Share

PANCEO 58

“Mama, bakit hindi pa po tumatawag si dad?” tanong ni Sico nang maabutan niya ako sa kusina na naghihiwa ng mga sahog para sa lulutuin mamaya.

Napatingin ako sa pintuan nang makita na nakatayo doon si Mr. Shein.

Tumingin ako kay Sico at ngumiti dito. “Your dad is busy, Sico.”

Bumuntong hininga ang anak ko. “I miss dad, mama.” Aniya at malungkot na umupo sa harapan ko.

Hindi na ako nagkomento pa sa harapan niya. Pinabayaan ko lang siya na kunin ang bawang at balatan ito.

Tumingin ako ulit kay Mr. Shein na nakatalikod na at paalis na sa kinatatayuan niya kanina.

Hindi naman namin mapipilit ang mga bata na kalimutan si Zee lalo’t siya na ang tumayong ama sa dalawa.

Alam kong hindi pa iyon naintindihan ni Mr. Shein dahil wala nga siyang maalala. Buti nga at hindi niya ako tinatanong bakit ganoon nalang kalapit ang mga bata kay Zee.

Dahil oras na tanungin niya ako, alam kong magsisinungaling lang ako sa kaniya.

Ganoon pa man, napapansin ko namang napapalapit na rin si Sico sa kaniya. Wala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status