Share

22.3: Rushed Preparation

CHAPTER 22.3

Rushed Preparation

“HABANG wala pa si Chief Knight Lyte, mas magandang mag-ensayo ka na muna sa ilalim ni Jonas. ‘Di ba kahit papaano, makakapaghanda ka sa oras na dumating siya?” nakangiting suhestiyon ni Selene. “‘Tsaka, ‘di ba kapag gano’n, mas mabilis mong malalaman kung ano ba talagang gusto mong gawin sa lakas na makukuha mo sa pag-eensayo?”

Seryoso siyang pinagmasdan ni Lucas bago siya nginisian. “Jokes on you, Selene. Matagal ko nang alam kung para kanino ko gustong ibuhos ang lakas na makukuha ko.”

‘What was that all about?’ Napanguso si Selene bago inilapit sa mga mata ang binabasang libro. Hindi naman ganoon umakto si Lucas pero kanina, parang nag-ibang indibidwal ito.

“Prinsesa Selene, lumilipad na naman ba ang utak mo?” Basag ni Merlin sa katahimikan, dahilan para mapapitlag siya’t inboluntaryong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status