"Bakit ang tagal mo?" Takang tanong sa akin ni Karla.
"Mahaba ang pila." Maikling tugon ko na ikinaismid nito.
"Crap." Turan nito.
Hindi ko na ito tinugon at itinuon na ang mga mata sa nag lalaro at sinulyapan ang scores. Lamang ng anim ang BSBA kaya napangiti ako.
Kasalukuyang hawak ni Brent ang bola at panay ang dribble nito.
"Go,Brent. Go for the goal. Shoot that ball." Sigaw ko na ikinalingon nito sa gawi ko at tila nakakita ng katangi-tanging nilikha na nagliwanag ang mukha.
"Konti nalang talaga, iisipin ko nang may gusto sayo iyang si Brent, Ruzh." Nakasimangot na turan ni Mae na ikinangisi ko.
"Selos ka naman?" Tugon kong sinagot nito ng ismid." Don't worry, iyong-iyo si Brent". Nakangisi pa ring tugon ko dito.
Lalo akong napangisi nang mas tumalim pa ang mga mata nito sa akin.
"Pagbuhulin ko kayong dalawa ni Brent pag tinanggap mo siya." Turan nitong muling itinuon ang pansin sa panonood.
"He's all yours, Mae. Wala akong planong pumasok sa isang relasyon, not now or even in the future." Seryosong tugon ko.
"At anong balak mo? Mag buro? Sayang ang lahi." Sabad ni Karla na tinugon ko lang ng tipid na ngiti.
"Well, yes." Maikling tugon ko.
Napabuntong-hininga na lamang ang mga ito at hindi na muling kumibo.
Habang abala kami sa pag cheer para sa BSBA team at kasisigaw ng pangalan ni Brent ay hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko sa kabilang bahagi ng bleacher at natigilan ako nang makita ko siyang kunot noong nakatingin sa gawi ko.
Teka, sa gawi ko ba talaga?Baka akala ko lang.
At para makasiguro ay pasimple akong tumingin sa paligid ko at muling ibinalik ang paningin dito.
God, sa akin nga siya nakatingin at bago ko pa man lubos na maisip ang ginawa ko ay naitaas ko na kanang kamay ko at kumaway dito na tinugon naman nito ng simpleng pagtaas ng kamay.
Nagulat pa ako nang bigla akong sikohin ni Karla.
"What?" Takang tanong ko dito.
"Kelan pa kayo naging close at may pakaway-kaway ka pa sa kanya?" Tanong nitong nakataas pa ang kilay.
And they're all looking at me, her, Mae and Kaye na para bang nakakita ng himala.
"And take note, he waved back." Napapantastikuhang turan naman ni Kaye.
"C'mon guys, we just bumped into each other a while ago and it's nothing." Simpleng tugon ko.
"Kaya ka ba natagalan?" Nanunukso ang tinig na sambit ni Mae.
Naitirik ko ang mga mga ko dahil sa mga reaksyon ng mga ito.
Why does it seemed like it's a real big deal na nakabanggaan ko siya at hello, masakit pa kaya ang balakang ko dahil sa pagkakabagsak ko.
Napasimangot ako dahil doon, kasalanan ng lala-
Hello, ikaw kaya ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo.
Kontra ng isang bahagi ng isip ko.
Of course not.
Muling kontra ko.
Yes.
Tugon uli ng isang bahagi ng utak ko.
Teka nga, bakit ba ako nakikipag-away sa sarili ko?
"You're spacing out, Ruzh." Nakasimangot na turan ni Karla.
"Bakit ba?Ang laki ng problema ninyo, manood na nga lang tayo." Pag-iwas ko sa mga ito dahil alam kong bubuligligin ako ng mga ito ng tanong.
Muli kong itinuon ang pansin sa naglalaro at muling sumigaw nang makita kong si Brent ang may hawak ng bola.
"Go Brent, go." Sigaw ko na may kasama pang pag suntok sa hangin.
Lumingon ito sa gawi ko at kumindat bago binitawan ang bolang tila nag slow motion dahil nag paikot-ikot pa ito sa gilid ng ring bago tuluyang pumasok at sabay kaming napa sigaw ng YES.
