Share

Chapter 29 - Celosia

Dinala ako ni Brix sa isang napakalawak na open field. Hindi ko alam kung saan ang lugar na 'to pero nakasisiguro ako na wala kami sa Sunny Ville. Mahigit 30 minutes din siyang nag-drive papunta rito.

"Nasaan tayo?" tanong ko.

Tumingin lang sa akin si Brix at ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko saka hinila ako para maglakad patungo sa gitnang bahagi ng field.

Tanging ang buwan sa kalangitan at ang malamlam na ilaw na nanggagaling sa light post ang siyang nagbibigay sa amin ng liwanag.

"Ayos lang bang madumihan ka? Wala akong dalang pansapin?"

Tumango ako bilang sagot bago sumalampak sa damuhan. Natatawa pa siyang umupo na rin sa tabi ko. Tahimik lang kaming dalawa habang nakatingala sa langit. Napakaliwanag ng buwan. Marami ring maningning na stars ngayon.

Brix was right. Maganda nga talagang mag-star gazing dito.

Umihip ang malamig na hangin. Nakita kong hinubad ni Brix ang suot niyang grey na jacket at ipinasuot niya sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status