Share

KABANATA 16

Haircut

Matapos ang halikang naganap sa amin ni saturn kanina sa ICT room ay napagpasiyahan na rin naming umuwi. Hindi na ako nito hinatid dahil kasabay ko naman na si olivia. Pumayag naman si saturn basta tatawagan ko nalang siya pag uwi namin ni livia.

Hindi ako makapaniwala na naghalikan kami ni saturn kanina. Halos mahimatay ako sa kilig lalo na nang hapitin nito ang baywang ko at mas pinalalim ang halikan naming dalawa.

Hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang labi ko dahil sa saya at kilig. Ganito pala ang feeling ng mahalikan ng isang Saturn Centaurus.

Nang makauwi kami ni olivia sa apartment namin ay gano'n pa rin ang itsura nito, walang pakealam sa mga nangyayari. Pagkapasok pa lang namin ng apartment ay narinig ko na ang pagri-ring ng phone ko.

Aia's Calling.............

Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa biglaang pagtawag nito. Ano na naman ang problema ng babaitang 'to? 

Agad kong sinagot ang tawag ni aia.

"Oh ano?" bungad ko.

"This is haedi." saad sa kabilang linya.

Nagulat ako dahil si haedi ang nagsalita sa kabilang linya. Kung ganoon, na saan si Aia? 

"Haedi? Ba't ka pala napatawag? Si Aia? Kumusta kayo?" tanong ko dito.

Narinig ko ang pagsinghap nito sa kabilang linya. 

"Haedi... Are you still there?"

Tumingin ako ngayon kay olivia na napatingin na rin sa gawi ko. Umupo ako malapit kay olivia at saka ni-loud speaker ang phone call namin ni haedi.

"Aalis na ako ng pilipinas." biglaang sambit ni haedi sa kabilang linya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Hindi agad ako nakabawi sa sinabi nito. Tila nagproseso sa akin ang sinabi niya.. Aalis siya ng pilipinas? Bakit?

"Prank ba 'to? Gaga, hindi nakakatawa." mapanuyang saad ko.

Narinig ko ang paghikbi nito sa kabilang linya na ikina-alerto ko. Lumingon ako ngayon kay olivia na wala pa ring imik at nakatingin lang sa akin.

"Haedi, anong nangyari? Bakit ka aalis? Ano ba naman 'yan parang tanga." naiiyak na saad ko.

"Si a-cher. May anak sila ng pinsan kong si aurora." tila nahihirapang saad ni haedi.

"Gago? Sabi na, e. Manloloko talaga 'yang acher na 'yan." singhal ko.

Si acher ang lalaking nag uwi kay haedi noong party. Ang sabi sa amin ni haedi ay fling lang raw sila, pero ang hindi ko alam ay may feelings na pala itong si gaga. Nag palawan pa sila noong weekends at noong isang araw niya lang sinabi 'yon sa amin! 

Akala mo matino 'tong si acher. Manloloko rin pala ang gago, at talagang nabuntis niya pa ang malanding pinsan ni haedi!

"Bukas na ang alis ko. Kung gusto niyo puwede nin'yo akong ihatid hanggang airport pero hindi nin'yo ako puwedeng pigilan." pagbibiro ni haedi.

"Ulol. Huwag ka nalang umalis. Akala ko ba squad tayo dito? Bakit may aalis?" naiiyak na saad ko.

"Babalik naman ako, e. Hahanapan ko kayo ng pogi doon." ani ni haedi sa kabilang linya.

Agad namang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nito. Talagang napasok niya pa sa usapan ang 'pogi' ha. Para ano? Pumayag ako? Wala namang masama, single pa naman ako.

"Sige. Damihan mo, ha?" pagbibiro ko.

Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya kaya napatawa na rin ako. Bumaling ang atensyon ko ngayon kay olivia na nakatungo lang at nakikinig sa amin ni haedi.

Nagkwentuhan lang kami ni haedi tungkol sa nangyari sa eskwelahan. Ang sabi nito ay hindi niya alam na buntis si aurora noong araw na 'yon, kaya naitulak niya ito. Nauna raw si aurora na naghamon ng away at pinagtanggol lang ni haedi ang sarili niya.

'Yon rin pala ang unang araw na hinatid ako ni saturn sa apartment namin. Kaya pala ang daming nagkakagulo sa harap ng gate noon. Hindi ko alam na kasama si haedi do'n. Kung alam ko lang baka nasabunutan ko pa ang pangit na aurora na 'yon!

Narinig naman ni olivia ang kwento ni haedi kanina kaya napagpasiyahan namin na maaga kaming gigising, nang sa ganoon ay maihatid namin si haedi bukas ng umaga. Maaga pala ang flight nito  bukas kaya dapat hindi kami mahuli!

Kinabukasan ay maaga na kaming pumunta sa airport para maihatid si haedi. Si olivia naman ay walang imik. Nakakainis rin ang babaeng 'to! Mawawalan na nga kami ng isang kaibigan tas wala pa rin siyang pakealam. 

"Aalis ka na talaga? Hindi ka na ba mapipigilan?" pagbibiro ko kay haedi.

Agad naman itong umiling at saka ngumiti.

"Hindi. Hahanapan ko kayo ng pogi, remember?" saad naman nito na ikinatawa namin.