Second half na at nananatili ang lamang ng BSBA sa Educ. Department ng sampong puntos.
MEANWHILE...
"Huwag na tayong manood, Terence. Let's go out nalang". Yaya ni Chanda sa akin habang nakahawak sa braso ko.
"I'm not in the mood to go out, Chanda and we still have a practice after the game of BSBA and Educ." Tugon ko na humakbang na patungo sa gawi ng covered court.
Wala naman itong nagawa kundi ang sumunod sa akin at nagmamaktol na muling humawak sa braso ko. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang pumasok sa loob ng court at nag hanap ng bakanteng upuan.
Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang marinig ko isang matinis na boses na nangibabaw sa lahat.
I don't understand why pero kaagad itong hinanap ng mga mata ko at hindi ko napigilang mapangiti nang makita ko itong buhay na buhay at buong siglang sumisigaw para sa team ng BSBA.
Kaagad na nangunot ang mga noo ko nang marinig ko ang pangalang binanggit nito at hindi ko alam kung saan nang galing ang inis na umahon mula sa sulok ng dibdib ko dahil doon.
And when she looked at me and our gaze locked into each others eyes ay kaagad na nabura ang pagkakakunot ng noo ko. And as she cheerfully raised her hand and waved at me ay napangiti ako bago ko ginantihan ang kaway nito.
"Sino ba ang babaing 'yon?" Himig naiiritang untag ng katabi kong si Chanda na hindi halos maipinta ang mukha sa sobrang inis.
"Bagong kakilala." Maikling tugon ko.
"Bagong kakilala tapos pakaway-kaway na?Stay away from that girl, Terence. She's no good, a bitch." Turan nitong ikinatawa ko.
"I doubt that, she's nice." Sagot ko na ikinalaki ng mata nito.
Why? Cause it was the first time na may ipinagtanggol akong babae sa kanya. Chanda is my childhood friend. My family and hers are business partners kaya lumaki kaming laging magkasama.
We were in third year high school when I realized that I'm inlove with her but she's inlove with somebody else that time. It broke my heart a million times habang nakikita ko kung paano nito titigan si Lexter noon.
We were in freshmen nang makipaghiwalay si Lexter dito dahil sa ibang babae. It broke Chanda and changed her a lot. I became her crying shoulder at simula noon ay naging dependent na ito sa akin. Walang makalapit na babae sa akin dahil inaangilan nito.
I let out a deep sigh bago muling itinuon ang pansin sa laro ngunit hindi ko pa rin maiwasang mapatingin sa gawi nito. She's really amazing. Wala itong pakialam sa paligid at tila may sariling mundo. Hindi inaalala kung may masisirang poised na kagaya ng kay Chanda.
Her smiles are so real na para bang nag sasabing ayos lang 'yan.
Maganda ito, simpleng ganda na hindi mo pagsasawaang tingnan na habang tumatagal ay tila lalo kang mahahalina.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng panaghalili sa nakikita kong all-out support nito kay Brent.
Halimbawa kayang kami ang magkaharap sa championship game bukas, ibibigay niya kaya sa akin ang suportang ibinibigay niya sa team captain ng BSBA department ngayon?
Asa ka pa, syempre doon siya susuporta sa team nila at bakit ba masyadong big deal sayo ang babaing 'yan?
Kontra ng isang bahagi ng utak ko kaya hindi ko maiwasang ipilig ang ulo ko.
And as expected, BSBA won at kami ang mag haharap bukas.
And what surprised me more was, when I saw her giving a big hug to Brent ay may umahong damdamin na hindi ko maipaliwanag kung saan nagmula.
