Share

Fate 4

MAHIGPIT na mahigpit ang kapit ni Shanella sa batok ni Kai na nasa anyong lobo habang tumatakbo ito nang matulin.

"C-can you s-slow d-down..." naninigas na sambit niya sa lalaki.

Kai growled as if he's annoyed of what she said.

"B-baka pang-baon na r-rin a-ako sa l-lupa p-pagkarating natin s-sa s-sementeryo..." pakiramdam niya ay isa siyang estatwang iniupo lang sa likod ni Kai dahil kahit pagpitik ng kaniyang mga daliri ay hindi niya magawa sa sobrang takot.

Mayamaya pa ay huminto na sa pagtakbo si Kai at saka nito inilingon ang ulo kay Shanella na nakasakay pa rin sa kaniya at hindi bumababa.

"May balak ka bang bumaba?" tanong ni Kai.

Shanella wanted to nod but she can't move her head or neck. Hindi niya alam kung paano pagagalawin ang sarili.

"Fine. I'll give you what you want," malamig na naman ang boses na saad ni Kai.

Hindi na alam ni Shanella kung anong ginagawa ni Kai dahil busy ito sa kung paano makakagalaw. Kaya naman gulat na gulat siya nang maramdaman niya ang pagsayad ng kaniyang mga paa sa lupa. Wala pa siyang ginagawa kaya imposibleng nakababa na siya. Hindi rin naman siya inihulog ni Kai.

"Y-you jerkkkk!" malakas niyang hiyaw kay Kai nang mapagtanto kung ano ang nangyari.

Nakasakay pa rin kasi siya sa likod ni Kai, but Kai is already in his human form. Kaya naman literal na nakadikit ang pang-upo niya sa likod ng lalaki at napakasagwa niyon para sa kaniya.

"Don't move yet," wika pa ni Kai na para bang wala itong ginawang hindi maganda.

"A-anong don't move-" hindi na nga niya natapos ang nais sabihin dahil bigla na lamang bumaliktad si Kai upang mapatihaya ito. Kaya mas lalo siyang nasindak at halos lumuwa na ang kaniyang mga mata. Paano ay doon na siya nakaupo sa tiyan ng lalaki dahil sa mabilisang pagtihaya nito. Malinaw pa nga niyang natitigan ang dibdib nitong may balahibo. Ramdam din niya na matigas ang kaniyang inuupuan. Iwinaksi niya sa isipan kung ano ang matigas na iyon, sa halip ay inisip niyang ang tiyan o abs iyon ng lalaki.

"I'll kill you!" mangiyak-ngiyak na niyang sigaw sa kabila nang matinding pamumula ng kaniyang mukha.

"Relax, I just need to wear my pants and I need to make sure that you won't see any THING," pinagdiinan pa nga ni Kai ang salitang 'thing' na para bang may iba itong ibig sabihin.

Ramdam nga ni Shanella ang pagkilos ng lalaki. Isinusuot ni Kai ang pantalon nito habang nakaupo pa rin siya sa tiyan nito. Nakatalikod nga naman siya at wala siyang nakikita ngunit hindi niya maaaring balewalain ang katotohanang nasa hindi siya kaaya-ayang tanawin. Hindi na nga rin niya naramdaman kung paanong nakuha ng mga kamay ni Kai ang bag na nasa likuran niya kung saan naroon ang damit nito. Nakahanda talaga iyon dahil nga masisira ang damit ni Kai sa sandaling nagpapalit anyo na ito.

"Now, you can move," parang wala lang na saad ni Kai.

Nang hindi kaagad siya kumilos ay napatili siya dahil hinawakan siya ni Kai sa bewang at walang kahirap-hirap siya nitong naialis sa pagkakaupo niya sa tiyan nito.

Subalit hindi siya papayag sa ginawang iyon ni Kai. She felt betrayed in every way. Kaya naman bago tuluyang makabangon si Kai ay binigyan niya ito ng isang malakas na sampal.

Napatitig na matiim si Kai sa kaniya. Nakaramdam siya ng kaba ngunit pinaglabanan niya iyon.

"Just because I'm your mate doesn't mean you can do everything you want to me," tinapangan niya ang boses upang mapagtakpan ang kaba.

Dahan-dahang namang inilapit ni Kai ang mukha sa kaniya. Makailang ulit siyang napalunok at halos mawala siya sa huwisiyo dahil sa bango ng hininga ng lalaki na tumatama sa kaniyang mukha.

"Wala pa akong ginagawa sa 'yo... Why do I have this feeling that you're provoking me to do something to you?" mahinang bulong ni Kai sa kaniyang tainga.

Mabilis niyang naitulak sa dibdib si Kai at dali-dali siyang tumayo.

"Just stay here. Tanaw mo naman ako roon," nguso ni Kai sa di-kalayuan mula sa puwesto nila habang isinusuot nito ang kulay puti nitong polo.

