Share

Chapter 5: What just happened?

Maaga nagising si Yenna dahil may pasok siya balik na siya sa dating gawi na kailangan gumising nang maaga dahil may kalayuan ang school na pinapasukan niya rito. Kaunting kembot nalang ay gagraduate narin naman siya kaya tiis tiis nalang.

Balak na sana niya umalis para pumasok pero tinawag siya ng mommy niya na mukhang maaga nagising para mag luto. "You're too early today Sweetie." Sabi nito habang paupo siya sa pwesto niya inilapag niya muna ang bag niya at pinanood ang mommy niya na mag handa ng agahan nila.

"Medyo malayo ang pinapasukan ko dito mommy at ayoko malate po." Paliwanag ko kaya tumango ang mommy niya at nag punta sa ref para kumuha ng gatas at maiinom. "Do you wanna say something sweetie?" Tanong nito na napakunot noo ko sa kung ano ang tinutukoy nito. "What mommy?" Nag tataka kong tanong 

"Your brother told me about this guy named Zin?" May mapang asar na tingin ang mommy niya kaya inunahan na niya ito agad. "Zin is my classmate mom, ni hindi ko nga close yon eh." Sabi niya rito dahil yon naman ang totoo. 

"He's your classmate?" Medyo gulat ang mommy niya tumango nalang siya bilang sagot dito Hindi niya gusto kung paano ang reaction ng mommy niya at tama nga ang instinct niya. "Can you give it to him? Just a little thank you gift for helping your brother." Sabi nito alam na ng mommy niya ang nangyari at Hindi Naman ito nagalit nag alala lang bahagya pero mukhang nawala iyon dahil mukhang masaya pa si Yzi.

"Mom, are you sure with that?" Takang tanong niya ginawan ng mommy niya si Zin ng Vegetable salad at may mga kung ano pang dahon-dahon na hindi niya alam. "Puro dahon yan eh." Hindi siya makapaniwala sa ibibigay nito pero umiling lang ang mommy niya. "Yzi said that Zin likes healthy food." Natutuwang Sabi nito "you should hang out with him sometime so you can adopt that." Tukoy nito sa pagkain ng gulay and healthy foods.

"No way mom. I'm good with what I eat." Sabi niya matapos niya kumain ay nag paalam na siya umalis at dala ang paper bag na pinabibigay ng mommy niya, ihahatid siya ngayon dahil ayaw ng Lolo niya na mag taxi siya at mamaya ay didiretso siya sa apartment na tinutuluyan niya upang kunin ang ilang gamit niya at mag bigay ng share sa Kasama niya.

Pagbaba sa kotse ay agad tumingin si Yenna sa paligid kung naroon na si Zin pero maaga pa para pumasok ito siguro ay sa room na niya ito aantayin. Pag pasok sa room ay dumiretso agad siya sa table niya paaupo pa lang siya ay napansin na niya ang Isang box sa na nasa table niya, Wala pa masyadong tao sa room nila at Wala pa rin si Allison kaya wala siyang mapag tatanungan.

"Kanino Naman ito galing?" Tanong niya iisipin palang sana niya na para ito kay Allison pero may naka lagay na name sa Silver and black Box 'Yenna' binuksan niya ito at may nakalagay na papel na may sulat. First time niya makatanggap ng ganito kaya agad niya binasa ang kung ano man ang nasa papel.

'If you fell in love wear this.'

Iyon lang ang nakasulat sa papel at hindi niya alam kung anong meron pa pag bukas niya ulit ay tumambad sa kaniya ang Isang napaka gandang kwintas simple lang ito na may pendant na Butterfly na parang gawa sa Crystals sa kinang niyon. 

"It's so beautiful." Bulong niya sa sarili at may Isang papel pa muling nakapaloob sa box.

'You're so beautiful like a Butterfly.'

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya dahil dito pero curious siya sa nag bigay nito. Wala siyang inaasahan o suspetsyang tao na pwede mag bigay nun dahil Wala naman siyang Kilala na may gusto sa kaniya.

Ibinalik niya sa box ang kwintas at dahil Hindi naman malaki ang box na ito ay inilagay niya iyon sa loob ng bag niya nang mailagay niya ay sakto naman na dumating ang kaibigan nito na parang irita dahil nag tataray na ito agad.

"What happened?" Bungad niya rito na agad naupo sa tabi niya. "May nangyari ba habang nag lalakad ka?" Tanong nito ulit pero nag buntong hininga ito para bumwelo.

"Did you still remember Keith?the guy that always make me pikon?" Tanong nito naalala niya pa ito dahil sino ba naman ang makakalimot sa mokong na yon na ubod ng kulit daig pa grade school. "Yeah? Nakasalubong mo?" Tanong ko sa kaniya at napapasigaw naman ito sa inis.

