"I TOLD YOU, stay away from him. Umpisa pa lang, 'di ba, sinabihan na kita? Bakit hindi ka ba nakikinig sa 'kin? Pinapahamak mo lang siya, lalong-lalo na ang sarili mo! For pete's sake, Venixe! Pwede bang, makinig ka naman sa 'kin?" panenermon ni Cloud kay Venixe habang nagmamaneho.
Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang pinapakinggan ito. Bukod sa inaantok siya, ayaw niyang marinig ang sermon nito. Alam na alam naman niya ang bagay na iyon.
"Are you listening?"
Bahagya niyang tinapunan nang sulyap ang binata saka muling binaling ang tingin sa labas ng bintana. Malakas pa rin ang ulan, pero kailangan na nilang bumiyahe.
Iniwan niyang tulog na tulog pa si Xander dahil naka-ilang ulit na may namagitan sa kanilang dalawa. Tinawagan niya si Cloud kagabi pa, para sunduin siya nito sa hotel na tinuluyan nila ni Xander. Mabuti na lang at pumayag ito na sunduin siya kahit may gagawin pa ito.
"I'm listening... Inaantok lang ako."
"I'm serious, Ven. Maging maingat ka."
Hinarap niya ang binata. "Cloud, alam na alam ko ang bagay na iyan. Siya nga pala, kailan ang balik ni Balsier ng bansa? May nalaman ka na ba?"
"Two months from now." Nagkatinginan silang dalawa. "Mas maghanda pa tayo. May dalawang buwan pa tayo para makapaghanda nang mabuti."
Tumango si Venixe. Nabuhay na naman ang kaniyang nararamdamang galit pagkatapos marinig ang balita na iyon ni Cloud. "Ano nga pala ang ginagawa mo ngayon sa Maynila?"
"N-othing."
Lingid sa kaalaman ni Cloud, ay nalaman na ni Venixe kung ano ang ginagawa nito sa Maynila. Hindi na siya nag-usisa pa dahil ayaw nito ipaalam sa kaniya ang ginagawa nito.
NAKANGITING kinapa ni Xander ang katabi ngunit bigo siyang napamulat ng mata ng wala na si Venixe sa kaniyang tabi pagkagising. Agad siyang bumangon. Naisip niyang nasa loob marahil ng banyo ang dalaga.
"Babe?" namamaos na tawag niya sa dalaga. Hindi na siya nag-abalang magbihis muna. Dumiretso na siya sa banyo habang nakangiti, expecting Venixe was there inside the bathroom. But to his dismay, wala si Venixe.
'Where is she?' tanong niya sa sarili. Malakas pa ang ulan at alas siete pa lang ng umaga. Nagbihis na agad siya.
Damn it! Umalis na ang dalaga at iniwan siya nito sa hotel. Agad siyang nagbihis at tinawagan ang secretary. Wala na rin ang mga gamit nito. Kung gano'n, talagang umalis na ang dalaga at iniwan siya nito. She's really different from all the women that he dated. Ang mga babae niya noon ay sila pa ang nagrerequest sa kaniya na magstay, tapos itong si Venixe ay basta na lamang siya iniwan pagkatapos nitong ibigay ang pinakaiingatan niya. Mas lalong hindi niya pakakawalan ngayon ang dalaga.
"Thinz, nagawa mo na ba ang inuutos ko sa 'yo?" tinawagan niya ulit ang kaniyang secretary.
"Yes, sir. Nakapagset na po ako ng meeting sa Manager," sagot ni Thinz sa kabilang linya na kinakabahan sa kaniyang boss dahil sa maagang pagtawag at pag-utos nito sa kaniya.
"No. I don't like to talk to the manager. I want to talk to the owner. Do it immediately. Make sure na siya ang makakameeting ko or else, maghanap ka na ng ibang trabaho! Do you understand?" mariin nitong utos sa secretary.
"S-ir naman."
"Just do it, okay?"
"Yes sir," sagot ni Thinz kahit nagdadalawang isip siya kung mapapayag nito ang mismong may-ari ang kakausapin niya. Ang sabi pa naman ng manager na nakausap niya ay nasa bakasyon ang boss nito. Pero wala siyang choice kun'di ang sumunod, dahil mawawalan siya ng trabaho.
