Chapter NineKINAHAPUNAN ay nakabalik na sina Belial at Endemion sa bahay nila na may pagtataka kung bakit may itim na abo silang nadatnan sa may malapit sa pintuan, nadatnan din nila si Beelzebub na prenteng nakaupo habang naglalaro ng itim nitong apoy, na ikinalapit nina Endemion sa kaniya."Nakabalik na po kami kamahalan."pagbibigay alam ni Belial kay Beelzebub na lumingon sa kanilang dalawa ni Endemion."Nakikita ko, Belial, kamusta ang paghahanap kay Ahriman?""Sa tingin namin kamahalan, wala siya sa lugar na 'to. Hindi ko siya maamoy kaya hindi po namin nalaman kung nasaan siya."balita ni Belial na ikinaalis na ng itim na apoy sa kamay ni Beelzebub."It's either nagtatago siya sa katawan ng isang tao para mahirapan siyang mahanap, o Belial must be right, wala sa bayan na 'to si Ahriman."ani ni Endemion na ikinakunot ng noo ni Beelzebub sa kaniya."At kailan ka pa natuto ng ganiyang lenggwahe ng mga tao, Endemion?"Kanina lang, ang kanilang lenggwahe ay nakakahanga kung gagamitin
KINAGABIHAN ay nagsimula ng maghanap sina Beelzebub mula sa himpapawid kasama si Belial, nakalabas ang maitim at malagong pakpak ni Beelzebub habang nakatayo sa ere at naka cross arms habang nasa tabi niya si Belial na nasa natural na anyo nito. Iniikot ni Beelzebub ang kaniyang tingin sa kabuuan ng bayan upang maghanap ng pinaka masamang tao na pwedeng pinamamahayan ni Ahriman kaya nakakapagtago ito sa kanila. Kakaalis lang nila sa bahay at naiwan doon sina Endemion at Rana, pinili ni Beelzebub na pumwesto sa gitnang bahagi ng bayan upang matingnan niya ang kabuuan ng bayan na hindi naman ganun kalaki at hindi ganun kaliit."Ang mundo ng mga tao ay may apat na direksyon, ang hilaga, kanluran, timog at silangan. Ngayon, saan tayo magsisimulang maghanap ng taong kasunog-sunog ang kaluluwa dahil sa kasamaan meron siya."saad ni Beelzebub bawat direksyon na kaniyang binanggit ay tinitingnan niya."Kamahalan, kung hindi natin makita si Ahriman sa lugar na 'to...""Kailangan nating lumipat
Chapter ElevenPAGSAPIT ng madaling araw ay naghahanda na sina Beelzebub sa pag-alis nila sa bayan na wala silang napala dahil wala doon ang kailangan nilang maibalik sa demon realm, pagbalik nina Beelzebub kagabi matapos nitong makaharap ang isang ghoul na nagsabi sa kaniya na wala ang hinahanap nila sa bayan na kinalalagyan nila ay siya namang pag-alis ni Endemion ng gabing ‘yun para maghanap ng bagong bayan na pupuntahan nila para sa paghahanap kay Ahriman.Malayo ang bayan na nahanap ni Endemion at may nakuha na din itong bahay na matutuluyan nila sa pagpunta nila doon, ngayon ay kailangan na nilang upang walang mga taong makakita sa kanila.“Pwede na tayong umalis, Beelzebub.”pagbibigay alam ni Endemion kay Beelzebub na binalingan ang tingin ng kwarto kung nasaan si Rana.“Alam ba ng taong ‘yun na aalis na tayo?”saad ni Beelzebub.“Hindi ko sinabi sa kaniya, mas mabuting iwan natin siya dito, kamahalan.”saad ni Endemion na ikinabaling ng tingin ni Beelzebub sa kaniya.“Hindi ba a
Chapter TwelveBeelzebub’s First LoveDAHAN-DAHANG iminulat ni Rana ang kaniyang mga mata at dahan-dahang umupo sa kama na kaniyang hinihigaan, agad na kalungkutan ang bumalot sa puso ni Rana sa isipin na siya nalang ang mag-isa ang nakatira sa bahay nina Beelzebub. Alam niyang wala na sina Beelzebub dahil nakaplano na ang paglipat ng tatlo niyang kasama sa ibang bayan dahil wala sa bayan nila ang hinahanap ng mga ito.Nalulungkot si Rana dahil sa ilang araw na kasama niya sina Endemion ay mabilis siyang napalapit sa mga ito, at mas nalulungkot siya dahil hindi niya na maririnig ang boses ni Beelzebub na gustong-gusto niyang marinig ang tinig nito kahit lagi siyang sinusungitan ni Beelzebub. Kahit nalaman niyang demonyo ang mga nakasama niya, ang nagligtas sa kaniya, hindi takot ang kaniyang naramdaman sa mga ito lalo na kay Beelzebub. Pakiramdam niya ligtas siya pag si Beelzebub ang kasama niya, na walang makakapanakit sa kaniya. May ideya si Rana kung bakit sa tatlo niyang demonyo n
