Share

Chapter 15: The truth will set you free

For fatal seconds, I stared blankly at the document, unable to think or move. Words can’t describe how I feel about this shocking revelation.

Hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko'y namuhay ako sa mundo na puno ng mga sekreto. Pati mga magulang ko ay hindi ko pala lubos na kilala.

"Si Papa at Ninang Trishia ay magkapatid? bakit inilihim nila sa 'kin ang totoo? sa anong dahilan? bakit nagawang inilihim ni mama sa 'kin ang lahat? ano pa ang dapat kong malaman?!" frustrated kong sigaw.

Masikip ang dibdib ko. Samo't saring emosyon ang bumabalot sa puso ko ngayon, magkahalong galit, sakit, tampo at pagkagulat. Hindi ko alam kung ano pang mga bagay ang dapat kung malaman.

Ipinikit ko ang aking mga mata, gusto kong pigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang umagos, pagod na akong umiyak, pagod na akong maging mahina. Inihilamos ko sa aking mukha ang nanginginig kong mga palad. Hindi ko inaasahan na magiging ganito na kagulo ang buhay ko.

"Hey, are you okay?" tanong ni Adrian, bakas sa bose
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status