Share

131 (Unedited)

"Hindi ko alam, pero kami lang naman ni Vena ang magkakampi ro'n. Alangan namang alukin ko 'yong mga teacher ko?"

Natagalan bago siya nakapag-react. "Tama ka, bhie. Puwede mong alukin ang mga profesora sa kanto."

"Hibang ka na ba?!"

"Hindi, I mean-may mga prof. ka na super duper mega ultra boring magturo, na parang walang pinatutunguhan ang pagdadada nila sa harap, 'di ba?" Iniliko na niya ang manibela at nilakasan ang aircon sa loob. "Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa ng lesson plan nila? Bubbly ka rin minsan, eh 'di turuan mo sila kung paano maging buhay ang pagsasalita. Kumbaga parang ikaw ang magiging teacher nila kahit hindi naman Educ. ang kinukuha mo?"

May point siya, 3% pointless.

"Sige nga, paano ko sila i-aapproach na magpaturo sa'kin? Na ako ang gumawa ng lesson plan nila?"

Itinaas niya ang hintuturo. "Queen bee ako, 'di ba?"

"Oo, mukha ka ring bee-"

"Eh 'di, ako na lang ang magpo-post ng banner mo sa fb," proud na proud niyang tugon. "Naka-public naman ang account ko kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status