"What are you trying to emphasize, Liam? Don't tell me that you're still insist on what you want?" tanong naman ni Tito Christian kay Liam. Nanatili lang naman kaming tahimik doon at nagpapabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Si Tito ay nanatiling nakatingin kay Liam na para bang naghihintay ng isasagot sa kaniya habang si Liam naman ay tamad na naka-upo. Nakatingin lang siya sa hawak niyang tinidor at hindi nagsalita. "Impossible ang gusto mong mangyari, Liam anak. Yeah, we're family but you're not involved here," sabi naman ni Tita Lisette. "Mom and Dad is right, Liam. Hindi porket mahal mo si Lily at ayaw siyang pakasalan ni Kuya ay hindi ibig sabihin pwede mo nang kuhanin ang responsibilidad na 'yon," si Lucas naman ang nagsalita ngayon. Natahimik naman sila sandali nang may mag-serve na ng pagkain sa amin kaya naman nagkatinginan lang kami ni Ate. Sina Mom and Dad naman ay abala ang mga mata sa mga pagkain na inilalagay sa lamesa. Nang makaalis naman ang mga service crew ay
Unang araw ko sa bahay ni Cristiano at hinatid niya lang ako roon dahil may meeting daw siya. Hapon na 'yon at gusto niya pa nga sana na kumuha ng kasambahay mula sa bahay nila o sa bahay namin para may kasama ako roon habang wala siya pero pinigilan ko siya. Pakiramdam ko kasi ay mas komportable ako kapag wala akong kasamang kasambahay na tutulong sa akin. Malaki ang bahay ni Cristiano at hindi iyon ang bahay kung saan niya ako dinala nang may mangyari sa amin. Hindi rin naman ako magtatakha kung marami siyang bahay dahil bilyonaryo nga siya. Nagbilin naman siya sa akin na kumain ako ng gusto kong kainin dahil maraming laman ang refrigerator niya at maging feel at home raw ako dahil sa aming dalawa raw 'yon. Hindi naman talaga kami roon titira dahil pinapa-renovate pa raw niya ang talagang bahay na pagtutuluyan namin. Wala akong trabaho sa araw na 'yon kaya naman sa sobrang kalakihan ng bahay ni Cristiano ay bagot na bagot na ako. Nag-tour naman ako mag-isa sa bahay na 'yon para la
"Oh my gosh, Lily. That was so embarrassing! Sausage na nga lang ang lulutuin mo, muntikan mo pang masunog ang buong bahay?" sabi sa akin ni Stella.Tinatawanan niya ako ngayon dahil sinabi ko sa kaniya ang nangyari kaninang umaga. Alam kong nakakahiya 'yon at hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin ako na humarap kay Cristiano. "Hindi ko naman alam na may air fryer pala siya. Isa pa, I don't know how to use it either! Gusto ko lang naman siyang ipagluto ng breakfast pero napahiya pa ako," sunod-sunod kong sabi.Humagalpak ng tawa si Stella kaya sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. "Trying hard to be a material wife huh?" natatawang sabi niya."Of course! Duh?" sagot ko naman sa kaniya.Tinuruan lang ako ni Stella sa condo sa pagluto at mabilis lang naman akong matuto. Pagkatapos ay nanood ako ng mga tutorial sa YT at halos ma-excite akong magluto ulit kahit na ayaw na ni Cristiano na magluto ako.Sa mga sumunod na araw ay bumalik ako sa trabaho ko. Nagugulat na nga lang ako madala
Ginawa ko lang ang dapat kong gawin sa araw na 'yon hanggang sa natapos ang meeting ko sa client ko. Nagulat pa nga ako dahil naroon pa rin si Francine sa restuarant kung nasaan kami, kasama niya si Andrew. Mukhang magkakilala nga rin sila matagal na at kita ko naman ang closeness sa kanilang dalawa. Syempre, ilang taon ba naman siyang girlfriend ni Cristiano kaya. Abala sila sa pag-uusap sa kabilang table habang kumakain pero nakikita ko ang pagsulyap-sulyap sa gawi ko si Andrew. "Thank you so much, Mrs. Salvatore," sabi ko sa client ko. Natapos na ang meeting ko at nagpaalam na kami sa isa't-isa. Magkikita pa kami ni Stella dahil sasama siya sa akin papunta sa bahay. Nagandahan niya kasi sa bahay ni Cristiano dahil relaxing daw roon. Kauuwi niya lang galing europe at mukhang stress na stress na naman siya sa Daddy niya. Wala rin naman si Cristiano kaya aayain kong doon na lang siya matulog mamayang gabi. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sumusubo pa ng dessert si Andrew habang tu