"Hindi lang nakasalubong, pinikon na naman ako ng bwisit na yon!!" Hindi ko alam kung maiinis din ba ako o matatawa sa accent ni Allison dahil kahit marunong ito managalog ay may accent parin talaga."Arghhhhhh!! I hate that guy!!" Inis na bulyaw nito "it's to early to make me pikon!!!" 

Nailing nalang si Yenna sa kaibigan nito na nag papapadyak sa inis. tinignan ni Yenna ang Oras at ang upuan ni Zin at sakto na dumating na ito hindi niya alam paano ibibigay ang Pina aabot ng mommy niya rito.

"Do you like him na ba?" Nagulat ako Ng biglang sumulpot ang Mukha ni Allison sa gilid ng Mukha ko kaya agad ako umiwas ng tingin kay Zin. "Bigla bigla ka nag sasalita Ali." Saway niya rito na pinaningkitan lang siya.

"Hmmm? you're keeping me a secret Yenna?!" Sabi nito at mahina akong pinalo."tell meee!! Are you two dating?" Bulong nito "is it just a secret relationship?" Dagdag pa nito na ikinakunot ng noo niya grabe talaga mag imagine ang mga nasa paligid niya.

"Allison mag tigil ka nga, mamya may makarinig Sayo." Saway niya at napatakip ito sa bibig niya na parang tama ang hinala nito."OMG!!!IS IT TRUE?!" 

"Gaga! Hindi Noh! Tingin mo papatol ako sa Hindi ko Kilala?" Sabi ko at ipinatong ko sa mesa ang paper bag na pinabibigay ni mommy at nag simula na naman mag usisa si Allison.

"What's that?" Tanong nito kaya sinabi niya rito na ipinabibigay ng mommy niya kay Zin, kwinento na rin niya ang nangyari dahil Hindi ito matahimik hanggat Wala siyang alam sa mga nangyayari. Nang maikwento kona ay tumayo na ako Hindi na sumama sa Allison kay Zin dahil tatanawin nalang daw niya ako at baka Maka istorbo pa siya sa amin, Ewan ko bakit ganun mag isip ang kaibigan ko.

Lumapit ako sa pwesto ni Zin at dahil wala namang nka upo sa tabi nito ay hinatak ko muna ang upuan na iyon at itinapat sa harapan niya. Mukhang wala itong alam sa ginagawa ko pero tinitignan ako nito na walang reaction ang mukha, paano niya kaya nagagawa maging chill habang may Isang napaka gandang babae sa harapan niya?

Naupo ako sa harapan niya at iniabot ang pinabibigay ni mommy na tinitigan lang nito. "Pinabibigay ni mommy Thank you daw pala about sa nangyari kahapon." Panimula ko Hindi ako nakaramdam ng ilang dahil kinapalan ko na nga ang Mukha ko kahapon na feeling close ako na nag babye pa eh. "Don't worry, it's all veges. Healthy yan." Tukoy ko sa bigay ni mommy 

"Nga pala, pasensiya kana sa kapatid ko na makulit ah." Hindi ko alam bakit nakikipag usap pa siya rito pero mayroon sa loob niya na gusto ito kausapin pa at makilala.kahit na hindi ito nag sasalita o sumasagot sa kahit na anong sinasabi ko.

Tumayo na ako dahil dumating na ang teacher nila at binalik kona rin ang chair sa pwesto nito malapit lang kay Zin at humakbang na papunta sa table ko.

"Thanks."

Napahinto ako sa sinabi ni Zin at binaikasn ko siya ng tingin at ngumiti. "Enjoy your meal."Sabi ko rito nakakatuwa na marunong Pala ito mag thank you, bumalik ako sa upuan ko na naka ngiti at agad namang nangasar si Allison.

"There's something with that kind of smile Yenn." Kinikilig na asar ni Allison at nailing nalang siya.

After 3rd class ay lunch time na nila balak palang sana ayain ni Yenna si Zin pero tulog ito kaya hinayaan niya nalang muna ito.

Pagbaba nila ni Allison ay naupo lang siya sa table nila dahil si Allison na daw ang bibili ng pagkain nila. Habang nag aantay naman ay nakita niya si Zin na mukhang nag hahanap ng mauupuan. Maraming gusto na paupuin siya sa tabi ng mga ito at lahat ay babae. Hindi naman siguro ito mahihirapan humanap ng mauupuan kaya hinayaan na niya ito.

Medyo natagalan si Allison kaya kinalikot Kona muna ang phone ko ng may mag lapag ng tray sa harapan niya akala niya ay si Allison iyon kaya pinatay na niya ang Cellphone niya at tinignan ito.

"Zin?"