"AKALA KO ay matatagalan ka pa sa bakasyon mo, Venixe?" bungad na tanong ni Dorris kay Venixe pagkababa na pagkababa nito sa sasakyan ni Cloud.
Nakakunot ang noo ng matanda habang nakatingin kay Cloud na bumaba na rin ng kaniyang sasakyan. Isang makahulugang ngiti ang ginawad ng matanda sa kanilang dalawa ni Venixe at Cloud. Ito ang unang beses na nagdala ng lalaki si Venixe sa kaniyang bahay bukod kay Miguel.
"Dorris, si Cloud kaibigan ko," walang ganang pakilala nito sa binata. Hindi niya maintindihan ang sarili, pero naiinis siya nang umalis siya ng 'di nakapagpaalam sa binata. May kung anong nararamdaman siya na ayaw niyang aminin sa sarili. She misses him.
"Aakyat na ako, Dorris. Ikaw na ang bahala kay Cloud. Paghanda mo na lang siya ng almusal. Mamaya na ako kakain."
"Ven," seryosong boses ni Cloud. Alam kasi ni Cloud na naiinis ang dalaga.
"I'm tired and sleepy, Cloud. I can't join you on breakfast. Just suit yourself," paalam na niya saka tumalikod at pumasok sa loob ng bahay.
Mabilis naman siya nahabol ni Cloud at nahawakan sa braso. "Let's talk some other time, Cloud. I want to rest. You can stay here for a while. Alam kong pagod ka na rin sa biyahe. Thank you."
Hinayaan na lamang siya ni Cloud at sinundan ng tingin ang dalaga.
"Sir Cloud, halika na po kayo sa dining. Kumain na kayo ng almusal. Ihahanda ko lang ang kwarto na gagamitin niyo," yakag ni Dorris sa kaniya.
"Hindi na Dorris. I'll go ahead. May pupuntahan pa ako, thanks."
Marahan na tumango na lang si Dorris bago tumalikod si Cloud at lumabas ng bahay ni Venixe.
"MA'AM IKAW po talaga ang gustong kausapin ni Mr. Montereal," imporma ng secretary ni Venixe sa kaniya.
Kakahiga pa lang niya sa kama nang tumawag sa kaniya ang kaniyang manager sa coffee shop niya.
"Tell him, I'm busy. O kaya sabihin mo na nasa bakasyon pa ako. Hindi pa ako umuuwi," naiinis niyang saad. Napahilot siya ng sintido.
"Nasabi ko na po 'yan, Ma'am kaso ayaw po talaga pumayag ni Mr. Montereal."
Napabangon siya habang patuloy na minamasahe ang sintido. "Fine. Kailan ba ang meeting na 'yan?" Wala naman siyang magagawa dahil kailangan niyang makipag-usap sa may-ari ng building. Bigla-bigla na lang ay gustong ipasara ang coffee shop niya dahil may gusto ng bumili property na iyon. Maganda ang nakuha niyang lugar dahil talagang daanan at centro ng mga gusali sa Makati. Papakiusapan niya ang may-ari ng building. Ayaw naman kasi sa kaniya ibenta ang lugar na 'yon.
"Tomorrow, Ma'am. I'll send the details Ma'am Venixe."
"Okay. Thank you, Mary." Hinagis niya pagkatapos ang cellphone sa kama. Naiinis siya nang hindi niya talaga maintindihan ang sarili.
Muli siyang humiga sa kama at nakatingin sa kisame. "Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dapat ay matuwa ako dahil hindi ko na makikita ulit si Xander," kausap niya sa sarili. Napapikit na lamang siya at niyakap ang malaking unan.