"You're leaving?"Napahinto si Cristiano sa paglalakad nang tuluyan siyang makababa sa hagdan. Ten pm na at nakita kong bihis na bihis siya. Madilim na sa sala kaya hindi aakalain na may tao roon. Nakahiga na kami kanina pa sa kwarto para matulog at magpahinga pero naramdaman kong bumangon siya kaya naman inunahan ko na siya rito sa baba dahil kutob kong aalis siya. Tama naman ang kutob ko dahil nasa harapan ko siya ngayon.Simula nang bumalik siya galing sa ibang bansa ay may nag-iba sa kaniya. Naging cold ang tungo niya sa akin sa tuwing maglalambing ako sa kaniya. Kaya naman sa tuwing naiisip ko na si Francine ang dahilan no'n ay hindi ko maiwasang hindi masaktan."What are you doing here?" tanong naman sa akin pabalik ni Cristiano.Tanging kaonting ilaw lang ang naroon at kita ko ang tingin niya sa akin."Uminom lang ako ng tubig," palusot na sabi ko naman sa kaniya."Gabi na ah? Aalis ka pa?" tanong ko kaagad sa kaniya."Andrew called me. Nasa bar sila with our friends, at pinapa
"May asawa na kayong parehas, Francine. Why don't you focus on yuour husband and build your own family? Bakit sa akin pa ang gusto mong sirain?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita at napayuko lang habang umiiyak. Mabilis akong maawa kapag nakakakita ako ng mga taong umiiyak sa harapan ko pero hindi niya deserve ng awa ko. "Lily, please. Sinubukan ko naman lumayo at kalimutan siya e. Sinubukan ko lahat ng makakaya ko para lang 'wag na ulit magpakita sa kaniya pero tadhana ang nagdadala sa amin sa isa't-isa," sunod-sunod niyang sabi. Napailing naman ako at napasinghap. Masakit para sa akin ito dahil dalawa kaming nasasaktan dahil sa isang lalaki at alam kong isa sa amin ang uuwi ng panalo at isa ang uuwi na talunan. "I don't care about your feelings, Francine. That's not valid to ruin a family! And I'll do my best to save my family, so I'm here to warn you. Stay away from my husband," sunod-sunod ko ring sagot sa kaniya. Alam kong wala akong laban dahil siya naman talaga
Gano'n ang mga naging trato sa akin ni Cristiano sa mga sumunod na araw pa at alam ko ang dahilan. Ayaw na niya sa akin dahil nasa iba na muli ang atensyon niya at ramdam niyang mahal na siya ulit ni Francine."What happened to your right hand?" tanong sa akin ni Stella.Nasa condo ako ngayon at dinalaw na naman ako ni Stella. Napatingin naman ako sa kamay kong may kaonting lapnos dahil sa pagkakapaso kanina."Ah, wala. Naaksidenteng naidikit ko lang 'yan kanina habang nagluluto ako," sabi ko sa kaniya.Aksidente naman talaga ang nangyari kanina dahil nagtalo kaming dalawa ni Cristiano. Muntikan ko na naman kasing masunog ang niluluto ko kanina at inagaw niya 'yon sa akin pero nagpumilit ako na ako na lang ang magluto. Sa pagiging makulit ko kanina ay napagalit ko siya nang sobra dahilan nang pagdadabog niya kaya tumama sa akin ang mainit na kawali."My gosh! Tigilan mo na nga kasi ang kakaluto. Cooking is not for you kahit na ano'ng gawin. Sabihin mo kay Cristiano ay ikuha ka ng cook
"I'm his brother. Ako na ang bahala magpaliwanag sa kaniya," sabi ni Liam sa bodyguard ko. Napailing naman ako dahil baka magalit lalo sa akin si Cristiano pero ayaw ko namang makulong dito sa loob ng bahay lalo na at karapatan kong lumabas. "Mapapagalitan po ako, Sir. Baka mawalan pa ako ng trabaho," sagot nito kay Liam. "Ako ang bahala sa'yo. Tatawagan ko rin si Cristiano para sabihin na ako ang kasama ng asawa niya. May tiwala siya sa akin," patuloy na pagpupumilit ni Liam. Ilang minuto rin kaming nakipag-usap sa bodyguard ko hanggang sa nakumbinsi namin ito at nakalabas nga ako. "Bakit ayaw kang palabasin ng bahay ni Cristiano?" tanong sa akin ni Liam. Hindi naman ako nakapagsalita kaagad dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong paalisin. Nag-isip na lang tuloy ako ng ibang dahilan para masagot ko ang tanong ni Liam. "Ah, he just want me to rest. Ayaw niya munang umalis-alis ako para raw hindi ako mapagod," palusot na sabi ko. "Don't worry. Ako na ang ba