Tumirik ang mata ni Trixxie sa sinabing ‘yon ni Tatiana. Kaagad itong tumayo matapos itinaas ng kapatid ang kamay para magpakuha sa high chair nito. Nag-uumpisa ng mainis si Trixxie sa ginawang hindi pag-uwi ni Gavin. Nagmumukha siyang masama sa tingin ng mga anak. Nagpupuyos na siyang nilapitan ang lagayan ng susi ng mga sasakyan at pahablot niyang kinuha ang iyon. Labag man sa kalooban, ayaw niyang umiyak sa kalagitnaan ng gabi ang kambal at saka pa siya magkukumahog na tawagan ang asawa. Pinaandar na niya ng sasakyan at bumukas ang kanilang gate. May sensor naman iyon na kusang nagbubukas lalo na kapag na-capture ng camera ang mga registered na sasakyan. Naging napakaingat nila sa security ng kanilang bahay lalo at ilang beses na rin pinagtangkaan na dukutin ang kambal. Habang nagmamaneho, sinubukan niyang kontakin ang asawa pero unattended ang cellphone ni Gavin. Mas sumulak ang dugo ni Trixxie lalo at talagang iniiwasan siya ng asawa. Liman
Napailing na lang si Trevin sa amang tulala. Sandali siyang pumunta sa admission area para i-booking na ang recovery room ng ina. Hinanda ang sarili sa magiging reaksyon ng ina sa oras na malaman na nakunan ito. Tumiim ang kanyang bagang at lalong nadagdagan ang galit sa angkan ng pamilya ng dating asawa ng ama. Ano pa ba ang kailangan ng mga ito sa kanila? Mahigit isang dekada na nang pumanaw si Dianne and yet heto ang angkan ng baliw na dating asawa ng ama. Matapos ma-book ang silid ng ina, binalikan niya ang ama. “Papa, what are you doing to yourself?” tanong nito. “I am sorry anak. I pushed your mom not knowing na buntis pala siya. Pinatay ko ang kapatid mo! Wala akong kwentang asawa. Wala akong kwentang ama!” Napailing na lang si Trevin sa sintemyento ng ama na ngayon ay humahagulgol na parang bata na inagawan ng laruan. He can’t believe that his father can be quite a handful at times. Minsan naiinis na siya sa immaturity ng kanyang mga magula
Sa hospital. . . “Ano ang nararamdaman mo, hija?” tanong ni Anatalia sa anak. Walang imik si Trixxie bagaman patuloy pa rin ang pagbalong ng luha nito. Tahimik itong tumatangis sa pagkawala ng pinagbubuntis. Lumapit si Anatalia sa anak at ginagap ang kamay nito. Pinisil niya iyon ng buong higpit. “Kung handa ka ng pag-usapan ang nangyari ay narito lang ako para makinig, anak.” Doon na tuluyang napa hagulgol si Trixxie sa sinabi ng ina. Para siyang bata na inagawan ng laruan at nagpapakampi. Hinayaan lamang ito ng ina na ibuhos ang nararamdaman sa kanyang balikat. Nang kumalma na si Trixxie ay tsaka niya hinaplos ang pisngi nito. “Ayokong pangunahan ka anak. Huwag mo sanang masamain ang magiging payo ko. Please, ayusin ninyong mag-asawa ang anumang problema ninyo. Hindi na ba kayo naaawa sa panganay ninyo na halos siya na nagiging magulang sa mga kapatid niya?” anito. Gusto man magtampo ni Trixxie sa ina ay napagtanto niyang tama ang kanyang ina.
