Share

CHAPTER 16

KINAGABIHAN nagkaroon ng beach party sa kahabaan ng dalampasigan. Nagkalat ang mga mobile bar at may tatlong lalaking performers na nagsasayaw ng fire dance. Kumuha si Triana ng cocktail drink. Pulang two-piece swimsuit naman ang suot niya ngayon. She enjoyed her alone time under the moon waxing crescent. Buhay na buhay ang paligid at halos lahat nang naroon ay nagsasaya. Sumasabay ang ingay nila sa malakas na paghampas ng alon.

Naglakad-lakad si Triana habang hawak ang martini glass. Sakto namang nahagip ang mata niya si Devance sa gitna ng apat na babaeng Caucasian na masayang nagtatawanan. Nakabantay lang si Austin sa tabi nito at may dalawang tsinitang babae sa magkabilang gilid nito.

Her eyes only narrowed. Mukhang enjoy na enjoy ang dalawa. Sabagay ano pa ba ang aasahan niya? Hindi naman siya bulag para hindi makita na malakas ang dating ng dalawang lalaki. Tahimik na lang niyang nilagok ang martini. Hanggang sa mabilis niya iyong naubos lalo nang igiya ng apat na babae si Deva
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status