Napatingin naman si Shanella sa inginuso ni Kai. Isa iyong maluwang na sementeryo. Nasa likod sila ng mga matatayog na puno kaya naman kahit may ilang mga tao roon ay hindi sila kaagad mapapansin kung hindi sila sasadyaing lingunin.

"How did you know they were buried here?" tanong niya kay Kai. Alam niya ang sementeryong iyon, may kalayuan iyon sa tinitirhan nila noong buhay pa ang mga magulang. Kaya nagtataka siya na roon sila ililibing.

"My mother took care of them. Alam mo naman sigurong wala silang malalapit talagang kamag-anak, 'di ba? That's why-"

"Ako dapat ang nag-asikaso man lang sa kanila... If it weren't for your father... and you...." hindi na niya napigilan ang sariling mapaluha. Mula nang makita niya ang wala ng buhay niyang mga magulang noon ay pinilit niyang huwag magluksa. Dahil ayaw niyang isiping patay na ang mga ito at kasama niya ang mga dahilan ng pagkamatay ng mga ito.

"Stay here. I'll be quick."

Napangiti na lang siya nang mapait sa sinabi ni Kai. Halatang walang guilt na nararamdaman ang lalaki sa kabila ng sinabi niya. Pinanood niya na lang sa paglalakad si Kai at nang huminto na ito sa dalawang magkatabing puntod ay muli na naman siyang napaluha.

"I-I'm sorry, mom, dad..." tahimik niyang paghikbi.

Nasa ganoon siyang ayos nang bigla siyang makarinig ng kaluskos sa paligid. Naalarma siya dahil doon. Kung mayroon mang ibang tao roon dapat ay nakikita niya. Ngunit kung may tao nga, marahil kaya ito nagtatago ay dahil baka nakita nila si Kai kanina sa anyong lobo na biglang naging tao.

'Bakit ba naman kasi siya basta-bastang naging tao ulit kanina...'

"Sinong nandiyan?" lakas-loob niyang tanong. Dahan-dahan siyang umikot habang nananatili sa kinatatayuan upang malibot lamang ng paningin ang paligid.

Then all of a sudden, she heard a growl... Similar to what Kai does always when he's angry or annoyed...

Napalingon siya sa puwesto ni Kai. Masyado itong malayo sa kaniya at malinaw na hindi kay Kai ang angil na naririnig niya.

Until it came out... A black werewolf... Not just one, but two. The growl she heard came from them...

"S-Sturgeons?" sa kabila ng takot ay nagawa niya pang sambitin.

Napasinghap at napaupo siya sa lupa nang biglang tumalon ang isa sa mga ito papunta sa kaniya...

Ipinikit na lamang niya ang mga mata sa paglundag ng itim na lobo papunta sa kaniya.

Sa kinatatayuan naman ni Kai, biglang namula ang mga mata nito at napalingon sa pinag-iwanan kay Shanella. Kita niya ang isang Sturgeon na palundag sa kinasasadlakan ni Shanella.

He did not waste his time. Kahit na may mga tao roon ay walang pag-aalinlangan siyang tumakbo nang mabilis at kaagad na nagpalit anyo.

Ang ilan sa mga tao ay napaantada at napakusot ng mga mata dahil sa nakita. Nang sundan nila ng tingin ang mabilis na kilos ni Kai ay nakita pa nilang muli ang dalawa pang lobo na kulay itim naman na nasa malayong puwesto. Malinaw na malinaw dahil malalaki ang mga hayop na nakikita nila. May mga nagtakbuhan na rin dahil sa takot.

Bago naman tuluyang masunggaban ng itim na lobo si Shanella ay una na itong nasunggaban ni Kai kaya naman tumilapon sila pareho ng itim na lobo. Naramdaman ni Shanella ang tila malakas na hangin na dumaan sa kaniyang mukha at sa pagdilat niya ay wala na sa harapan niya ang lobong kanina ay pasunggab sa kaniya. Sa halip ay mga nakakatakot na angil ang narinig niya at nalingunan niya nga si Kai na kaharap iyong dalawang itim na lobo.

Sunod na natunghayan ni Shanella ay ang pagsalakay nang sabay ng mga itim na lobo sa kinatatayuan ni Kai. Sigurado naman siyang si Kai ang puting lobo na iyon dahil wala ngang nangyaring masama sa kaniya.

Napatayo siya at namangha sa nakitang sagupaan ng tatlong lobo na malapit lang sa kaniya. Sinisipa lang ni Kai ang bawat pagsalakay ng dalawang lobo rito. Sa laki at lakas, sigurado siyang mas lamang si Kai. Kung hindi lang siguro siya pinagtangkaan nang masama ng dalawang itim na lobong iyon malamang ay inawat o pinatigil niya na si Kai.

