Share

Chapter 26

Naging matiwasay ang mga sumunod na linggo. Hindi ko na namalayan ang mabilis na takbo ng oras. Madalas akong sinusundo ni Hayes sa eskwelahan. Walang palya, araw-araw. Ngunit minsan ay nag-te-text siya na may kailangang asikasuhin sa opisina. Hindi ko maiwasan ang mag-isip ng kung ano sa tuwing ganoon. Naiirita ako sa sarili ko dahil masyado yata akong nagiging unreasonable pagdating sa kaniya. Kailangan kong isipin na may trabaho siya. Hindi pwedeng palaging nasa akin ang oras niya. 

Sinisiguro kong hindi ako susunduin ni Neal tuwing nariyan si Hayes. Hindi na rin naman siya nagpupumilit na sunduin ako. Bumibisita na lang siya sa condo. Ayaw kong maulit ang nangyari. Mas mabuti nang umiwas. Naging maayos naman kaming dalawa ni Neal. Ngunit hindi ko maikakailang may bahid na ang pagkakaibigan namin. 

Sa araw ng mga puso, napakaraming pakulo ng aming eskwelahan. Talagang pinaghandaang mabuti ng student body organization at central board of students ang selebrasyong ito.

Lahat ng estudyante ay nakasuot ng pula. Isang plain na pulang t-shirt ang suot ko at tinuck-in sa aking high waisted maong pants. Puting sneakers ang ipinares ko sa aking suot.

Lumingon ako sa tabi ko nang may humawak sa aking braso habang bumibili ako ng tinitindang cupcake ng mga grade 10 students. Nakangiti sa akin ang isang lalaking tingin ko'y isa sa miyembro ng SBO. May hawak siyang posas at doon ko lang natanto ang balak niya.

"Hala! Ayaw ko. Iba na lang." Umiling ako habang natatawa.

"Marwa, halika na! Hindi ka naman pwedeng tumanggi." Humalakhak siya.

"Sania! Ayaw ko rito! Sila na lang ang kunin niyo," sabi ko habang pinipilit makawala. Mahigpit ang hawak niya sa aking braso. 

"Sige na, Marwa! Ilang minuto lang naman iyan. Sinong kasama niya sa jail booth, Miguel?" ani Sania. 

Nagpaubaya na lang ako nang isuot niya sa akin ang posas. Sinagot ni Miguel si Sania habang ginagawa iyon. 

Nilingon ko ang nangingiting si Trixi. 

"Basta. Request ito ng makakasama niya. Tignan niyo na lang sa jail booth." 

"Hala! Baka si Trevan! Kaklase mo iyon, 'di ba?" wika ni Julia. 

"Basta!" Hinila ako ni Miguel at dinala sa jail booth. Nagtaka ako dahil kaagad niya akong dinala roon ngayong wala pang nakaposas sa isang parte. Ngunit nang naroon na kami at tsaka ko natanto kung bakit. Nandoon na si Trevan, ang makakasama ko sa jail booth. 

Maliit lamang ang jail booth at may dalawang upuan. Hindi kita ang mga nasa loob. 

Kinagat ko ang labi ko. Seryoso lamang siya habang pinagmamasdan ako. Naka-khaki shorts lang siya at pulang t-shirt. Kitang-kita ko ang itim niyang cross earrings. 

Kinuha ni Miguel ang isang kamay ni Trevan at ipinosas iyon. 

"Ayan! May sampung minuto kayo. Bahala na kayo sa buhay niyo!" Humalakhak si Miguel at lumabas. Nakita ko ang pagkandado niya sa maliit na gate. 

Nasa iisang posas kami ni Trevan ngayon. Umupo ako sa tabi niya at hindi siya nilingon. Wala akong balak magsalita. Wala naman akong sasabihin. Maghihintay na lang ako ng sampung minuto nang makalabas na kami rito. 

"Ni-request ko ito kay Miguel para makasama ka. Gusto ko ulit mag-sorry. Hindi mo na kasi ako kinakausap matapos ang nangyari sa inyo ni Selene," aniya matapos ang ilang minutong katahimikan. 

"Tapos na iyon," kibit-balikat kong sagot. 

"Hindi mo na ba talaga ako bibigyan ng pag-asa? Gustung-gusto kita, Marwa," masuyo niyang sinabi na ikinairita ko lang. 

"Trevan, pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sa 'yo. Kung higit pa roon ang gusto mo, pasensiya na pero hindi ko iyon magagawa." 

Umiling siya at kitang-kita ko ang pagkabigo sa kaniyang mga mata. 

"Kahit isa lang, Marwa. Bigyan mo lang ako ng chance. Pangako, hindi kita bibiguin." 

"Trevan..." Pumikit ako nang mariin. "Sa iba mo na lang ilaan ang pagkagusto mo sa akin. Wala kang mapapala. I'm sorry pero hanggang kaibigan lang talaga." 

