Share

Chapter 47

Agatha POV

“Hoy!” sigaw ni Eli at hinampas ako sa balikat.

“Ano ba, bakit ka nanghahampas?” anas ko naman sa kanya.

Kasalukuyan akong nasa bahay ni Eli, binisita ko kasi siya dahil nabobored na ako sa condo ko. Halos dalawang buwan na simula ng makabalik ako.

“Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka naman nakikinig.” irap niya sa akin.

“Pasensya na may iniisip lang ako.” sambit ko.

“Hulaan ko sino Ethan na naman ‘yan 'no? Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin kayo nakakapag usap na dalawa?” nagulat ako sa boses na nagsalita sa likuran ko, sabay kaming napatingin ni Eli do’n at nakita namin si Marcus.

Hindi man lang namin napansin ang pagdating ng lalaking ‘to.

Mabilis naman akong umiling. “Hindi pa kami ulit nagkita.” sagot ko naman sa kanya.

Naglakad siya palapit sa aming dalawa ni Eli at inilapag ang dala niyang pagkain.

“Ano ka ba naman Marcus! Dapat hindi mo na inopen ang topic na ‘yan alam mo naman kung ano ang nangyayari ngayon hindi ba?” suway sa kanya ni Eli.

“It’
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status