Abala kami sa pagtingin ng mga nakasabit na kung ano-anong abubot sa booth ng DAS or Deparment of Arts and Sciences nang biglang may bumangga sa akin na muntik ko nang ikatumba.Seryoso? Anong mayroon sa araw na ito at paborito yata akong banggain ng mga walang matang mga nilalang na ito?"What the hell?" Sikmat ko sa nakabangga sa akin at tinapunan ito ng matatalim na tingin para lamang matigilan."Ikaw uli?"."You,..hey." Napapakamot sa ulong turan nito na ikinasinghap ng mga kaibigan kong tila yata naasinan ang mga tumbong. Bukod sa ang lapad ng mga ngiti nila ay panay pa ang kalabit at siko ng mga ito sa isa't-isa."I'm sorry, I didn't mean to— I mean, alright, it's my fault this time so quits na tayo." Tuloy-tuloy na turan nito bago pa man ako muling makapagsalita."Okay, quits." Tugon ko sabay kibit-balikat at muling itinuon ang pansin sa hawak kong maliit na key
Halos hindi magkamayaw ang mga estudyanteng nagsisigawan sa loob ng covered court dahil sa halos magkadikit na laban ng Engineering team at Business Ad. Naroroong lumalamang ng tatlo ang BSBA na babawiin naman ng Engineering at ang mga ito naman ang pupuntos.Kasalukuyang lamang ng apat na puntos ang BSBA at may tatlong minuto nalang bago matapos ang laro kaya naman panay na ang ngisi ko. Panalo na ang team ko, sigurado 'yon. Pero mukhang hindi yata nag conspire ang universe para tuparin ang hiling ko dahil last one minute nang biglang makapuntos ang engineering at sa huling sampong segundo ay nakuha ni T.A ang bola at naibuslo sa tatlong puntos.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang maliwanag pa sa sikat ng araw na scores. Lamang ng isang puntos ang Engineering at sila ang idineklarang kampiyon."Stay away from Brent but don't worry, I'll take good care of him." Nakangising untag ni Mae sa akin na nakatigalga
Nahaplos ko ng wala sa loob ang buhok ko pagkatapos kong makausap si Ezekiel sa cellphone bago napabuntong hininga.Matuling lumipas ang mga araw at hindi na namin pinagtangkaang pag usapan ang nangyari nang gabing iyon maliban sa tinanong ko ito kinaumagahan kung totoo ang sinasabi nito nang gabing lasing na lasing ito. Ayaw pa nitong umamin noong una subalit nang hindi ko ito kinausap ng dalawang araw ay umamin din itong panay pa ang iyak na ikinatawa ko.Habang kasi nag coconfess ito ay panay ang iyak nito at dabog na may kasama pang maktol kaya hindi ko mapigilang matawa na labis nitong ikinainis dahil pinagtatawanan ko lamang daw ito. At nang akmang mag wa-walk out na ito ay nagulat ito nang hilahin ko ito para yakapin na lalo nitong ikinaiyak.After that incident ay mas naging malapit pa kami sa isa't -sa at halos hindi na mapag hiwalay.Natitigilang ibinaba ko ang hawak kong cellphone sa tabi
Tahimik akong nakaupo sa tabi ng isang puno sa hardin ng Academy habang hinihintay na dumating si Terence. Doon kami madalas tumambay dalawa habang nagpapalipas ng oras at nag kukwentohan lang ng kung ano ano. "Kulit, kanina ka pa?" Tanong nito habang ibinababa sa tabi ko ang dala nitong backpack bago naupo. "Hindi naman, sakto lang." Tugon ko dito na muling itinuon ang pansin sa binabasang libro. "Hey, do we have a problem?" Takang tanong nito na tinugon ko ng mahinang iling. "Wala." Tugon ko. "Wala? Then why are you acting like that?" Nakakunot ang noong tanong nito. "Wala nga,masama lang ang pakiramdam ko." Tugon ko na hindi pa rin ito tinatapunan ng tingin. Hindi ko masabi sa kanyang nagtatampo ako kasi wala naman akong karapatan, ni hindi ko alam kung ano ba ako sa kanya. Hindi ko mapigilang hindi magpakawala ng buntong hininga na lalo nito ipinagtaka. "Ayaw mo ba talagang sabihin sa akin ang problema mo?"
