Lovely POVKanina pa sumasakit ang ulo ko sa kaibigan ko, simula ng umuwi siya dito ay parang wala sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Hindi kaya nababaliw na 'to dahil hindi pa sila nagkakaayos ni Storm?Kailan kaya 'to babalik sa normal, pwede naman kasi magkaroon na lang sila ng closure kaso kilala ko ang kaibigan ko at alam kung hindi siya papayag na basta na lang gano'n. She's sa brave woman at hindi siya ang tipo ng tao na susuko na lang ng hindi pa sumusubok na lumaban.Pero kasi napapaisip din ako? Kagaya ng sinabi niya sa akin ng una silang magkita, kung mahal pa siya ng ex niya edi sana hinaharap siya nito o kaya hindi pinapaalis kapag pumupunta siya do'n. Mukhang wala na talaga 'tong feelings sa kanya. Ilang taon na din kasi ang lumipas.At dahil sa inis ko ay binato ko na siya ng una. "Aray ano ba!" singhal niya sa akin."Hindi mo ba alam na para kang tanga r'yan kanina pa? Psh!" saad ko."Nag iisip ako, okay?""Ano ba kasi ang nangyayari sayo? Kanin
Beatrice POVKababalik ko lang sa table ko dahil umalis kami kanina ni Storm para kumain ng tanghalian sa labas, hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'yon dahil sinabi ko naman sa kanya ng gabi pa lang na magluluto na lang ako pero hindi ko din nagawa dahil ayaw niya.Minsan nga inaasar ko pa siya na baka nagsasawa na siya sa luto ko dahil ayaw niya na pero sinasabi niya naman na ayaw niya lang talaga akong mag abala pa at mapagod dahil alam niyang marami na akong ginagawa dito sa opisina, sinabi ko kasi sa kanya na labas ang relasyon namin kapag usapang trabaho.Hanggang ngayon ay hindi ko pa din lubos maisip kung ano ang magadang nagawa ko para ibigay sa akin si Storm, hindi ko inaakala na may mga ganitong side pala siya. Sadyang hindi ko pa lang talaga siya kilala ng tuluyan."Excuse me?" napatigil ako sa pag iisip ng biglang may nagsalita sa gilid ko, ng tiningnan ko kung sino ito ay pinigilan kung mapairap."Hello, good afternoon." bati ko sa kanya."Nandiyan ba si Storm? Ma
Storm POVInaayos ko ang mga papeles na tapos ko ng mapirmahan para malaman ko kung ano pa ang mga wala ng makarinig ako ng mga boses na parang nagsasagutan sa labas. Kakabalik lang din kasi namin ni Bea dahil naglunch kami sa labas.Nang una ay hindi ko na binigyan pansin dahil baka may kausap lang si Bea pero ng makilala ko ang isang boses ay nagtaka ako. Ano na naman ang ginagawa niya dito?Nilapag ko muna ang hawak kung dokumento at agad na tumayo para tingnan kung ano ang nangyayari sa labas, baka mamaya ay mag away pa ang dalawang 'yon dito. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko silang dalawa na nagsasagutan at halatang hindi pa ako napapansin.Nag init ang ulo ko ng makita kung sinampal ni Kaye si Bea pero gumanti din naman ito sa kanya ng sampal. "What's going on here?" pagsasalita ko at agad naman napatingin sila sa akin.Lumapit naman sa akin si Kaye habang hawak hawak ang kanyang pisngi. "Tingnan mo ang ugali ng sekretarya mo Storm, tinanong ko lang naman kung nandito ka dahil
Beatrice POV Nang pumasok na ulit si Storm sa kanyang opisina ay sinunod ko naman ang inutos niya, nakakainis talaga ang babaeng 'yon alam kung ex siya at may pinagsamahan sila pero kung makapagsalita akala mo kung sino siya. Nasa kanya na noon iniwan niya tapos ngayon maghahabol siya kung kailangan masaya na 'yong tao. Pagkatapos kung itimpla ang kape ay agad na akong sumunod sa opisina ng boss ko dahil alam kung mainit na naman ang ulo no'n dahil sa nangyari. Ayaw pa naman no'n na magkaroon ng gulo o issue lalo na dito sa kompanya. Nang makapasok na ako sa loob ay nakita ko siyang nagtitipa sa kanyang laptop. "Ito na 'yong kape mo." pagkuha ko sa atensyon niya at nilapag sa mesa sa may sofa ang dala ko. "Stay there, I'll just finish this." anas niya kaya umupo na lang muna ako. Mayamaya pa ay tumayo na siya at naglakad palapit sa akin. "Why did you that?" tanong nito. Napatingin naman ako sa kanya ng makaupo siya sa tabi ko. "What do you mean?" tanong ko pabalik. "Alam mo kung
