Share

Chapter 10

CHAPTER 10: TAKE CARE OF YOU

Hindi ko alam ang gagawin ko kinabukasan. Halos hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Felix.

Kinuha ko ang bag ko bago ako dahan-dahang bumaba. Maaga pa. Alas singko pero nakabihis at nakaayos na ako. Hangga't maaari ay gusto kong sundin ang gusto ni Felix. Para rin naman sa amin iyon.

"Ma'am, ang aga niyo naman po?" si Ate Gina lang pala. Muntik na akong malaglag sa hagdan dahil sa gulat.

"Opo. May kailangan kasing asukasuhin sa School," dahilan ko at tumingin sa paligid bago lumapit sa kanya at bumulong. "Gising na po ba si Felix?"

"Hindi pa naman po, ma'am. Magpapahatid ka ba sa kanya?"

"Hindi po!" mabilis na sagot ko. "Kakain na ako at magpapahatid na kay Kuya Tino."

"Sige, ma'am! Ipaghahanda na kita. Ano bang gusto mo ngayon?"

Binilisan ko ang pagkain ko na para bang may hinahabol. Nag-mouth care muna ako at nagsuot ng contact lens bago lumabas at magpahatid sa driver gaya ng plano. Nag-text na lang ako kay Clyde na nauuna na ako. Pati kina mommy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status