Share

Chapter 26.2

Chapter 26.2

NANG magising siya ay mabuti na lamang ay hindi na siya nahihilo. Hindi man totally gumaan ang kanyang pakiramdam ay mabuti na rin iyon. Lumabas siya ng kuwarto dahil bibili na rin siya ng pregnancy test para kumpirmahin niya kung buntis nga ba talaga siya.

Sana hindi ako buntis, aniya sa kanyang sarili habang sinirado niya ang pinto ng kanyang kuwarto.

Nang makababa na siya ay nadatnan niya ang kanyang mama na naglilinis sa salas. Kahit may maid naman sila, sabi ng mama niya na hindi nito mapalagay ang sarili na hindi maglinis dahil nasanay na rin ito.

“’Ma, lalabas na muna ako kasi bibili ako ng pregnancy test. Hindi rin kasi ako mapalagay kung buntis ba ako o hindi. Baka kasi nag-iinarte lang ang katawan ko,” imporma niya rito.

Itinigil naman ng kanyang mama ang ginawa nito at tumingin sa kanya.

“Whatever is the result, I’m here, anak,” sabi nito na halata ang pangpalakas sa kanya ng loob.

Lumapit ito sa kanya kapagkuwan at hinaplos siya nito sa pisngi at hinalikan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status