Kakaiba ang lugar na pinagdalhan ni Gavin sa asawa. Sa isang log cabin na nakabitin sa isang matarik na gulod kung saan tanaw ang dagat at may bulubundukin sa unahan. Noong una ay bantulot pa si Trixxie pero nagulat siya na mula sa cabin ay may sikretong daan papunta sa napakalinaw na dagat. At walang pinalampas na pagkakataon ang bagong kasal sa kanilang pulot gata. Lahat na yata ng lugar doon ay minarkahan nila. Sa veranda, sa kwarto, sa banyo, sa dalampasigan. Nasorpresa pa si Trixxie lalo at paggising niya ay may malaking cooler na naroon at may mga sangkap na sa pagluluto. Napakasaya niya dahil alagang alaga siya ng asawa na nagboluntaryo pa na ipagluto siya dahil ayaw man lang nito na mapagod siya. Ngayon, nasa isang yungib sila na mayroong maliit na talon. Maliwanag sa loob dahil malaki ang siwang na naroon na nakaharap sa silangan. Malamig ang tubig sa loob ng medyo may kalaliman na sapa. “Hindi kaya may mga pani
Matuling lumipas ang mga buwan. Balik sa trabaho si Gavin at mas naging busy siya. Ganun din si Trixxie na hindi niya maawat na tumulong sa pagpaplano ng mga interiors ng plantation resort. Ang kompanya pa ng amo ni Gavin ang nakakuha ng Project ng White Mansion, ang pet project ng magkapatid na Angeles bilang pinakaunang plantation resort sa kanilang probinsya. Kaya, napakasaya ni Gavin dahil kasama niya sa tuwina ang asawa sa trabaho. Nagre-report pa rin naman siya sa opisina nila pero madalas ay para lamang makipagkita sa mga kliyente na siya mismo ang hinahanap. Laking tulong nga naman ng pagiging isa sa board topnotcher niya kaya mas lalong nag-boom ang negosyo ng amo. Flexible ang schedule ni Gavin at binigyan pa siya ng option na maging Industrial Partner ni Ariston Guerrero. Madalas maagang gumising si Gavin at siya na ang nagluto ng almusal bilang peace offering sa asawa na naging bugnutin lalo na kapag may pinagseselosan. Nakasuot pa siya ng apron at bu
Matuling lumipas ang mga buwan at katulad ng napagkasunduan ay bantay-sarado ni Trevin ang ina lalo na kapag nasa trabaho ang ama. Nag-hire na rin sila ng driver-bodyguard. Ang kanilang bahay ay dagling pina bakuran ng matataas na pader ni Gavin. Dalawang buwan lang ang ginugol ng mga contractor at natapos ang pagbakod. Si Trevin naman ay nilagyan ng CCTV ang bawat sulok ng kanilang paligid pati na ang kabuuan ng kanilang bahay. Twenty four hours ang surveillance ng mga hidden camera na nasa paligid ng mga Mendez. Ang kwarto ni Trevin ang nagsilbing control room ng mga surveillance videos na may recording pa. Strikto si Trevin pagdating sa kanyang kwarto at kahit ang ina at si Tatiana ay bawal pumasok doon. Tanging si Gavin at Brandt ang may access doon. Walang kamalay-malay si Trixxie sa mga kaganapan dahil sa tuwing nagtatanong ito sa asawa at anak si Trevin na ang sumasagot. Palagi pa rin siyang kinukumusta ni Brandt at minsan ay hayagan ng nagseselos si Gavin per
Namilog ang mata ni Gavin ng ginawa ng doktor ang IE. “Teka dok bakit mo ‘yon ginawa?” asik ni Gavin. Kahit babae ang doktor ay nailang siyang pagmasdan ang ginawa nito sa pwerta ng asawa. Napangiti ang doktor sa kawalang malay ni Gavin. “Para po malaman natin kung ready na umire si Misis, Mr. Mendez. Fully dilated na po ang cervix niya kaya anumang minuto ay pwede na siyang umire.” Binalingan nito si Trixxie na kalmadong nakahiga lang. “Misis, kapag may contraction na po ay pwede na po kayong umire. Okay naman po ang fetal heartbeat ng kambal ay kakayanin nilang ma-deliver ng normal,” anang doktor. Napangiti si Trixxie kahit nararamdaman na niya ang paghilab ng tiyan. “Dok, humilab na po ang tiyan ko,” aniya. Nataranta si Gavin lalo pa at nakita niya kung paano napakunot ang mukha ng asawa. Butil butil ang pawis na namumuo sa noo ni Trixxie at nagkasya na lang siyang pahiran iyon ng hand towel.
