Share

Special Chapter 3

"Ano bang magandang i-regalo sa lalaki?" wala sa sariling tanong ko kay Kyle habang naglalakad kami palabas ng University. It's 3 o'clock in the afternoon at wala na kaming klase.

"Baby." hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya, na kaagad naman niyang kinahalakhak.

"Joke lang, pero pwede rin. Sino ba reregaluhan mo?"

"Si Ruce."

"Baby nga, matanda naman na 'yon." Humagalpak pa siya ng tawa kaya mas malakas ko siyang tinapik sa braso n'ya.

"Gaga ka! Baka magkatotoo 'yan, siraulong 'to." Natatawa na rin ako, not because it was a good joke but because of her laugh. Nahahawa ako.

"Depende, ikaw lang makakasagot niyan kasi ikaw mas nakaka kilala sa kaniya. Ilang taon mo na siyang kasama sa bahay." napaisip naman ako. Next month pa kasi ang birthday niya... We have the same birth month though. Mas una lang talaga siya dahil katapusan pa ako.

"Hindi ko kasi maisip kung ano b-bagay na regalo sa kaniya?" kainis naman. Marami sana kaso napaka-cliché naman na siguro. I want the unique one.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status