Hanggang sa tumilapon na nga sa malayo ang isa sa dalawang itim na lobo habang nakatayo naman si Kai sa ibabaw ng isa. Kita niya ang pagdiin ng kanang paa ni Kai sa malaking leeg ng isang itim na lobo. Halos hindi na makapalag ang lobong iyon dahil marahil sa bigat at lakas ni Kai.

"K-Kai..." hindi niya napigilang tawagin ang pangalan ng lalaki dahil sa hindi na niya kinakayang panoorin ang nangyayari. Gusto niyang tumigil na si Kai. She's not really used with violence. Isa pa ay naaalala niya ang mga magulang. Na namatay ang mga ito sa kamay ng isang lobo rin, sa ama ni Kai.

Bigla namang lumuwag ang pagdiin ng paa ni Kai sa leeg ng itim na lobo. Napalingon siya kay Shanella at napatitig sa mga mata nitong puno ng takot at anumang oras ay may luha ng malalaglag doon...

Kaya naman tumalon na si Kai paalis sa pagkakatayo sa katawan ng itim na lobo. Mabilis itong lumapit kay Shanella at saka siya dumapa upang bumaba nang kaunti tanda na pinasasakay niya na ito sa likod niya.

"Hurry up. Papunta na rito ang ilang mga tao. Nakita nila ako, baka kung mapaano tayo rito," saad ni Kai kay Shanella.

Napalingon nga si Shanella sa sementeryo at nakita niya ang may kakapalang mga tao na papunta sa direksiyon nila. Nakatayo na rin ang itim na lobo at nauna na itong tumakbo paalis doon kaya naman mabilis na rin siyang sumakay sa likod ni Kai.

Tumakbo na nga nang matulin si Kai habang mahigpit naman ang kapit ni Shanella upang hindi ito mahulog sa bilis. Ilang sandali pa nga ay nakarating na sila at sa pagbabalik ni Kai sa pagiging tao ay siya namang labas ni Thallon kasunod ang nangangambang mukha ni Gara.

"Are you crazy?!" galit na sigaw ni Thallon hindi pa man ito tuluyang nakakalapit kina Kai at Shanella.

Napatingin naman si Shanella kay Kai na tila nagtatanong.

"He found out. Maybe the news came out quickly," mahinang paliwanag ni Kai.

Nang makalapit na nga si Thallon ay sabay na napasinghap at nagulat sina Shanella at Gara nang sampalin nito nang malakas si Kai.

"Do you realize what you've done, huh? You exposed us! At kapag nakilala o namukhaan pa nila si Shanella, mas malaking problema!" nanginginig sa galit na sigaw pa rin ni Thallon kay Kai.

"W-what do you mean? W-walang nakakita sa akin... I-isa p-pa ay napakabilis ng mga pangyayari kaya imposibleng paniwalaan kaagad iyong mga nakakita," may pag-aalinlangang pagsingit ni Shanella.

"You don't know what's happening..." baling naman sa kaniya ni Thallon. "You better watch the news and see for yourself," anito at iniwan na sila roon.

Kaagad namang nilapitan at niyakap ni Gara si Kai.

"I understand what you feel kaya ka nagpunta roon... Pero mas naging maingat ka sana, anak... Sana hindi mo na isinama si Shanella. Nakita pa tuloy siya ng mga Sturgeon kaya tiyak na malaki na namang problema ito..." mabigat ang kaloobang paliwanag ni Gara.

"W-what's with them? Bakit nila ako kailangang salakayin?" nagugulumihan namang tanong ni Shanella.

Kumalas naman si Gara mula sa pagkakayakap kay Kai na hindi pa rin nagsasalita. "Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang nais ng mga Sturgeon. Ang tuluyan tayong mawala, ang Gibbous. Kaya naman mabilis lang nilang malalaman ang tungkol sa inyo ni Kai. They now know that my son's mate is you... Ang nakakatakot, kapag nalaman nila kung saan ka talaga nanggaling..." mahaba nitong paliwanag kay Shanella.

"Just leave it to me... I know how to protect her," sa wakas ay nagsalita na rin si Kai.

Sa narinig namang iyon ni Shanella ay napatitig siya kay Kai. Tila ba napakalaki ng epekto sa kaniya ng sinabing iyon ng lalaki. Para bang nakagaan sa pakiramdam niya na marinig na poprotektahan siya nito.

"We should go inside... Kailangan na nating mag-ayos," wika na lamang ni Gara at hindi na nga kinontra pa ang sinabi ni Kai.

"Are we leaving?" pagtanong ni Shanella na nakakunot-noo.

"Yes. We don't have a choice," si Kai ang sumagot at nauna na itong naglakad papasok sa malaking bahay na nakatakda na naman nilang iwanan.

Gusto pa sanang kausapin at tanungin ni Shanella si Gara ngunit umalis na rin naman ang huli kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang din. She needs to accept that she's not a princess here. Kaya naman hindi niya basta-basta makukuha ang gusto o kahit pa nga magtanong ay walang katiyakan kung sasagutin ba siya...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status