Share

Chapter 11

Nang mapagod sa kakasigaw ay muli itong umayos ng higa at tumitig sa kisame. Isang ngiti na naman ang namumutawi sa kanyang labi ng sumagi sa kanyang isipan ang pinagsasabi ng binata sa kanya kanina. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang gwapong mukha ng binata na parang kahit saang anggulo ng kwarto siya tumingin ay nandoon ang mukha ni Niel.

“Nababaliw na siguro ako!” hindi niya mapigilang ibulalas ng medyo kumalma na ang kanina’y nagwawala niyang puso. Bahagya nitong sinilip ang tuta na ngayon ay tahimik lang itong naka-hilata sa loob ng carrier. Tila masarap ang tulog nito kaya pansamantala muna niyang hinayaan ito.

Bumalik ulit siya sa pagkakahiga at pilit na pinahihinga ang sariling mga mata at isipan ngunit napabalikwas din siya ng bangon nng makarinig ng katok sa pintuan. Kahit nagtataka ay bumangon naman ito para pagbuksan ang kumakatok pero bago ‘yon, inayos niya muna ang sarili.

“Bakit?” naiilang niyang tanong ng makita kung sino ito.

"Samahan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status