Lumabas kami pagkatapos ng sampung minuto. Wala akong imik nang tinanggal ang aming posas. Nag-angat ako ng tingin kay Trevan at naabutan ko ang pag-igting ng kaniyang panga habang pinagmamasdan ako. Narinig ko ang sinabi ni Miguel bago ako tuluyang makalayo roon.

"Ano? Successful ba? May improvement?"

"Fuck off, man," malamig na tugon ni Trevan.

"Huh? Anong nangyari? Wala pa rin? Ang hina mo naman!" Iyon ang huli kong narinig hanggang sa kinain na ng distansiya namin ang mga boses nila. 

Natanaw ko sa hindi kalayuan sina Sania at Julia. Kumaway sa akin si Julia nang matanaw ako at hinila si Sania para lumapit sa akin. 

"Anong nangyari? Si Trevan iyong kasama mo, 'no?" Ngumiwi si Sania. 

"Nagsayang lang kami ng sampung minuto." Nagkibit-balikat ako. 

"Sana ikulong din kaming dalawa ni Jethro!" ngumiti si Julia, tila nagpapantasya.

Break na sila ni Jimuell. Ewan ko sa kanilang dalawa. Hindi rin naman sinasabi ni Julia ang dahilan ng hiwalayan nila. Aniya ay ginusto daw nilang pareho ang desisyon na iyon ngunit hindi ako naniniwala. I've seen how devastated Julia was last week. Tatlong araw siyang hindi pumasok. Kaya hindi ako naniniwalang pabor sa kaniya ang paghihiwalay nila.

"Pwede natin i-request! Pero mamaya na. Puntahan muna natin si Trixi. Dali!" ani Sania at hinila kaming dalawa ni Julia patungo sa marriage booth.

Humalakhak ako nang matanaw doon si Trixi, nakaupo kasama ang ex niya na si Kleo. Nababalot siya ng puting belo at may hawak na artipisyal na bulaklak. 

Nag-beep ang aking cellphone na hawak ko. Kumalabog ang puso ko nang makita ang pangalan niya sa screen. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan at nasasabik ako sa tuwing nag-te-text siya. 

Hayes:

– I'll pick you up later. I miss you. 

Nanginig ang kamay ko habang nagtitipa. Ano kayang ginagawa niya sa opisina? Na-i-imagine ko siyang nakaupo sa kaniyang swivel chair at nakadungaw sakaniyang cellphone.

– Okay. I miss you too. 

Pumikit ako nang mariin pagkapindot sa send button. Did I just say "I miss you too?" 

Halos itapon ko ang cellphone ko! Tama ba iyon? Tama ba ang reply ko? 

Ilang segundo lang ang kaniyang reply. Ni hindi ko kayang basahin iyon dahil baka kung ano ang laman ng mensahe niya! 

Hayes:

– Damn. You do? Really? 

Kinagat ko ang labi ko at pinatay ang aking cellphone. Bigla akong nahiya! Sana pala hindi ko na lang sinabi! 

Nilingon ko na lamang ang mga nasa marriage booth. Kitang-kita ko ang pagsusuplada ni Trixi, tila hindi nasisiyahan sa nangyayari. Nahagip ko pa ang paghampas niya ng bouquet kay Kleo. Humalakhak lang ito sakaniya. 

"Gago ka, Kleo! Mahal mo pa rin, 'no?" Humagalpak sa tawa ang mga ilan sa kaibigan ni Kleo. Ito naman ay ngumingiti lang. Salungat kay Trixi na halos magbuga na ng apoy doon. 

"Marwa, halika rito!"

Hindi ako nakapalag nang hinigit ako ni Julia papunta sa kung saan. Tsaka ko lamang natanto nang dalhin niya ako sa may message booth. Si Sania ay naiwan doong nanonood kina Trixi. Mukhang hindi niya napansin ang paghila sa akin ni Julia. The colorful sticky notes on the wall welcomed my sight. I did not even bother to read any of it just to check if there was a message for me. Ngunit hindi sinasadyang nahagip ng mata mga ko ang isang kulay pink na sticky notes. Lumapit ako at kunot ang aking noo habang binabasa iyon. 

– Martheliwa Carmeli Ismael a.k.a. Marwa, handa akong murahin mo basta hayaan mong mahalin kita. I love you my baby cake bente sais sayo lang kakalampag kahit nasa lapag. 

I cringed when I read it. Ang panget sa pandinig at paningin! It was written in italicized letters. Mayroon itong initials na BD. Sinong pangahas ang nagsulat nito? Wala akong kilalang may initials na BD. Si Brix lang. Brix Dimasangal. It couldn't be him, right? 

Nonetheless, I continue reading some of the sticky notes and I actually enjoyed it.

"What the hell? Marwa, basahin mo dali!" May tinuturong sticky note si Sania habang patuloy sa paghagalpak sa tawa.

