Share

Delia's Suffering

Nakahiga lang ako sa kama ko habang nagmumuni muni sembreak na kasi naming college na ako next school year napapaisip ako asan na kaya yung totoo kong tatay. “DELIAAAA!” Napatayo ako sa pagkakahiga ko ng biglang sumigaw ang nanay ko agad agad ako napatayo at pumunta sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niya ako sinampal. “Hampas lupa ka magnanakaw ka!” galit na sabi niya sa akin napahawak nalang ako sa pisngi ko.

“A-Ano po ba yung mama wala akong alam sa sinasabi niyo.” 

“Wow kunyare hindi moa lam nawala ako pera ko at alam ko ikaw lang ang kukuha nun!”galit na sabi niya sa akin napatingin ako sa stepdad ko na nakangisi sa amin.

“Ma hindi lang naman ako yung tao ditto.”sabi ko

Nakita ko na naging seryoso ang tingin sa akin ng stepdad ko. “So ano ibig mo sabihin na si lemuel ang kumuha ng pera ko!” sigaw niya sa akin at tumayo para lumapit sa akin.

“E Hay*p ka pala bakit naman kukunin ng asawa ko yung pera ko ha manang mana ka sa tatay mo wala kayong silbi!” sabi niya.

Tatalikod na sana siya. “Sana hindi niyo nalang ako binuhay dito sa mundo para hindi ko ito maramdaman.” Pinipigilan ko pumiyok dahil sobra na ako nasasaktan.

Nagulat ako ng bigla niya ulit ako sinampal ng dalawang beses. “SANA NGA HINDI NALANG KITA BINUHAY!” sigaw niya sa akin.

Hindi ko na kaya agad ako lumabas ng kwarto nila at pumasok sa kwarto ko at sinarado ko ang pintuan napasandal nalang ako bakit ang unfair ng mundo. Ang sarili kong ina ay hindi man lang kumakampi sa akin sana nga kung hindi naman niya rin ako kayang mahalin ay dapat hind na niya ako binuhay nahiga nalang ako at umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulogan ko na ang pagiyak.

Nagising ako sa lakas ng ulan kaya napatingin ako sa orasan gabi na pala tumayo na ako at pumunta sa salamin mugto ang mga mata ko gusto ko nalang talaga maging manhid yung kahit ano sabihin nila sa akin ay hindi na ako masasaktan. Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina kung saan nandun ang dalawang naging kontra bida sa buhay ko kumuha ako ng tubig aalis na sana ako ng bigla ako hinarang ni mama.

“Hihinto ka na ng pagaaral.” Seryosong sabi niya sa akin.

Natawa naman ako ng mapait. “Seryoso ka ma. kinuha mo na nga yung kasiyahan ko kukunin mo rin ba yung pangarap ko ma.” 

Sasampalin niya sa ako. “Sige ma sampalin mo ako gawin mo akong punching bag sino ba naman ako diba para mahalin mo.” Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

“Wag mo ako sagot sagotin tandaan mo anak lang kita!” Sabi niya habang dinuduro niya ako.

“Anak mo pala ako hindi ko kasi ramdam yung pagmamahal ng isang ina.” Sabi ko at tumalikod na ako sa kanila. “Mahal kita ma pero pasensya ka na hindi ko maramdaman ang pagmamahal ng isang ina na matagal ko na hinahangad.” Sabi ko at iniwan sila na nakatulala.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at humiga nalang gagawa ako ng paraan para makapagaral sa kolehiyo magsusumikap ako para hindi na ako humingi ng tulong kahit kanino man. Iniisip ko rin bakit pa niya ako kinuha kay papa kung papahirapan niya lang ako hindi ko alam noon kung bakit nakipaghiwalay si papa kay mama pero ngayon alam ko na ang lahat. Siniraan ni mama sa akin yung sarili kong ama para magalit ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status