MARAMI pang sinabi si Attorney Sanchez kay Triana tungkol sa divorce proceedings dahil sa Nepal sila ikinasal ng asawa. Pero walang kahit anong rumehistro sa isip niya. Tuluyang namuo ang galit sa kanyang dibdib hanggang sa umalis na ito. Sinikap naman niyang huwag pagbalingan ang matandang abogado dahil sumusunod lang naman ito sa utos. How could Devance do this to her? They promised to make their marriage work! They swore to struggle together when they hit the rock bottom. Hindi na nga ito nagpakita at nagparamdam sa mga nakalipas na buwan, ngayon naman makikipag-divorce sa kanya? The situation was nothing but absurd! Kaya ba natitiis sila ni Devance nang ganito dahil plano na nitong makipaghiwalay? Hindi na ba siya nito mahal? Did this happen because of Eshvi? She was going insane! Speaking of Eshvi, wala siyang balita sa babaeng iyon mula nang aksidente. Mabuti na iyon dahil dagdag pa sa stress niya kapag nanggulo pa ito. Baka tuluyan nang maputol ang natitirang hibla ng kanyang
DALI-DALING nag-ayos si Triana nang marinig ang sinabi ng ama. He gave her instructions on what to do. Pinadadala siya nito ng ilang pirasong damit dahil medyo may kalayuan ang kanilang pupuntahan. She ate an early dinner first. Kaharap niya sa hapag sina Gracia at Akhil. Triana asked lots of questions about her husband’s condition, but the couple seemed to be very careful in answering. Hindi na lang siya nangulit pa tutal naman makikita na niya si Devance maya-maya lang. “You’re going there with Vijay, Kanchhi,” wika ni Akhil matapos nilang kumain. “What about you?” Papalit-palit ang tingin niya sa mag-asawa. Akhil shook his head. “We’re not going. We have decided to give you privacy there. If something happens, call us.” “But…” she protested. Pero naisip rin niyang mas mabuti na ngang silang dalawa lang ang naroon. They could resolve their family issues alone. “Be careful, Kanchhi.” Gracia smiled. “Thanks, Mom and Dad. I’m going now.” Tinungo niya ang kuwarto at kinuha ang da
NAG-IPON ng lakas ng loob si Triana matapos ang ilang sandali. She cried about the hopelessness of their situation, but she swore it would be the last time to waste her tears. Hindi puwedeng makita ni Devance na awang-awa siya sa kalagayan nito. Triana would still trust his love for her. Hindi naman kasi ganito ang pagkakakilala niya sa asawa. She knew him as a loving husband and the best father to their children. He was not perfect, but Devance was responsible, and he would never hurt her. Gagawin niya lahat kahit magmukha siyang tanga kung para naman iyon sa mga anak niya. Mababawi niya rin ang asawa, kailangan niya lang ng mahabang pasensya. Triana went out when she finally composed herself. Taas-noo siyang naglakad patungo sa kusina para magluto ng pagkain. Tamang-tama naroon si Grady. It appeared that he was also preparing to cook.“We don’t have enough stocks of food right now. I’ll be in the city tomorrow to buy everything we need,” anang lalaki. Muli nitong isinara ang cupboa
KINABUKASAN maagang umalis si Grady gamit ang chopper para bumili ng mga pangangailangan nila. He would drop by at home in Bhaktapur to report to Akhil. Pero babalik naman ito kaagad kaya sila lang ni Devance ang naroon sa cabin. Sasamantalahin ni Triana ang pagkakataon na silang dalawa lang ng asawa ang magkasama at sisikapin niyang magkausap sila nang maayos. Hindi niya makalimutan ang nangyari kagabi pero gaya ng bilin sa kanya ni Grady, kailangan niyang umasta na parang walang nangyari. Triana found Devance in the same spot at the back of the cabin. Nakamasid ulit ito sa malayo. “Good morning, Kanchha!” Magiliw na bati niya. Pero para itong bingi na tila hindi siya narinig. Nakatunghay lang ito sa makapal na sea of clouds at sa unti-unting paglabas ng araw. Napahalukipkip si Triana dahil na napakalamig na ihip ng hangin. “I’ll prepare your tea.” Triana had anticipated what could happen if she forced him to drink the tea. Kaya ipinatong niya iyon sa maliit na mesa sa tabi nito