Halos madapa pa si Gavin nang puntahan niya sa ospital ang asawa. Pero, laglag balikat siya nang sinabi ng nurse na na-discharge na ang kanyang asawa. Dali-dali siyang bumalik sa parking lot at sumakay sa sasakyan. Binabaybay na niya ang daan papunta sa mansion ng mga Angeles nang tumunog ang cellphone niya. “Papa, you are fucked this time!” iyon kaagad ang narinig niya mula sa kabilang linya na sinabi ng panganay, “what is it this time, papa?” tanong nito sa ama. “I will explain later, anak. Teka, kasama mo ba ang mama mo ngayon?” tanong ni Gavin sa anak. “No. Nandito ako sa bahay para asikasuhin ang kambal. Mamaya pa ako pupunta sa resort. I need to temporarily assume mama’s position kahit ilang araw lang. Hindi kakayanin ng Tito Harvey na siya lahat sasalo sa gagawin especially now na peak season na at magpapaani pa ng palay,” sagot ni Trevin. “Pupuntahan ko muna ang mama mo para makausap. Salamat, anak at parang ikaw na yata ang nagiging ama dyan para
Maingat na minulat ni Trixxie ang kanyang mga mata. Kaagad na umarko ang kanyang kilay pero abot langit ang pagpipigil niya na hindi matawa. “Anong ginagawa mo dito, Mendez? ‘Di ba sabi ko sa’yo na dito muna kami ng mga anak ko?” Tuluyan ng bumangon si Trixxie at inayos ang damit niyang nalilis ang laylayan. Kita pa niya kung paano napalunok si Gavin habang tinitingnan ang kanyang mapuputing hita. “Tigilan mo nga ako sa tinging ‘yan, Gavin!” “My love naman eh, para tingin lang. Kasalanan ko ba kung sadyang nakakasilaw ang legs mo, nakakawala sa katinuan ko lalo na ‘yong nasa pagitan ng hita mo.” Hinaplos pa niya ang hita ng asawa kaya halos tadyakan siya nito. “Tse! Tigilan mo ako diyan sa pagiging mahilig mo ha! Alalahanin mo, kagagaling ko lang sa hospital. At saka hindi tayo bati, kaya alis!” Tinuro pa ang pinto at naghihintay sa maging response ng asawa. “My love, kung kailangan kong halikan ang mga paa mo, mapatawad mo lang ako!” pakiusap n
Three weeks after na nagkabati ang mag-asawang Gavin at Trixxie, pumunta sila sa suking OB-Gyn ng huli. “Doc, kumusta naman ang asawa ko? Pwede na po ba sa alam mo na?” pilyong tanong ni Gavin. Kaagad na tumalim ang mata ni Trixxie nang tingnan ang asawa. Muntik niyang hampasin nito si Gavin kung hindi lang naagapan ng huli ang kamay nito. Kahit nasa examination table si Trixxie at nakabuka ang kanyang mga binti ay hindi niya maiwasang mahiya sa pagiging prangka ng kabiyak. Natawa na lang ang doktor lalo at kabisado na nito ang mga pangkaraniwang tanong ni Gavin. Ito na kasi ang naging doktor ni Trixxie mula ng mabuntis siya kay Trevin noon. Hinubad muna niya ang kanyang gwantes at nag-disinfect ng kamay pagkatapos bago hinarap si Gavin. “As I can see from the physical examination, okay naman ang healing ng asawa ninyo, Engr. Mendez. Pwede na pero nasa kanya pa rin kung papayag siya sa gusto mo.” “Yes! Narinig mo ‘yon, my love? Pwede na daw,”
“Ngayon, my love wala ng istorbo,” ani Gavin. Halos mapunit ang kanyang labi sa laki ng kanyang ngiti. Nasasabik na siyang angkinin ang asawa matapos ang halos isang buwan na walang ganap sa kanilang mag-asawa. “May dala ka bang kapote, Mendez?” kapagkuwan ay tanong ni Trixxie sa asawa. Napakamot sa ulo si Gavin. At bakit naman siya hahanapan ng asawa ng condom? “My love, huhugutin ko na lang. Hindi ako nakabili eh, naubusan ako,” rason niya sa asawa. Napakamot pa siya sa kanyang batok lalo at nakaligtaan pa niyang bumili ng proteksyon. Lumapit na si Gavin sa asawa at sinaluhan ito sa kama. Naglakbay ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. Kaagad namang napasinghap si Trixxie sa ginawa ni Gavin nang paglaruan nito ang kanyang dibdib. Napaungol siya nang simsimin ng salitan ni Gavin ang kanyang mga bundok. Kumislap ang pilyang ideya sa isip niya. Binuka niya ang kanyang mga hita at tinukod ang kanyang siko sa kama na tila nag-aanyaya kay Gavin. Sumiklab ang
“Talaga, my love? Kahit noong nabuntis ka kay Tatiana, wala ka talagang balak maghabol sa akin?” tanong ulit ni Gavin. Napag-usapan na nila ang topic na ‘yon sa mga nakaraang taon. Pero, sa tuwina na-a-amaze na marinig ni Gavin ang dahilan ni Trixxie. “Paulit-ulit ka rin, eh. Alangan naman na maghabol ako may Dianne ka at wala akong balak na manira ng may relasyon,” katwiran niya kay Gavin. “Kahit noong may nangyari sa atin wala ka man lang nararamdaman sa akin?” “Meron. Nagagalit ako dahil kailangan mo pa gamitin si Trevin na dahilan para lang makuha mo ang gusto mo,” naiinis na sagot ni Trixxie. “Sa ganda at kinis mo naman kasi, sino ang hindi mahuhumaling?” nakakalokong saad ni Gavin sa asawa. Pinasadahan pa niya ng tingin mula ulo si Trixxie. “Aysus! Nakaapat ka na sa akin, Mendez! Huwag mo nga akong binobola.” “Totoo naman eh. Pakakasalan ba kita kung hindi ako nahuhumaling sa ‘yo?” “Tigilan na nga n