Share

Chapter 11

Matapos ang gabing 'yun, hindi na kami nakapag usap ni Lace. Punyeta matapos akong yayain ng date hindi na ako kakausapin?! Ewan ko ba, ghinost n'ya na ba ako? Well, paki ko naman sakanya 'di ba?

Naging busy naman ako sa mga activities and school works namin, lalo na sa major todo aral ako. Madalas na rin akong makipag contact kay Mama or Papa para kumustahin ang lagay niya. Mabuti naman at okay na si Papa, kaya mas nakakapag focus ako sa pag aaral ko.

7 pm nang matapos ang huling klase ko ngayong biyernes, nag paalam agad saakin si Isha dahil nandoon na raw ang driver niya at may family dinner sila. Napag desisyonan ko na rin umuwi at kanina ko pa gusto maligo. 

Pagkarating na pagkarating ko sa apartment ay dumiretso agad ako sa CR para maligo. Halos 20 minutes din akong nagbabad sa tubig at kulang nalang ay umidlip na ako do'n.

Nang matapos ay pinatuyo ko agad ang buhok ko gamit ang tuwalya, suot ang dolphin shorts ko at ang over sized black shirt

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status