Agatha POV
Ilang araw ng nakalipas simula ng nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ni Ethan pero ginawa niya ang lahat para maging okay kaming dalawa.
At dahil sa gusto niyang makabawi sa akin ay kita ko ang inis sa mukha ni Melissa dahil hindi ko hinahayaan na makuha niya ang atensyon ni Ethan. Ilang beses niya ng sinusubukan na yayain ito pero madalas na tinatanggihan ito ng boyfriend ko.
Tama nga ang sinabi ni Belle sa akin at hanggang ngayon ay alam kung may gusto pa din ang babaeng 'to kay Ethan kaya pinilit niyang dito mag stay sa mansion. Sorry na lang siya dahil nandito ako ang babaeng mahal ng lalaking mahal niya.
Kapag wala naman si Ethan sa mansion ay lumalabas ang totoong ugali ni Melissa pero dahil ako si Agatha ay hindi ko siya inuurungan. Wala siyang
Ethan POVNagdadrive na ako pauwi sa bahay dahil kakagaling ko lang sa opisina. Mabuti na lang at natapos agad ang meeting na pinuntahan ko, nangako pa naman ako kay Agatha na sabay kaming kakain.Ng makarating ako sa mansion ay agad kung pinark ang kotse ko at bumaba na. Diretso lang akong pumasok sa loob at nakasalubong ko ang isa maid namin."Nasaan si Agatha?" tanong ko sa kanya."Nasa kusina po Sir." sagot niya naman sa akin."Eh si Melissa nandito ba o umalis?" pagtatanong ko ulit."Nasa kwarto lang po siya pero kanina nasa pool area siya."Tumango naman ako at dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Agatha na nagluluto, nakasu
Ng makapasok ang dalagang si Melissa sa kanyang kwarto ay inis na inis siya halos gusto niya ng ipagtatapon ang mga gamit na nasa kwarto Akala niya ay tuluyan niya ng nakuha ang atensyon ni Ethan pero mukhang nagkakamali siya dahil halatang magkaayos na ang dalawa. Mayamaya pa ay nag ring ang kanyang phone at nakita niyang tumatawag ang isa niyang kaibigan kaya mabilis niya itong sinagot. “Hey bitch kamusta naman?” bungad sa kanya nito ng masagot niya. “Nakakabwisit lang!” sagot naman ni Melissa. “Bakit naman? Akala ko ba ay maayos na.” “Iyon nga din ang akala ko pero mukhang nagkaayos na silang dalawa at halatang nang iinis ‘yang Agatha na ‘yan.” anas niya sa kaibigan.
Melissa POV Tanghali na ako ng magising at wala na dito sa bahay si Ethan dahil pumunta ito ng opisina, bumaba na ako para kumain at pagkatapos ay umupo ako sa sofa habang nanonood ng tv. Hinihintay ko ang pagbaba ni Agatha dahil alam kung nag aayos ito dahil aalis sila mamaya. Alam ko na kung ano ang gusto sabihin ni Agatha kay Ethan kaya kailangan kung makaisip ng paraan para hindi sila matuloy sa pag alis. Alam ko na buntis siya dahil narinig ko siya isnag gabi na kausap ang kanyang doctor. Oras malaman ni Ethan ito ay wala na talaga akong pag asa pag nagkataon dahil alam ko kung gaano niya ka mahal si Agatha at mahihirapan na akong paghiwalayin sila kapag may anak na involve. Hindi ako papayag na malaman niya ang totoo. Pagtingin ko sa orasan ay mag aala un
Ethan POV Kakapasok ko pa lang sa bahay at nadatnan ko na agad sila Agatha at Melissa, hindi ko alam na magagawa niya ang bagay na ‘yon sa kaibigan ko. Buong akala ko ay ayos na silang dalawa. “Anong masakit sayo Mel?” tanong ko sa kaibigan ko habang papunta kami sa ospital. “Iyong balakang at mga paa ko Ethan, I’m sorry kung nasira ko ang plano niyong lakad pero hindi ko naman kasi alam na gano’n ang girlfriend mo.” mahinang saad niya. “I’m sorry for what Agatha did to you.” Sambit ko. “Hindi mo naman kailangan na humingi ng tawad dahil wala ka naman kasalanan.” Hindi ko gustong sigawan at iwan si Agatha pero hindi ko din naman pwedeng pabayaan na lang si Melissa gayo’ng si
Agatha POV Ilang araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang kay Melissa at simula no’n ay hindi na masyadong umuuwi si Ethan dito sa mansion, kung umuwi man siya ay kukuha lang ng gamit at pagkatapos ay aalis na agad. Ilang beses ko na din siyang sinubukan na kausapin pero hindi niya man lang ako pinapansin at kung kakausapin niya man ako ay nauuwi lang din sa away, hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari sa kaibigan niya na alam ko sa sarili ko na wala naman akong kasalanan. Palagi niya sinasabi sa akin na siya ang nagbabantay kay Melissa para na din daw makabawi sa kasalanan ko dahil ayaw niya naman na ako ang magbantay sa kaibigan niya dahil baka daw mas lalo itong mapahamak. Sa totoo lang nasasaktan ako dahil iniisip niya talaga na kaya kung manakit ng ibang tao.