"So, anong nalaman mo?" Kaagad na tanong ni Chanda sa akin pagkaupong-pagkaupo ko sa harap nito. Nasa isang coffe shop kami na malayo sa Academy. "Mukhang may namamagitan nga sa kanila." Tipid na tugon ko dito. "Mukha? Hindi mo pa sinigurado?" Kaagad na angil nitong matatalim ang mga matang nakatingin sa akin. "Don't use that voice on me, bitch." Tugon ko dito sa yamot na tinig. "Idiot, ang sabi ko alamin mo, confirm it para makagawa ako ng plano, now what?" Inis na turan nito sa akin. "Tss, you're pathethic." Tugon ko. "And so you are too." Nakaismid na sagot nito sabay tayo. "Do your job and I'll do mine." Ani nito bago tuluyang umalis ng walang paalam. Hindi na ako nag abalang sagutin ito bagkus ay napa buntong-hininga ako. What the hell I am doing? Shit!! Tumayo na rin ako at lumabas ng coffe shop at sumakay sa dala kong bigbike. MATULING LUMIPAS ang mga araw at patuloy ang masasayang
Abala ako sa paggawa ng powerpoint para sa presentation ko bukas nang bumakas ang pinto ng silid ko at mula doon ay bumungad si Terence na ang lapad ng ngiti at may bitbit na plastic bag na for sure ay pag kain na naman ang laman."Good afternoon, Kulit." Bati nitong inilapag sa maliit na mesang naroroon sa isang tabi ang dala bago lumapit sa akin.Nakakapasok ito sa dorm namin dahil kilala na ito ng may ari at nagkataong sina Kaye ang may ari ng dorm na tinutuluyan ko kaya naman labas masok na ito doon. Mabait naman ito kaya naman may tiwala dito ang mga magulang ni Kaye."Hello, Sungit." Tugon kong nakatutok pa rin ang mga mata sa laptop."Ganoon lang 'yon?" Tanong nito."What?" Takang tanong ko din na hindi man lang ito sinulyapan."Mukhang busy ka masyado, aalis nalang ako." Tugon nito sa himig nagtatampong tinig kaya napangiti ako."Tatapusin ko lang ito, Sungit ko, konting kembot nalang naman and you'll have my entire time. Mahi
Nasa loob kami ng room ko kasama ang mga kaibigan ko at gumagawa ng project habang naka higa sa kama ko si Terence. Lately ay nakagawian na nitong tumambay sa silid ko pag may libreng oras,doon natutulog pag walang practice kahit nasa school ako,ibinigay ko dito ang duplicate key ko para malaya itong makapasok doon kung gusto nitong magpahinga at nasa school ako. "Kulit,what would you like for lunch?" Tanong nito habang abala sa cellphone nito. "Anything will do." Tugon ko. "Walang anything na pagkain". Sabad ni Kaye na ikinatawa ng dalawa. "Loka,I mean kahit ano." Tugon ko. "Ganoon pa rin 'yon,Ruzh. Tinagalog mo lang." Muling turan nitong ikinasimangot ko. "Tama nga naman,Kulit. Subukan mong umorder sa restaurant tapos sabihin mong kahit ano,tapos binigyan ka ng hindi mo gusto,what would be your reaction?" Pang gagatong naman nito kay Kaye. "Tapos 'yong ibinigay iyon pang pinaka ayaw ni Ruzh,amazing!" Dugtong pa ni Mae.
Days passed at naging abala na si Terence sa inter school kaya malimit na kaming magkita at magkasama dagdag pang abala din ako sa pag rereview dahil sa nalalapit na prelim exam next week kaya sa chat na lamang kami nagkakausap at kadalasan ay saglit lang dahil pagod ito at gayundin ako.Kasalukuyan kaming nasa isang coffe shop sa labas ng Academy at nag papalipas ng oras habang nagbabasa ng ilang mga notes nang biglang may tumayo sa harapan namin kaya sabay sabay kaming napaangat ng paningin dito para lamang matigilan."Chanda." Turan kong natitigilan.Why is she here?"Terence wants to give this back to you." Ani nitong walang pakialam sa paligid habang nakatayo sa likuran nito ang dalawang kaibigan nito. Sa pagkakaalam ko ay pinsan ni Terence ang isa sa mga ito.Napatingin ako sa hawak nito at napasinghap nang makita ang keychain na may pile of books na palawit.Ibinigay ko ito kay Terence noong gabing nagkaroon kami ng kasunduan sakaling