[LARA AUSTIN] Buong rest day ko nanatili lang ako ng bahay.Hindi ko na namalayan kung ano bang oras nakauwi si Dalhia. Paggising ko naman wala na to. Nakita ko na lang sa dining table ang hinanda niyang pagkaen. Okay na sana kung may letter ulit na nagsasabi ng happy birthday, and sorry I forgot. Hinayaan ko na lang at bumalin sa niluto niya. Wala pa din talagang kupas ang galing niya sa pagluluto sana ganun din ang memorya niya at hindi nakalimutan ang isang beses sa isang taon lang dumaan. Ang birthday ko. Matapos kong kumaen itinuon ko ang sarili sa paglalaba at paglilinis ng bahay habang nakikinig ng music. Muntik ko pang ibato ang phone ko ng tumugtog ang love song namin ni Elton. Sa mga ganung pagkakataon ko lang naman siya naaalala dahil may pinagsamahan naman kami ng matagal. Hindi naman biro ang five years. Nang matapos ako sandali akong naupo. Pinagmasdan ang kabuuan at resulta ng hard work ko. Malinis na at pati sahig pwede ng manalamin. Sa pagkakaupo ko sumagi s
[DALHIA ROSE ANDERSON]Nagising ako mula sa ilang araw kong pag iwas kay Lara—buong akala ko mapapanindigan ko pero hindi pala. Nawaglit sa utak ko ang pinaka importanteng araw sa buhay niya at nakaramdam ako ng bigat sa dibdib. Paano kong nagawang baliwalain ang babaeng lihim kong minamahal sa nine years naming magkakilala? When I first saw Lara sa coffee shop kung saan siya nag wowork noon, bumagal ang mundo ko. Doon ko lubos naintindihan ano ba ang slow-mo na tinutukoy ni Sharlene San Pedro sa movie na Must be love ng ako na mismo ang nakaranas. Yung habang nakatitig ka sa person na yun sumabog ang iba't ibang kulay sa palibot niya gaya ng naramdaman ni Paige Evans kay AJ Campos sa movie na Crush. Pagkatapos naglabasan ang mga butterflies sa tyan mo ng marinig mo sa unang pagkakataon ang angelic voice niya gaya ng nangyari kay Pie ng ishare ni Kim ang lolipop na galing sa bibig niya sa movie na Yes or No ng Thailand. Ang dilang umurong at hindi ka na nakapag salita kahit tin
[LARA AUSTIN]Masaya akong makasabay ulit si Dalhia. Nawala ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ng magiba ang pader sa pagitan namin. May sasabihin daw siya sa'ken kaya nag aantay naman ako. Sa itsura niya mukhang seryoso. Naisip ko baka napag isipan niya na ang opportunity na sinasabi ni Murphy o baka naman sila na. I'm happy for her kung tama ako. "I like you, Lara.." Tila nawindang ata ako, nanigas ng bahagya at naumid ang dila. "No! I love you..." What?? Legit ba? Kailan pa?"....Mahal kita, Lara. Matagal na. Nung una pa lang kita makita sa coffee shop sigurado na ako sa nararamdaman ko..." Nakatitig pa din ako sa kanya at walang imik. Hindi ko alam kung anong sasabihin o dapat maramdaman. "...I know nasa stage ka pa ng moving on.." Tama. Mahal na mahal ko pa din si EL at palagay ko matatagalan pa bago maglaho yun. "....but I'm willing to wait, Lara. Ayoko ng maging duwag..." Pero masasaktan ka lang Dalhia. "...Ayoko ng takbuhan ang totoo na mahal talaga kita." "I-I
Nang makarating kami ni Dalhia ng bahay at makapasok hindi ko alam kung anong unang gagawin. Magbibihis ba or what. Aligaga akong nilapag na lang muna ang bag saka bumalin kung saan siya nakatayo. Pinagmamasdan ba niya ko? "Are you hungry?!" Bigla nitong natanong. "Busog pa ko. Ikaw? Gusto mo bang kumaen?" Tanong kong nagtungo sa maliit naming kusina na katabi lang din ng dining area at hindi nalalayo kung saan kami natutulog. "Lara.." "Hmmm?" Humarap akong kinakabahan. "Relax.." Sumilay ang ngiti nito. "Sorry, Dalhia. I'm panicking..." Nauutal kong sagot. "Okay lang ba sayo kung matulog pa din tayo sa iisang kama?" Oh shit. Oo nga pala. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Lumunok ako bago nagsalita. Baka kasi mali ang masabi ko. "Oo naman, Dalhia." Pinilit kong maging normal ang tono ng boses ko kahit parang pipiyok ako anumang oras. Nakita ko ang pagngiti niya na parang may ibang meaning kaya napatanong ako. "What? Why are you smiling like that?" Naniningkit ang matang tanong