Gian POV Pagkatapos naming mag usap ni Agatha ay dumiretso na ako sa silid kung saan si Melissa at naabutan ko sila ni Ethan na masayang nag uusap. Sa totoo lang ay naaawa ako kay Agatha dahil sa nangyayari ngayon sa kanila ni Ethan na dalawa, pagkakita ko pa lang sa kanya kanina ay alam klung sobra siyang nasasaktan, stress at halatang walang tulog. Hindi ako naniniwala na may kinalaman siya sa pagkalaglag kay Melissa sa hagdan at alam kung ang kaya niyang gawin kahit kaibigan ko pa siya. Alam ko na hanggang ngayon ay may gusto pa rin siya kay Ethan at gagawin niya ang lahat makuha lang ito. Umpo lang ako sa bakanteng upuan at mayamaya pa ay pumasok ang doctor para icheck ulit si Melissa kaya lumabas muna kaming dalawa ni Ethan. “Kamusta na siya?” tanong ko sa kaibi
Agatha POV Halos tatlong linggo na simula mangyari ang pagkalaglag ni Melissa at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaayos ni Ethan, kung no’ng unang mga araw ay umuuwi pa siya dito ngayon ay hindi na. Minsan si Gian pa ang kumukuha ng damit niya sa bahay. Unti unti na din akong nahihirapan dahil sa paglilihi ko pero wala naman akong magawa kung hindi ang magtiis dahil wala pa ding nakakaalam na buntis ako kahit mga kaibigan ko. Tama nga ang sabi sa akin ng doctor na makakaramdam na ako ng kakaiba dahil ng unang punta ko sa kanya ay halos isang buwan na akong buntis at ngayon at magdadalawang buwan na ito. Kasalukuyan akong nandito sa pool habang hinahayaan na nakalubog ang mga paa ko sa tubig. Naalala ko na naman ang nangyari ng isang araw na tinawagan ko si Ethan, gusto ko kasi na magpasama sa kanya sana
Belle POV Tanghali na ng matapos ang meeting namin nila Gian kaya nagpasya akong bisitahin si Agatha dahil naawa ako sa kalagayan niya at alam kung nagkukulong na lang siya sa mansion. Ang balita ko ay hindi na umuuwi si Ethan do’n at si Gian na lang ang kumukuha ng damit niya dahil mas kailangan ni Melissa ng makakasama sa therapy niya, pero hindi ako naniniwala dahil alam kung gawa gawa niya lang ‘yon para makuha ang atensyon ni Ethan. Una pa lang talaga ay hindi na ako sang ayon sa pagtira niya sa bahay nila Ethan at hindi nga ako nagkakamali dahil mukhang plano niya talagang sirain ang relasyon ng dalawa at itong si Ethan naman ay naniwala agad. Ng makarating ako sa mansion ng mga Hernandez ay hinanap ko ang mga maids pero wala akong nakita kahit na isa sa kanila kaya inisip ko na baka nasa day off ang mga it