Share

KABANATA 13

Seryoso siya sa ginagawa niyang reports nang bigla siyang kausapin ni Mrs. Dominguez. Wala na naman kasi si Clayton sa office.

" Alam mo ba'ng kinausap ni Clayton ang lahat ng tauhan sa labas?" panimula nito.

Clayton lang ang tawag nito sa lalaki kapag walang ibang nakakarinig sa kagustuhan na rin ni Clayton.

Napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa matanda.

" May bago pa bang rules sa company?" nagtatakang tanong niya.

" Ay naku, meron!" parang kinikiliting sabi nito.

Tuluyan na siyang humarap dito.

" Ang sabi ni Clayton, kung sinumang maririnig niyang nakikipagtsismisan tungkol sa iyo ay diretsong matatanggal sa kompanya. Kaya pala natanggal iyong si Catherine, noh? Source iyon ng tsismis dito, eh," parang tuwang-tuwang pagbabalita nito sa kanya.

Kaya pala laging umiiwas ng tingin ang mga empleyado roon kapag nasasalubong siya. Hindi siya makapaniwala sa narinig.

" Umamin ka nga, nililigawan ka ba ng boss natin?" nanunuksong tanong nito.

Pareho pa silang napatingin sa may pi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status