Share

Chapter 125

“Tita?” Tawag ko sa pansin niya. Naabutan ko siya sa garden at inaasikaso ang mga halaman ni Mommy na matagal nang napabayaan. Pero lately ay napansin ko na nagkabuhay muli, naging makulay uli ang garden.

“Yes Stacy?”

“Tita anong ginagawa n’yo po dito sa labas?”

“Inaayos ko lang itong mga halaman.” Sagot naman niya sa akin.

“Ang init init dito, pwede naman pong mamaya na ninyo iyan gawin.” Nakita ko kasi siyang may inililipat na isang halaman sa isang mas malaking paso. Tanghaling tapat pero nandito siya sa labas.

“Bakit mo ako hinahanap iha?” Inalis niya ang suot niyang gloves saka ako hinarap.

“Itatanong ko lang po kung may ingredients po tayo for brownies? Kung wala naman po ay sasaglit na lang ako sa grocery.” May malapit lang naman kasi na grocery, nasa labas lang iyon ng village kaya walang problema kung mag-drive man ako papunta roo

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status