Chapter ThirteenBeelzebub’s FirstloveHINDI MAIPALIWANAG ni Rana ang saya na nararamdaman niya dahil kasama pa rin niya sina Beelzebub, hindi niya inasahan na isasama siya ng mga ito sa paglipat sa bayan na kinalalagyan niya ngayon. May kaunting lungkot lang siyang nararamdaman sa pag-alis niya sa bayan kung saan siya lumaki, pero sa tingin ni Rana mas mabuti na ‘yun upang hindi na niya maalala ang mga nangyari sa kaniyang hindi magaganda simula ng mamatay ang kaniyang mga magulang at mabulag siya.Nasa labas siya ngayon ng bahay sa may garden, wala ang tatlo niyang mga demonyong kasama dahil nagsimula na sina Beelzebub sa pag-iikot sa buong bayan sa kung saan maaring narito ang hinahanap nila. Nagkandadapa man siya sa paglalakad mula sa loob ng bahay hanggang paglabas ay hindi iyon ininda ni Rana, may sugat man ang tuhod niya ay mas nag-uumapaw ang saya sa puso niya. Kailangan niya lang sanayin muli ang sarili niya sa bagong bahay na tinitirhan nila ngayon, ayaw niyang maging pabiga
Chapter FourteenBeelzebub’s First LoveDAHIL MULING bumalik ang paningin ni Rana ay hindi niya mapigilang tingnan ang kung anong meron sa labas ng bahay nila, gusto muling maiyak ni Rana sa saya pero pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil kanina pa siya sinesermunan ni Beel sap ag-iyak niya.“Siguro naman makakapaglinis ka na ng ayos sa bahay ngayon na nakakakita ka na.”pahayag ni Beel na prenteng nakaupo sa sofa, nakasandal doon at nakahalukipkip habang nakatingin kay Rana na nakatayo sa may bintana at malawak ang ngiting lumingon sa kaniya naparang ikinatuod ni Beel sa kinauupuan niya.“Hu-huwag ka ngang ngumiti ng ganiyan, kanina ka pa sa ganiyang ngiti naalibadbaran na ako.”suway na ani ni Beel na iniwas ang tingin kay Rana na tumakbo palapit sa kaniya na natalisod sa sarili niyang mga paa, ikababagsak niya na sana ang pagkatalisod niya pero napalingon nalang siya kay Beel ng nasalo na siya nito na nakatingin sa kaniya.“Binalik ko na ang paningin mo nadadapa ka parin, ano bang
Chapter FifteenBeelzebub’s First Love“Pwede bang tantanan mo na ako, babae! Kanina mo pa ako kinukulit naririndi na ako!”Mula ng malaman ni Rana ang naging kapalit ng pagbabalik ni Beelzebub sa kaniyang paningin ay kanina pa niya sinasabi kay Beelzebub na bawiin nalang ang pagpapagaling sa kaniya, ayaw niyang mabawasan ang apoy ng buhay ni Beelzebub. Aaminin ni Rana na sobrang saya ang naramdaman niya dahil muli siyang nakakita, pero sumisikip ang puso niya sa isipin gang kapalit ng pagbalik ng kaniyang paningin ay mabawasan ang buhay ni Beelzebub, na dalhin doon ay nagtalo pa sina Beelzeebub at Endemion na kung hindi pa umawat si Belial ay baka pati bahay nila ay gumuho na.“Bawiin mo na kasi ang pagbalik mo sa paningin ko, mas gugustuhin ko pang mabulag kaysa mabawasan naman ang buhay mo dahil sa akin.”ani na pagpupumilit ni Rana kay Beelzebub na napipikon ng hinarap siya.“Hindi ko binalik ang paningin mo dahil sayo, binalik ko ‘yan para mapakinabangan ka namin. Kung anoman ang
NAPATAYO si Endemion sa pagkaka-upo niya dahil sa pamilyar na mabigat na presensya na nararamdaman niya na papalapit sa kanila, apat na demonyo ang alam ni Endemion na nagmamay-ari ng ganitong presensya na malayo palang ramdam na niya. Si Beelzebub, ang hari ng demon realm na si Dagon, at ang dalawang kapatid ni Beelzebub na sina Escanor ang panganay at si Zeldris ang pangalawa.Kaya hindi mawari ni Endemion kung sino sa dalawang kapatid ni Beelzebub ang dumalaw sa kanila, alam ni Endemion na kasama ni Beelzebub si Rana kaya alam niyang alam nito ang gagawin para hindi makita ng kung sino sa dalawang kapatid nito na parating si Rana."Paanong nalaman ng isa sa kanila kung nasaan tayo?"sambit na tanong ni Endemion ng magbukas ang pintuan at kusang napaluhod si Endemion sa sahig dahil sa lakas ng kapangyarihang humatak sa kaniya paluhod, ganun din si Belial na napapalit sa tunay nitong anyo." Nabalitaan ko na narito sa mundo ng mga tao ang bunso kong kapatid para sa paghuli kay Ahriman