Hindi makapaniwala si Caroline. “A-anong ibig mong sabihin? Paano nangyari na hanggang ngayon ay konektado pa rin ang kumpanya natin sa Morrison Corporation pagkatapos ng maraming taon sa negosyo?" Ang buong akala ni Caroline ay, matagal nang nakalaya ang Evans Group mula sa impluwensya ng Morrison Corp. Oo, alam niyang tinutulungan sila ng mga ito pero mga simpleng rekomendasyon lang naman yun. Namula ang buong mukha ni Dan. Sa totoo lang, matalaga na rin naman talagang gustong humiwalay ng Evans Group mula sa Morrison Corporation, dahil sa pressure, pero kung mawawala ang suporta ng Morrison Corp, malaking himala na lang na hindi sila malulugi. Imposible nang makabangon sila. Tumawa si Caroline. Kaya pala… kaya pala desperado ang mga magulang niya na ibenta siya."Carrie, hindi ko rin ginusto ‘to. Ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon. Ayaw mo rin naman na mawasak ang pamilya Evans, di ba?"Habang umiiyak si Caroline, sabi niya, "Handa mo ba akong isakripisyo para sa pamilya
Nang hindi pa man tumaas ang tingin, sinabi ni Eddy, "Dapat nasa City Hall ka ngayon."Huminga nang malalim si Caroline at umupo sa harap niya. "Hindi ako magpapahiwalay kung magdedivest ka," sabi niya.Tumaas ang tingin ni Eddy at ngumiti. "Caroline, alam mo ba ang iyong sinasabi?""Siyempre," sagot ni Caroline ng mahinahon. "Ngayon ko lang nalaman na ang pamilya Evans ay nakatayo pa rin dahil sa tulong ng pamilya Morrison. Makatarungan para sa'yo na humingi ng isa sa aking mga bato." Bumaba ang kanyang ulo at ang kanyang pulang labi ay bumuo ng ngiti. "Pero, kung gusto mong mamatay ako para makasama mo si Layla, sobra na 'yon."Nakasimangot si Eddy. "Caroline, huwag mong ilagay sa bibig ko ang mga salitang 'yon. Kailan ko bang sinabi na gusto kong mamatay ka—"Iwinagayway ni Caroline ang kanyang kamay para putulin siya. "Ang perang ginugol sa Evans Group ay sa'yo. Walang mali kung gusto mong mag-divest, pero bigyan mo naman ng pagkakataon ang pamilya ko na gawin ang nararapat. N
Sobrang naintriga si Eddy sa kung anong klaseng babae ang nakapagpabihag sa puso ng kanyang Uncle Kirk. Kilalaniya ito na hindi mahilig sa mga babae kaya laking gulat niya na bigla nalang itong nainlove at walang patumpik-tumpik na nagpakasal agad! Hindi nagsasalita Kirk nang lumait sakanya si Eddy, “Uncle Kirk, wag mong sabihin na hindi mo siya ipapakilala sa amin? Nako! Sigurado naman ako na maganda siya!”Hindi ito itinanggi ni Kirk.Biglaang lumaki ang mga mata ni Eddy at napahiyaw "Tama ako! Sabihin mong hinto panaginip, Uncle Kirk. Mas lalo lang tuloy akong curious ngayon dahil ganyan ka. Dapat ipakilala mo siya sa akin agad!"Tinignan ni Kirk si Eddy, na mukhang excited at nag-aabang ng sagot. Ngumiti ito ng bahagya. "Makikilala mo siya."Pagkatapos umalis sa Morrison Corporation, umuwi kaagadi si Caroline at chineck ang kanyang mga contact list. 50 million dollars… katumbas lang yun ng ilang dinner ng mga mayayaman, pero kung sakanila hihingiin, siguro mas madlai pang paga
Nang marinig ni Caroline ang malalim at matikas na boses ni Kirk, doon niya lang narealize kung gaano kahigpit siyang nakayakap dito. Sobrang nahiya siya at dali-daling bumitaw. “Aa… Pa.. pasensya na..ano kasi..” Nang naramdaman ni Kirk na bumitaw si Caroline, hindi siya nag react at sinabi, “Tutulungan kitang manghiram ng pera.”Natigilan si Caroline at naguguluhang sumagot, “Anong sabi mo?” Tinignan ni Kirk si Caroline ng diretso sa mga mata. “Ang sabi ko, tutulungan kitang manghiram ng 50 million dollars.” Kumunot ang noo ni Caroline. "Kirk, salamat, pero makakahanap ako ng paraan. 'Wag kang mag-alala."“Kaya kitang tulungan, maniwala ka sa akin.” Nagpatuloy si Kirk. “Sa totoo lang, parte ako ng Morrison family…” "Alam ko na isa ka sa middle management ng Morrison Corp at malaki ang annual salary mo, pero masyadong malaki ang 50 milluion dolyar," nakangiting sagot ni Caroline. "Maliban na lang kung isa kang tunay na Morrison kasi kung magkataon, ayaw na kitang maging asawa