Nigel POVKasalukuyang nandito kami ngayon ni Kiara sa isang restuarant habang hinihintay sina Storm at Bea. May usapan kasi kami na magdidinner dahil halos hindi na kami nagkikita dahil sa busy ng mga trabaho namin, kakarating lang din kasi nitong girlfriend ko dahil may pumunta siya ng ibang bansa."Bakit ba ang tagal nila kuya? Tinawagan mo ba siya?" naiirita na tanong sa akin ni Kiara."I already told him babe, baka natraffic lang sila. Alam mo naman na ayaw din ng kapatid mo ang ma late, kaya chill ka lang diyan." saad ko.Mayamaya pa ay natanaw ko na ang dalawa na kapapasok lang sa restaurant. Pustahan at magdadaldal na naman itong kapatid ni Storm dahil kanina pa siya paany reklamo. "Sorry, we're late natraffic kasi sa daan." anas ni Storm ng makalapit sa amin at agad niyang hinalikan sa pisngi ang kanyang kapatid."Mabuti naman at nandito na kayo dahil 'yang kapatid mo kanina pa nagrereklamo dahil wala pa kayo." natatawang wika ko."Ang pagkakaalam ko madalas ang malate sa at
Kaye POV Inis na inis ako ng makauwi ako sa condo ng kaibigan ko, akala ko kapag umiyak ako sa harapan niya ay maaawa siya sa akin pero hindi nangyari ang bagay na 'yon dahil talagang pinamukha niya sa akin na hindi niya na ako mahal kung hindi ang babaeng 'yon. Hindi ako papayag na basta na lang mawala sa akin ang lalaking mahal ko, ako ang nauna sa buhay niya at hindi ang Bea na 'yon. Hindi ako titigila hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. Kailangan mawala sa landas ko ang babaeng 'yon. "Oh bakit ganyan ang mukha mo? Don't tell me rejected ka na naman ni Storm? Girl wake up na, sinabi ko naman sayo na nakamove on na 'yang ex mo eh." biglang saad ni Lovely na kararating lang din. "Ang babae na 'yon akala mo kung sino kung umasta, akala mo may karapatan siya!" inis na wika ko. Napakrus arm naman sa akin ang kaibigan ko at tiningnan ako nito ng seryoso. "Nababaliw ka ba? Malamang friend may karapatan siya kasi girlfriend siya ni Storm. Ewan ko ba naman kasi sayo kung bakit aya
Kaye POV Simula ng maging okay kami ay kahit papaano kinakausap niya ako, minsan dumadalaw ako sa bahay nila o kaya sa kanyang opisina hindi ko kasi alam kung saan ang condo niya dahil bago na ito hindi ang dating alam ko. At dahil wala naman akong choice kaya nakipagkaibigan na din ako kay Beatrice kahit na ayaw ko, kung 'yon ang paraan para mas mapalapit ako Storm ay gagawin ko. Isang buwan na ang lumipas pero masasabi ko na mas nahihirapan akong kunin ang loob niya at mas nakakairita pa kapag nakikita ko silang sweet ni Bea, ganyan din siya sa akin noon at mukhang sa nakikita ko ay mas mahal niya na nga ang babaeng 'to kaysa sa akim dahi; may mga bagay siyang nagagawa na kahit kailan ay hindi niya nagawa sa akin ng kami pa. At ngayon ay papunta ako sa kanyang opisina at himala dahil wala dito si Bea, hindi kaya nasa loob ito? At para malaman ko ay kumatok ako ng tatlong beses at saka binuksan ang pinto. Nakita ko si Storm na seryosong nagbabasa ng mga papeles. Hmmm. Nasaan na kay
Kaye POV Nang makarating ako sa lugar na pupuntahan ko ay mabilis akong nagbayad sa taxi at saka bumaba. Naglakad ako papunta sa boutique kung nasaan ang taong sadya ko. At pagpasok ko ay tinanong ko ang isang babae kung nasaan ang boss niya at iginaya niya naman ako papunta sa opisina nito. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaupo habang may pinipirmahan na mga dokumento. Napatingin naman ito sa akin ng tumikhim ako. "Hi ate." bati niya. "Hello, busy ka ba?" tanong ko sa kanya. "Hindi naman, chinecheck ko lang itong mga new designs. Bakit ka nga pala napadalaw?" inilapag niya ang hawak niyang folder at saka tumingin sa akin. Bumuntong hininga naman ako. "Kailangan kitang makausap tungkol sa kapatid mo Kiara." seryosong anas ko. "What about him? May problema ba?" "Tulungan mo akong paghiwalayin sila ni Bea." diretsong saad ko. Kumunot naman ang kanyang noo. "W-what? Akala ko ba ay nakapag usap na kayo ng kapatid ko ate. Buong akala ko ay naka move on ka na." "Okay na kami ni S