ISANG TAWAG ng Elder ng Balzi ang nagpabangon kay Venixe. Napaupo siya sa kama at agad na sinagot ang tawag. Kinakabahan siya dahil hindi naman ito tatawag kung hindi importante."Haya, bakit ka napatawag?""Lady V, maghanda ka na. Babalik na si Balsier ng bansa sa susunod na buwan. Nais ka niyang makilala at makita ng personal," imporam sa ka kaniya ng isa sa mga Elder na mabait sa kaniya.Lady V ang ginagamit niyang pangalan sa organisasyon. Malakas ang tibok ng puso niya sa mga oras na iyon sa binalita sa kaniya ni Haya. Malapit na niyang makamtam ang hustisya. Malapit na niyang maisagawa ang kaniyang matagal na plano.Akala niya ay dalawang buwan pa ang hihintayin niya tulad ng sinabi ni Cloud sa kaniya. Natuwa siya sa nalaman ngayon ngunit nakaramdam din siya nang lungkot. Ibig sabihin, kapag bumalik na si Balsier, ito na rin ang katapusan niya. Buhay ni Balsier, kapalit ng buhay niya. Wala siyang pagpipilian. Pinasok niya 'to at ginusto. Umpisa pa l
NANINGKIT ang mga mata ni Venixe pagkakita sa taong iniiwasan niya. Si Xander. Ano ang ginagawa niya sa unit ni Mr. Montereal?Oh, no! Alexander Montereal ay si Mr. Montereal! Hindi makapaniwalang napagtanto ni Venixe na iisa lang ang taong tinakasan niya at ang taong papakiusapan niya. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Natampal niya ang sarili sa katangahan niya."You?!" turo niya sa binata.Agad siyang tumayo at taas noo siyang naglakad patungo sa pintuan. Nakasuod siya ng strapless classy jumpsuit na kulay black at nakaheels. She appears to be sophisticated and classy. Nakalugay lang ang kaniyang buhok dahil hindi na siya nakapag-ayos kanina.MAS LALONG namangha si Xander sa ayos ni Venixe. Sinalubong niya ito ng isang mapusok na halik. Nabigla pa ito sa ginawa niya kaya nagpupumiglas pa ito sa kaniya. Niyakap niya ang dalaga habang masibasib niya itong hinahalikan para hindi makawala sa kaniya."Mmmmp!"Hindi niya pinansin ang pagpupu
SUMASAKIT lang ang ulo lalo ni Venixe pagkatapos na may nangyari sa kanila ngayon ni Xander. Pinahiram siya nito ng t-shirt niya at iyon lang ang suot-suot niya.Pinagmamasdan niya ang binata na abala sa pagluluto. Nakaupo siya sa couch. May kasiyahan na sumisilay sa kaniyang labi habang nakatingin siya sa binata na tanging brief lang nito na kulay puti ang suot at naka-apron habang nagluluto ng kanilang dinner.Yes, dinner dahil inabot na siya ng gabi sa unit ng binata. Nasa ibaba lang ang kaniyang coffee shop at kanina pa siya tinatawagan ni Mary para kumustahin ang kanilang pag-uusap ni Xander. Hindi naman nila alam na kilala niya ang Montereal na may-ari nitong buong building. Hindi lang basta kilala, kun'di kanina pa niya katalik ang binata.Condo itong building na hindi naman gano'n kataas tapos ang ibaba ay mga establishment na, at isa na doon ay ang coffee shop niya.She's just wondering kung paano nalaman ni Xander na nandito ang kanyang bu
NAIINIS na nakatitig si Venixe sa harap ng kaniyang laptop sa loob ng opisina niya sa coffee shop. Paulit-ulit niyang naririnig sa kaniyang isipan ang sinabi sa kaniya ni Xander bago sila naghiwalay noong nakaraang araw.'Be my girlfriend and this place will be yours.'Nasisiraan na ba talaga siya ng ulo? Bakit naman niya susundin ang sinabi ng binata sa kaniya. She loves the coffee shop but she can't be Xander's girlfriend. She heaved a deep sigh. Sinara niya ang laptop at pinaglaruan ang hawak na ballpen sa kamay.Mas naging kumplikado ang sitwasyon niya, nila ng binata. Why can't she resist him? Ano ba ang mayro'n sa binata at hirap na hirap siyang layuan ito? Everytime he tried to come near her, wala na siyang nagagawa kun'di ang magpaubaya rito.Isang katok ang nagpabalik sa kaniya mula sa malalim na pag-iisip. Nakabukas naman ang pintuan ng office niya. Si Mary."Ma'am, nariyan po si Mr. Montereal sa labas, hinahanap kayo.""Ano?!" Nag
