’t I?” tanong niya, ngumiti naman ako bago umiling. “You did the right thing, Attorney. Deserve nila iyon,” sagot ko naman. “Medyo nagwo-worry lang ako sa magiging reaction ni Dad. Alam mo na…” Tumango naman siya. “Ako na ang magpapaliwanag ng lahat kay Tito,” saad niya. “Alright, ayusin na natin ang mga gamit natin para makaalis na tayo.” Sinunod ko naman ang sinabi niya. Halos sabay pa nga kaming tumayo mula sa pagkakaupo sa kama para maa