Isang linggo munang nanatili sa hospital si Trixxie at ang kambal. Nag-leave pa si Gavin at hands-on na inalagaan ang asawa at ang mga anak. Si Tatiana naman na nag-aaral ay pansamantalang sa mga abuela tumuloy. Samantalang si Trevin ang punong-abala ang sa pagsiguro na tadtad ng surveillance camera ang kanilang bahay. Nasagap kasi niya ang impormasyon na itutuloy ng mga Guevarra ang pagdukot sa kambal. Kaya, maging sa hospital ay may dalawang naka-assign na bantay ang kanyang ina at mga kapatid na lingid sa kaalaman ng pamilya. Lahat ng klase ng pag-iingat ay ginawa nila ng kanyang Papa Brandt lalo pa at nakarating na sa mga Guevarra na aware si Trevin sa mga balak nila sa mga bagong silang na sanggol. Twenty four hours ang surveillance ng mga tauhan ni Brandt at Trevin sa vicinity ng ospital, maging sa tahanan ng mga Mendez. At lahat ng ‘yon ay lingid sa kaalaman ng mga Angeles. Napagkasunduan nilang tatlo na para hindi mangamba at mamuhay ng n
Bumaba ang labi ni Gavin sa dibdib ng asawa, sinimsim niya ang n*****e ng asawa at napaungol siya sa sarap ng lasa ng gatas nito. Naisip niya, kaya pala malulusog ang mga kambal dahil masarap nga naman ang kanilang pagkain. Ang isa niyang kamay ay naglakbay pababa sa kaselanan ng asawa. Nang mga nakaraang araw, ayaw ni Trixxie ng kahit hawak niya. Palagi siya nitong sinisiko kapag niyayakap niya ito. Napasinghap si Trixxie nang maramdaman ang kamay ng asawa sa kanyang kaselanan. Nahihiya siya lalo pa at maging siya ay matagal na nanabik sa asawa pero natatakot siya na baka masundan kaagad ang kambal. Sa hilig ba naman ni Gavin sa p*********k ay hindi malayong mangyari iyon. Hindi nakatiis si Gavin at binuhat kaagad ang asawa palabas ng banyo. Dali-dali niyang hinakbang ang mga paa patungo sa kanilang king size na kama. Sigurado siya na ngayong gabi ay walang matutulog sa kanilang mag-asawa. Dede lang ng kambal ang pahinga. Pinagmasdan muna ni Ga
Hindi akalain ni Brandt at Gavin na darating ang araw ng kinatatakutan nila. Kahit anong pag-iingat nila ay nalusutan sila ng mga tauhan ni Salvador Guevarra. Isang nagpanggap na waiter ang ipinuslit ang kambal na Gunther at Gustav sa ikalawang kaarawan ng mga ito. “Men, move!” Halos mawala sa concentration si Trevin pero pinili niyang maging kalmado. Ang kanyang ina na si Trixxie ay hinimatay sa sobrang takot lalo at ito ang nagbabantay sa kambal bago sila nasalisihan ng mga Guevarra. Dali-dali na sumakay si Trevin sa sasakyan niya at sinundan sa kanyang monitor ang location ng kambal. May tracking device na nakakabit sa silver bracelet ng kambal na pinasadya pa niya noon sa Italy bilang regalo niya sa first birthday ng mga kapatid. “Humanda kayo sa akin mga Gueverra! Uubusin ko ang lahi ninyo oras na may masamang mangyari sa mga kapatid ko.!” Hinampas pa ni Trevin ang manibela habang nakatingin sa locator na nasa dashboard ng kanyang sasakyan. Kalahating kilometro na
Pumanhik si Trixxie sa ikalawang palapag. Tiningnan muna niya ang tulog ng kambal sa silid ng mga ito. Payapang natutulog ang dalawa na parang walang naganap na kaguluhan sa kaninang tanghali sa kanilang second birthday. Nangilid ang luha ni Trixxie habang pinagmamasdan ang mga anak na kamukhang-kamukha ng asawa. Natandaan niya ang itsura kanina ni Gavin matapos niyang sampalin ito. Bakas ang sakit sa mga mata nito ngunit mas pinili nitong hindi na lang umimik. Magsisi man sa padalos-dalos na pananakit rito ay nagawa na niyang saktan ang kabiyak. Napasalampak siyang umupo sa carpetted na sahig. Tinakpan ang kanyang labi ng kanyang palad sa takot na magising ang kambal sa kanyang pag-iyak. Lahat ng kanyang nararamdaman na takot ay binuhos niya sa impit na pag-iyak. Hanggang sa kusang tumigil ang pagpatak ng kanyang luha. Pinahid niya ang kanyang luha. Tumayo siya at muling tiningnan sa mga higaan ang kambal. In-adjust niya ang mga kumot ng dalawa at tiningnan ang tempera