Share

Chapter 54

Sa unang buwan ko bilang college student, normal naman ang lahat. Maraming mga pamilyar na mukha ang nakikita ko sa loob ng unibersidad na ito na nagmula rin sa paaralang pinasukan ko noon. Maayos ang lahat. Tama lang. Hindi masaya pero okay na. Iyong tipong ngumingiti ka pero hindi mo kayang tumawa. Iyong nabubuhay ka lang dahil hindi ka pa namamatay. Iyong tipong sumasabay ka na lang sa agos ng buhay. 

Ganoon ang pakiramdam. 

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Payapa ang paligid dito sa malawak na field ng aming paaralan. Matatayog ang mga puno at masarap talagang tambayan sa tuwing may libreng oras. Nag-angat ako ng tingin kay Tyrell mula sa aking libro. 

Hinihipan ng hangin ang kaniyang buhok. Umaabot iyon sa kaniyang kilay. Naamoy ko kaagad ang kaniyang mamahaling pabango. Agaw pansin din ang kaniyang diamond earrings. 

"Mag-isa ka na naman?" Nag-angat siya ng kilay. Palip

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status