VENIXEWala na sa tabi ko si Xander pagkagising ko. Bumangon ako at kinuha ang t-shirt niyang nalaglag sa kama at sinuot. Mabango pa rin ito kahit na nasuot na niya ito kahapon. Naghalo ang pabango ni Xander at ang natural scent nito. Napangiti lang ako habang inaamoy ko ang t-shirt niya.Hindi ko makita ang suot kong undies kagabi na basta na lang niyang tinapon kung saan. Hindi na ako nag-abala na hanapin iyon. Kumakalam na ang sikmura ko kaya naisipan ko ng lumabas ng silid niya. Bago pa ako makalabas ay tumunog ang phone ko. Nilapitan ko ang phone ko na nasa loob ng bag ko, na nakapatong sa upuan na naroon.Si Cloud ang tumatawag. Tinitigan ko muna nang matagal ang phone hanggang sa namatay na ang pagring nito, pagkatapos ay nagring ulit. I heaved a deep sigh before I turned it off. I don't know, pero ayoko makarinig muna ng tungkol sa Balzi o tungkol kay Balsier. Gusto ko muna ilayo ang sarili ko sa bagay na iyon kahit ngayong araw lang. Gusto ko lang magin
VENIXEDINALA AKO ni Miguel sa loob ng kaniyang opisina, sa kaniyang restaurant. Basang-basa ako dahil sa ulan. Iyong jacket niya ang pinahiram sa 'kin para hindi ako lamigin.Nagpabili rin siya sa staff niya ng damit na pamalit ko sa isang mamahaling botique, katapat ng kaniyang restaurant."What happened?" tanong niya sa 'kin habang binabaan ang lamig ng temperatura ng aircon.I just cried. Hindi ko magawang sabihin sa kaniya ang totoo. I heard him sighed."Is it about Alexander?" tanong niya sa 'kin ng hindi ako nagsalita.Nakaupo siya sa katapat swivel chair na hinila niya sa harap ng couch na inuupuan ko. Yakap-yakap ko ang jacket niyang nakasuot sa akin habang umiiyak na nakatingin sa kaniya. I couldn't lie. I couldn't tell him either. I just want to release these heavy burdens inside of me.Banayad niyang hinaplos ang pisngi ko. Napayuko ang sa ginawa niya at mariing napapikit. Bakit ang sakit? Bakit ang sakit-sakit nang
VENIXE"ARE YOU not going inside?" pukaw ni Cloud sa malalim kung pag-iisip.Kaarawan ng isa sa mga Elder namin ngayon na si Alpha. Isa siya sa mga mayayamang negosyante ng bansa. Lahat ng mga negosyante ng bansa ay halos inimbitahan nito."I'm sorry. Halika na," hinging paumanhin ko at nginitian siya nang tipid."Masama ba ang pakiramdam mo?"tanong sa 'kin ni Cloud kaya napatigil ako sa pagbukas ng sasakyan at nilingon siya.Masama nga talaga ang pakiramdam ko. Kahapon pa ako nakakaramdam nang pagkahilo. Tinatamad din ako kumilos. Hindi ako pumasok kahapon sa coffee shop dahil wala akong gana na kumilos. It's been more than a week since I saw Xander. Naiiisip ko, baka dahil namimiss ko lang siya kaya ganito ang nararamdaman ko. I tried to call him but it's better this way. Mawawala rin naman itong nararamdaman ko.Kung hindi nga lang sinabi ni Haya na pumunta ako ngayon, hindi talaga ako pupunta."I'm fine. Pagod lang ako. Mada
VENIXENAGDIDILIM ang paningin ko pagkagising. Maaga akong hinatid kagabi ni Cloud. Hindi rin naman ako uminom kagabi pero pakiramdam ko ay bumabaligtad ang sikmura ko.May meeting kami ngayon ng mga elders. Kahit na mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon at maligo.Tinawagan na ako ni Cloud na susunduin niya ako. Tamad na tamad ang pakiramdam ko at gusto ko pang matulog. Alas onse na ng umaga ako nagising pero tila hindi pa rin sapat ang tulog ko. Nagsuot lang ako ng jeans at fitted na blouse.Pagbaba ko ay naabutan ko si Dorris na naglilinis sa sala."Ven, ayos ka lang ba? Para kang may sakit. Namumutla ka." Lumapit din ito sa 'kin at sinalat ang noo at leeg ko. "Hindi ka naman mainit.""Pagod lang ako Dorris. Alam mo naman, naging busy ako nitong mga nakaraan na araw.""Si Cloud kanina pa nasa labas. Sinabi ko nga na kumain muna, kaso doon na lang daw siya kotse niya maghihintay. Yayain mo nga at nang makakain muna kayo