Share

159 (Unedited)

HINDI tukoy ni Alex kung anong oras na siya nagising. Ngunit nakita niya sa pamamagitan ng tinatangay na kurtina ay natukoy niyang tirik na tirik na ang araw. Mabilis siyang napabangon nang maalalang wala siya sa sariling k'warto.

Naibaling niya ang tingin sa kabilang bahagi ng kama, ngunit wala na roon ni bakas ng anino ni Zairus. Patunay ang larawan na nakapatong sa bedside table na sa mismong k'warto siya ni Zairus natulog kagabi. Hindi niya pa iyon napapasok pero sapat na iyong ebidensiya.

Hindi niya napigilan ang sariling kunin ang picture frame ng lalaki kasama si Lena. Parehong nakangiti ang mga ito. Ngunit kung pagmamasdang mabuti ay tila kakaiba ang kislap ng mga mata ng kaibigan. Tila hindi ito masaya, kung tama nga ba ang hinuha niya.

Iyon pa lamang ang ikatlong araw na naroon siya sa mansyon ni Zairus, ngunit napagtanto na kaagad ng dalaga na mukhang hindi pa rin talaga nila lubusang kilala si Lena, kahit ilang taon na silang magkakaibigan. Sa kan'yang palagay ay marami it
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status