ILANG ulit nang napatingin si Triana sa kanyang gintong wristwatch dahil tanghali na wala pa rin si Grady. She had to cook their meals on whatever ingredients were available. May pakiramdam siyang inutusan si Grady ng kanyang father-in-law na sadyang tagalan para silang dalawa lang ng asawa ang naroon. Lihim siyang napangiti sa naisip. Devance had no choice but to stay with her and no matter how he played hard to get; she knew his soft spot. But just like before, Devance never touched the food she had prepared for him. Nanatili lang ito ulit sa likod ng cabin habang tulala. Napabuntong-hininga na lang si Triana habang pinagmamasdan ito. Kung ganito lang lagi ang ginagawa ng asawa, natatakot si Triana sa isipin na baka dumating ang araw na sukuan na rin nito ang buhay. It will never happen, and I won’t let him. Triana told herself. Kaya nagdesisyon siyang agawin ang atensyon nito. Naligo siya sa man-made pool kung saan kitang-kita siya ni Devance mula sa kinaroronan nito. There was
BIGLANG nanghina si Eshvi nang kumpirmahin ng ika-limang doctor na pinuntahan nila ang unang diagnosis kay Eashta. “She is suffering a blood condition that needs a bone marrow transplant as soon as possible…” wika ng lalaking doctor. Tulala si Eshvi dahil sa limang doctor na iyon ay pare-pareho ang kanilang sinabi. Eashta was suffering a rare leukemia for kids, a blood cancer. And she could die if it wasn’t treated well. Halo-halo ang kanyang nararamdaman. Alam niyang marami siyang kasalanan pero bakit kay Eashta pa ito kailangang mangyari? “Please Doc, test me if I’m a compatible donor,” ani Eshvi. She knew it was a fool’s hope. Pero naniniwala siya sa milagro. Baka naman compatible sila ng bata lalo na at may mga donors naman na hindi miyembro ng pamilya. Ngunit laglag ang balikat niya nang lumabas ang test result. “I’m sorry, you’re not a match. We could test her siblings or her father,” anang doctor nang makuha ang resulta. Eshvi let out a soft laugh. Of course, it wouldn’t m
NAGISING si Triana na wala na si Devance sa tabi niya. Dali-dali siyang bumangon para tingnan kung saan ito nagpunta. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ito sa paborito nitong tambayan sa likod ng bahay. It appeared that Devance’s upper body was strong enough to manage himself. Kaya nito ang sarili sa tulong ng customized wheelchair nito. She quickly freshened up, and she was relieved upon hearing the buzzing sound of the chopper. Mukhang nakabalik na si Grady dala ang kanilang supplies. “Sorry for the delays.” Grady was apologetic when he entered the cabin. “I understand.” Tipid na ngumiti si Triana. Ipinasok ni Grady ang mga supply ng pagkain at tinulungan ito ni Triana na ilagay sa cupboard. “This is good for a month’s supplies. Thanks for this.” Triana grinned as she put on approximately ten kilograms of mutton meat and chicken in the freezer. “Your mom insisted on that. Anyway, your father-in-law said you must convince your husband to go back home. They are all worried.
“GET UP!” wika ni Triana sa malamig na tono. She could feel the woman’s act was real. Patuloy ito sa pagluha. Nilapitan niya ito at pilit na itinayo. Baka lalo lang itong magbigay ng stress sa dalawang matanda kung hahayaan niya lang doon si Eshvi. “Help my daughter,” ani Eshvi nang makatayo at humawak sa kanyang siko. “Don’t worry. I will do everything to help Eashta. She is, after all, the younger sister of my children,” taas-noong wika ni Triana. Biglang naliwanag ang mukha ni Eshvi. “R-Really? You will let the twins get tested?” Tumango si Triana at pasimpleng binaklas ang kamay ng babae. “However, my kids are sick right now. That’s why I must go back to the Philippines.” Biglang nakatinginan sina Gracia at Akhil sa sinabing iyon ni Triana. Hindi kasi alam ng mag-asawa ang kasalukuyang kalagayan ng kambal na apo. “Thank you.” Pinunas ni Eshvi ang luha sa mata. “Leave us. I need to talk with my parents.” Hindi pa rin nagbago ang malamig na tono ni Triana. Eshvi nodded a