Sa isang kulay dilaw na papel, pangalan ni Sania ang naroon.

– Handa akong maging asong ulol marinig lang ang iyong mga ungol. Sania Graciano!

"Sinong nagsulat diyan?" Sinapo ko ang aking bibig dahil sa sobrang pagtawa. Malakas talaga ang loob ng mga tao kapag pasikreto.

"Ewan ko nga, eh! Wala man lang clue!"

Ilang minuto rin kaming nagbasa ng mga sticky notes. Hindi ako makapaniwalang marami akong nabasang may pangalan ko. Karamihan sa mga iyon ay mga nakakatawang hirit. Nawala lamang doon ang atensiyon ko nang makarinig ng boses na nagmumula sa mikropono. 

"Para ito sa babaeng deserve ang mundo. She's just so precious and I think she deserves all the happiness. Kahit pa na ilang beses niya akong i-reject, hindi ako titigil. Marwa, alam ko na naririnig mo ako pero hindi kita makita ngayon. Nasaan ka ba?" Humalakhak ang taong nagsasalita. Kumunot ang noo ko. Binanggit niya ba ang pangalan ko? 

"Si Limuel iyan! Pustahan tayo!" Niyugyog ni Sania ang aking braso. Sa sinabi niya ay tsaka ko lamang nakumpirmang si Limuel nga iyon. Tingin ko ay galing 'yon sa shout out booth. 

"Bakit niya ginagawa iyan? Nakakahiya," pabulong kong sinabi. Nakikita ko ang mga mata ng ilan na nakatuon sa akin. Mga nakangiti na para bang napakaromantiko para sakanila ng nangyayari. 

"Kung nasaan man si Marwa. Please, kung sino man ang kasama niya ngayon. Pwede mo ba siyang dalhin dito sa shout out booth? Importante lang." Narinig ko ang tila pag-aapila niya sa tingin ko'y umaagaw sa mikropono. 

"Oy! Marwa! Halika na rito!" Ibang boses ang nagsalita sa mikropono at tumawa ito. 

Tumili si Sania nang hawakan ang aking braso at sinimulang hatakin ako. Halos magtago ako sa likod ni Sania dahil sa mga mapanuring titig ng mga estudyante!

"Martheliwa Carmeli Ismael, nasaan ka na? Naghihintay ang bulaklak at tsokolate mo rito!" sabi ng nasa mikropono. Sa tingin ko ay hindi si Limuel iyon. 

"Papunta na! Hinihila ko na!" sigaw ni Sania at humalakhak. 

Shit! Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko dahil sa pag-iinit ng aking pisngi. Hindi ko alam kung ano itong pakulo ni Limuel! 

"Literal na mahaba ang buhok mo, Marwa!" 

"Putangina! Sana all!"

"Sagutin mo na, Marwa!" 

"Ang korni! Pero sana maranasan ko!"

"Ganda mo talaga, Marwa!"

Kung anu-anong sinisigaw ng mga nakakasalubong ko. Pumikit ako nang mariin dahil sa kahihiyan. Gusto kong tumakbo at magtago. Si Sania ay hindi ko mawari kung tumatawa ba o tumitili. Palapit pa lamang kami sa shout out booth nang matanaw ko roon si Limuel. May suot na pulang jacket, puting panloob at maong pants. Gumagala ang mga mata niya sa paligid na tila ba may hinahanap habang hawak ang mikropono. Nang mahagip niya ako ng tingin, ngumiti siya. Nakita ko ang isang lalaking tinapik ang likod niya at nagtawanan sila. 

Binitawan ako ni Sania nang makalapit kami at lumayo siya sabay inilabas ang kaniyang cellphone at itinutok iyon sa amin. Tiyak na kinukuhanan niya kami ng video! 

Hindi ko na malaman ang gagawin nang narito na ako sa tapat ni Limuel at nagsisigawan na ang mga tao. Hindi ko na yata kakayanin ang kahihiyang nararamdaman ko. Pinanood ko ang lalaking nag-abot ng bulaklak at tsokolate kay Limuel. Malapad ang ngiti niya at hindi ko nakikitaan ng anumang kaba. 

"Limuel..." banggit ko sa pangalan niya na para bang sinusuway. Humakbang siya palapit at sumulyap sa paligid bago ulit tumingin sa akin. 

Ano na naman ba ito? Hindi ko siya pwedeng tanggihan sa harap ng mga taong ito. Hindi ko iyon magagawa dahil tiyak ay dadamdamin niya ang mangyayari. 

"Marwa, sabihin mo ng makulit ako, makapal ang mukha o kahit ano. Narito ako ngayon para sabihin sa 'yo at sa harapan ng mga taong nanonood, na seryoso ako sa 'yo at wala akong ibang hangad kundi ang kasiyahan mo. Hindi ako titigil hanggang sa maging tayo." Titig na titig siya sa mukha ko habang nagsasalita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status