[ELIZABETH PATRICIA MEYER] Ito ang unang araw ko dito sa Art Life ng makabalik kami ni Elton from honeymoon. Nakaupo dito sa table ko at tulala. Malayo ang iniisip at di malaman kung magpapatuloy ba ko sa buhay. Kung dati rati excited akong magtrabaho ngayon ibang iba na. It's like I lost interest in everything. I still think of Lara. Walang araw na hindi ko siya naisip. Tingin ko ganun din si Elton. At some point, I could relate to him. He loves Lara, truthfully. Matapos ng trabaho ko nag aya ang boss namin mag celebrate dahil nameet ang target this year. Sumama naman ako dahil ayokong humarap sa dinner, makasabay ang pamilya ni Elton. Alam kong alam nila na hindi totoo ang kasal namin ni Elton pero hindi ko maintindihan kung bakit tinotolerate nila ang anak nila. Mababaliw ako sa pamilyang yun. Something's off about them. It feels like I'm living in a house full of dark secrets. Nahuli ko minsan si Jaime at Mira na may ginagawang hindi dapat. Si Larry naman kakaiba ang mga
[DEENA DY] It's the second day since my last talk with Piper, and I haven't seen her again in the house or even in the office. I was already tempted to ask Claudette about Piper's whereabouts, but I didn't want her to interrogate me about what was happening between us. I don't want to discuss and dig into it more 'cause I have nothing exemplary to say. My feelings for Piper were left skeptical, and I hate myself for that 'cause I know I'm hurting her. Believe me when I say I knew the sensation of being disregarded by someone you like or love. I didn't mean to make Piper feel wrong, but I can't just go with the flow without ensuring things. For unknown reasons, I do care for her. Pabalik na dapat ako ng bahay matapos ng schedule ko pero parang may pumipigil sa mga paa ko. Hanggang makarating na lang ako ng studio ni Claudette. Saglit pa akong tumayo sa labas at nag isip kung tutuloy pa o hindi. Napabuntong hininga akong tumalikod at lalakad na sana palayo kaya lang muli akong hum
MARAHANG inalis ni EL ang dagan sa kanya ni Elton, tumutulo ang luhang tahimik na umalis ng kama. Nandidiri siya sa katawang naligo. Mapangilang ulit siyang nagsabon, kinayod ng buong diin, galit ang balat. Nadudurog ang buong pagkatao niyang mabaliw baliw sa mga oras na yun ng kanyang masalimuot na buhay. Sinusumpa ang araw na yun. Buong magdamag siyang nagkulong ng banyo hanggang umalis na si Elton. Isang katok ang nagpagising sa tila natutulog niyang diwa. Tulala pa din siyang pinagbuksan ito. "EL.. A-anong nangyari?!" Bakas ang pag aalalang tanong ni Mira ng mabatid na may kakaiba kay EL. Walang salitang lumabas sa labi niya kundi ang unti-unting paghikbi. "Bakit ka umiiyak?! Ano bang nangyari?!" Nababahalang usisa ni Mira. Nagpatuloy lang sa pag iyak si EL hanggang yakapin na lang siya ni Mira. "Ssshhh.. Hindi nya sinasadya, EL." Tila dragon ang nabuhay sa loob ni EL ng marinig ang mga katagang ito kay Mira. Bahagya niyang naitulak ang babae. "HINDI SINASADYA??" Gumuhit
"De-deena. Gising ka pa pala?" Sabay silang napatingin sa'ken. Nasa kalahati pa lang ako ng hagdan. Mabilis na natuon ang mata ko sa babaeng kasama niya. Walang pagkakailang maganda to. Sino siya? Importanteng tao ba siya para makatapak sa bahay ni Piper? Ang buong pagkakaalam ko wala siyang pinapayagang makapasok rito maliban kay Claudette. "Amm.. Deena, this is Calli-" "Siya ba yung nakausap ko sa phone??" Mabilis kong putol sa kanya. Mabagal itong tumango. "You can't let her stay here! Ano to? Huh?" "Deena... It's not what you think-" "You can't just do whatever you want after what happened to us, Piper." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko kailangan kong mailabas ang nasa loob ko kung hindi sasabog ako. "Ikaw babae ka! Alam mo ba kung sinong nilalandi mo? Wala ka bang hiya sa katawan mo? Huh?!" Mas lalo pa akong nainis ng tawanan lang ako nito. Lumapit si Piper sa'ken at inawat ako sa akmang pagsugod sa babae niya. Ikakaila pa talaga niya. "Bitiwan mo nga