Nangilid ang luha ko nang makitang yumakap na si olivia kay haedi. May binulong si olivia do'n kaya tumango lang si haedi. Sumunod naman ay si aia. 

"Ingat ka doon, ha? Call tayo lagi." ani ni aia.

"Siyempre naman. Ingat rin kayo dito." si haedi.

Tumango naman kami at saka ako lumapit kay haedi para yakapin ito. 

"Magpadala ka pag wala na kaming pera dito, ha? Squad tayo dito." iyak ko.

Narinig ko ang pagtawa nila aia sa likuran ko kaya binigyan ko sila ng masamang tingin. Bumaling ang atensyon ko sa likuran ni aia. Ang manliligaw nitong si deus.

When kaya saturn?

Nang marinig ko ang pagtawag sa flight number ni haedi ay agad akong humiwalay sa yakap naming dalawa. Ngumiti lang ito sa amin at saka dumiretso na sa board. 

Lumapit ako kay olivia at saka ito niyakap. 

"Iniwan na tayo ni haedi. Kulang na ang penis hunter." bulong ko kay olivia.

Narinig ko ang paghikbi nito kaya napatingin ako kay olivia. Ngumiti lang ito sa akin at saka pinunasan ang luha sa pisngi ko. 

Ngayon ko lang nakita na umiyak si olivia ng ganito. Siguro dahil na rin sa mga school works kaya ganoon na lang kung makaiyak siya, idagdag mo pa na aalis si haedi, mawawalan kami ng isang kaibigan. Sinong hindi magiging emosiyonal do'n?

Nang matapos ang iyakan namin ni olivia ay dumiretso kami ngayon kay aia na nakahilig sa balikat ng manliligaw niya.

"Sabay na kayo sa amin." ani ni aia kaya tumango nalang kami.

"Malamang, duh. Mahal ang pamasahe." pagrereklamo ko

Tumawa lang ito at saka umiling nalang. Ang lalaking kasama nito na si deus ay nakayapos lang sa baywang ni aia. 

Okay, sanaol. Makikita ko naman na mamaya si saturn, kaya mayayapos niya na rin ang baywang ko.

"Sa school niyo nalang kami ihatid. May pasok rin kasi kami ngayon." saad ko kay aia nang makasakay kami sa fortuner ni deus.

"Sa apartment nalang ako. Wala akong gana pumasok." saad ni olivia.

"Ha?" nalilitong saad ni aia.

"Handog." pagbibiro ko.

"Olivia malapit na ang finals. Ngayon ka pa ba a-absent?" naiiritang tanong ko.

"Babawi nalang ako next year." ani nito at tila walang pakealam sa pag aaral niya.

"Olivia naman!" sigaw ko.

"Tama na, zandra. Hayaan na muna natin si olivia." bulong ni aia sa 'kin.

Hindi nalang ako umimik at saka padabog na umupo sa gilid ni olivia. Nakakainis siya! Ngayon niya pa balak lumiban sa klase kung kailan malapit na ang finals! 

Nang maihatid na ako nila aia ay dire-diretso na akong pumasok sa loob ng school, at hindi na nag abalang magpaalam sa kanila. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil sa sinabi ni olivia kanina. Wala ba siyang pangarap sa buhay, ha? Hindi niya ba iniisip ang kinabukasan niya? 

Napatigil ako sa pag iisip nang maramdaman kong may humapit sa baywang ko. Tiningnan ko kung sino 'yon at bumungad sa akin ang nakangiting si saturn. Agad akong nag angat ng tingin sa buhok niya. Bagong gupit siya!

"Morning." ani nito at saka hinalikan ang noo ko.

"Morning hehe. Kanina ka pa dito sa school?" tanong ko.

"Kararating ko lang rin. Hindi mo kasama kaibigan mo?" tanong nito.

"Ah oo. Wala siyang gana pumasok,  kaya 'yon nagpaiwan sa apartment." saad ko naman.

He just lick his lips and nodded.

"Bagong gupit ka, ha." puna ko sa buhok niya.

"Akala ko hindi mo mapapansin." ngumuso ito kaya napangiti ako.

"Mas lalo kang naging guwapo." pagpupuri ko sa kanya.

Well, kahit naman noong hindi pa siya nagpapagupit, guwapo na siya!

"Hmm... Hindi ba ako guwapo sa'yo noon?" tumingin ito sa akin kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"G-uwapo." I uttered.

I heard him chuckled.

Mas lalong nag init ang pisngi ko.

"Sabay na tayo maglunch mamaya. I'll court you." saad ni saturn habang hawak na ngayon ang kamay ko.

Napalunok ako sa sinabi nito.

Hindi agad nagproseso sa utak ko ang sinabi niya!

Liligawan ako ni saturn? Hindi pa ba kami sa lagay na 'to? Lumingon ako sa paligid namin ngayon at doon ko lang narealize na nakatingin na sa amin ngayon lahat ng estudyante. Bakas sa mukha nila ang gulat, At ang iba naman ay kinikilig.

"Do you hear me, zandra? I'll court you." pang uulit ni saturn.

"Sinasagot na kita." pagkatapos kong sabihin 'yon ay narinig ko na ang ilang hiyawan ng mga estudyante.

Napalakas ba ang pagkakasabi ko?

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status