Tumigil ng sandali ang pagrriring ng kanyang phone pero pagkalipas ng ilang segundo, muli itong nagring at tuwang-tuwa si Kent tungkol dito. Ngunit nangbsansalingbsilipin niya ang kanyang screen, bigla siyang nagpani at nagmamadaling tumayo para sagutin ito, “Mr. Morrison.” Sa sandaling sinabi niya iyon, biglaang naging tahimik ang maingay na kwarto.Walang nakakaalam kung ano ang sinabi ng nasa kabilang linya, ngunit nanatili ang seryosong mukha ni Kent. Pagkatapos ng ilang sandali, nakakunot-noo siyang nagsalita, "Pero, hindi ba sinabi mo … Oo, naiintindihan ko." Pagkababa ng nasa kabilang linya, walang anu-ano niyang tinawagan si Caroline. "Ms Evans? Nasa meeting ako kaya hindi ko narinig ang tawag mo. Gusto mong makipagkita? Sige, magkita tayo para mapag usapan natin ang mga dapat nating pag usapan. Walang problema, magkita nalang tayo bukas ng gabi."Matapos ibaba ang telepono, pakiramdam ni Caroline ay parang nabunutan siya ng tinik. Bumalik si Kirk pagkatapos manigarilyo at
"Pumunta ako dito ngayon para makita ka dahil…"Ini-wave ni Kent ang kanyang kamay na para bang nagsasabing 'tama na' at may buntong-hiningang sabi, "Ms. Evans, mukhang ito ang iyong unang beses na makipag-usap ng negosyo. Ang tuntunin ay uminom muna bago pag-usapan ang mga bagay tungkol sa negosyo." Kasunod nito, pumadyak siya sa waiter at umorder, "Dalhan mo kami ng pinakamagandang bote ng alak na meron ka."Pagkalipas ng sandali, dinala ng waiter ang bote ng alak sa kanila at kinuha ito ni Kent mula sa kanya, pinunan niya ang baso ni Caroline ng personal. "Ms. Evans, ito ang aking paboritong pulang alak. Dito, tikman mo."Tinitigan ni Caroline ang punong baso ng pulang alak at kunot-noong tumingin."Ano ang problema? Hindi mo ba ako pagbibigyan?" Sabi ni Kent na may ekspresyong hindi natutuwa.Nahikayat si Caroline at wala siyang magawa kundi uminom ng kaunting tagay.Naging mas malungkot ang ekspresyon ni Kent at sabi, "Mukhang hindi ka seryoso rito, Ms. Evans. Kung ganyan an
Si Caroline ay biglang tumakbo upang kumuha ng tuwalya mula sa tabi ng kama at isiniksik ito sa bibig ni Kent. Sa totoo lang, ito ang kanyang unang beses sa ganitong sitwasyon, at sa wakas ay nasa huli na siya ng kanyang pasensya matapos ang lahat. Nang marinig ang katok sa pinto, siya ay nanginginig na parang dahon, nawalan ng alam sa gagawin.Isang pamilyar na boses ang nanggaling sa labas. "Caroline, ako ito."Gulat, binuksan ni Caroline ang pinto nang walang alinlangan. Pagkakita niya na si Kirk, siya ay naramdaman ang pagkagulat at pagpapasalamat sa parehong panahon. Siya ay sumugod sa mga braso nito. Nawala ang lahat ng takot at kaba niya sa isang iglap."Ano... Anong nangyari?" Hinimas ni Kirk ang manipis niyang balikat at dahan-dahang pinapalubag ang loob nito. "Ano kaya ang nangyari sayo kung wala ako dito?" Itinaas niya ang kanyang ulo at itinutok ang matalim niyang tingin kay Kent, na nakahandusay sa sahig na parang baboy."Hintayin mo ako dito at huwag kang aalis," sabi
HAng matinis na tunog ng telepono ni Caroline ang bumalik sa kanya sa katotohanan. Nang itulak niya si Kirk palayo, siya ay hingal. "Ito ... ang telepono ko. Si Gwen siguro 'to." Agad niyang sinagot ang tawag. "Oy, Gwen.""Buti naman ... Sumagot ka. Kinabahan ako nang husto. Kumusta? Hindi ka ba nasaktan ng matandang yun?"Hindi makatingin si Caroline kay Kirk. "Hindi. Umalis na ako.""Maganda 'yun. Sandali lang." Biglang naramdaman ni Gwen na may hindi tama. "Bakit parang hinihingal ka? Huwag mong sabihin habol ng loko-lokong 'yun? Papunta na ako diyan ...""Hindi, okay lang ako," sagot ni Caroline agad-agad. "Okay lang ako, gumaan lang ang pakiramdam ko na tapos na. Basta, naayos na ang problema. ... Makikipag-usap ako sa 'yo bukas."Pinagsisisihan ni Caroline ang pagbibitiw sa telepono. Tumahimik ang sasakyan. Kahit na matahimik, mas nakakailang kumpara kanina. Naghanap siya ng sasabihin ng matagal bago siya nagsalita, "Eh ... Inspeksyon lang ba 'yun?"Itinaas pa ni Kirk ang a