Share

Chapter 23

Eli

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa room namin matapos makipag-usap kay Theo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa tumakbo ako pabalik rito, o dahil ba iyon sa narinig kong sinabi ni Theo.

"Ayos ka lang, pre?" Napalingon ako sa nagsalitang si Kenneth nang makaupo na ako sa upuan ko. Hawak niya ang cellphone niya habang nakatingin sa akin. Marahil ay nagtataka ito kung bakit para akong hinabol ng aso kung makahabol ng hininga.

Hindi ko napansin na nakahawak pala ang kanang kamay ko sa aking dibdib. Damang-dama ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko ito masabayan ng bilang sa sobrang bilis. Parang aatakihin na ata ako sa puso.

Ilang beses akong huminga nang malalim bago ako sumagot kay Kenneth.

"Ah, eh... Ayos lang a-ako. W-wala to." Nauutal kong tug

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status