Hindi siya makapaniwala na nakaupo ito sa harapan niya dala ang ibinigay ng mommy niya. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko rito at tinignan lang ako nito. "Wala kaba talagang balak na mag salita?" Takang tanong ko rito silent type of person ba siya?

"Wala akong kakilala na iba rito." Yon lang ang sabi niya, sabagay halata nga na Wala itong kaibigan dahil palagi lang naman itong mag isa. 

"Ah, okay sige. Samin ka nalang sumabay kumain." Nakangiti kong sabi rito tumango naman ito at inilabas ang ibinigay ni mommy ngayon niya lang makikita ang laman ng paper bag na bigay ni mommy sana naman walang kung ano dun. 

Dalawang lalagyan ang inilabas nito at Isang tumbler na Hindi ko alam ang laman, curious ako sa laman nun pero ng silipin iyon ni Zin at amoyin ay umalingasaw sa ilong ko ang amoy lemon na parang ewan kaya nakunot ang noo ko. "Inumin mo yan?" Tanong ko na parang Hindi makapaniwala.

"Yes, nag effort mommy mo, sayang naman and healthy meal ito." Sabi nito at nailing nalang siya sa Hindi makapaniwalang tingin dito. "Pasabi Pala sa mom mo thank you." Sabi nito at tumango lang siya sakto naman na dumating na si Allison na parang nagulat na Kasama ko sa mesa si Zin.

"Ohhh!! Hi!" Bati ni Allison dito na tinanungan lang siya. "Bati na kayo?" Tanong nito at parang hindi alam ni Zin Ang isasagot dito kaya ako na ang sumagot. "Yeah." Natuwa naman Ang Gaga at ibinigay na ang pagkain ko inalok namin si Zin pero tumanggi ito. Masyado siyang health conscious.

After nila kumain ay inaya na ni Yenna si Zin na sumabay na paakyat na agad naman sumang ayon na hindi niya inaasahan. Nasa kalagitnaan sila ng paglalakad sa hallway ng tumawag ang mommy ni Allison na nasa parents conference room daw kaya naiwan kaming dalawa ni Zin na nag lalakad.

Hindi ko alam kung ano ang pwede nila pag usapan habang nag lalakad dahil sa third floor pa ang room nila at malayo-layo pa ang lalakarin nila. Or pwede Naman siguro Sila mag lakad lang ng Hindi na nag uusap eh?

Nag lalakad sila ni Zin pareho at hindi nag uusap ng biglang may sumalubong sa kanila na tatlong babae at parang nag papacute pa kay Zin, itinulak siya ng babaeng mahaba Ang buhok at kung tama siya ay ito ang muse ng Basketball team ng school nila. Hindi naman ito maganda maputi lang at maganda ang katawan parang albino shrimp

"Hi! I'm Tricia, what's your name?" Pakilala ni Albino shrimp so Tricia pala ang name nito. Nakikipag kamay ito pero Hindi tinanggap ni Zin. Sa halip ay hinatak siya nito at inakbayan.

"Back off, I'm taken."

Halos hindi makapaniwala si Yenna sa sinabi ni Zin kaya natameme siya. Taken ito? At sino Ang gf niya? Ako? Abnormal ba ito? Ni Wala nga siyang alam na nag tanong o nanligaw ito eh.

"W-what?" Gulat na tanong ni Albino shrimp. Same tayo ng reaction white shrimp. Hindi na sumagot si Zin at nakaakbay ito nag lakad papunta sa room nila ang ilang classmates Naman nila ay nakatingin sa kanila kaya agad niya tinanggal ang kamay nito.

"You're taken huh?" Panimula ko rito pero naupo lang ito sa upuan niya at pumikit pinitik naman niya ito sa noo kaya nag mulat ito ng mata."Anong pinag sasabi mo na taken ka?" 

"Ayoko na mang gulo pa ang babae na yon. And I have no choice." Yon ang sinabi nito at tinignan ko lang ito mula ulo Hanggang paa. "Tch, you're not my type." Biglang bulong nito at yumuko.

"Wow! Kapal mo! Sino ka para tanggihan Ang kagandahan ko?!" Bulyaw niya rito mataas ang confidence ni Yenna dahil alam niya na maganda at sexy siya. "FYI , mataas ang standards ko noh. At sino ka para I taken ako ng ganun ganun lang?!" Anas niya rito at nag angat ito ng tingin sa kaniya bago umayos ng upo at tignan siya.

"I'm Zin Akiro Tuazon, nice to meet you Ms. Standards." Napatulala nalang ako sa sinabi nito yon pala ang full name nito.

"I'm Yenna Evenese Ventura, Nice to meet you Mr. Ungentleman." Nailing naman ito at nagulat si Yenna ng ngumiti ito for the first time. Natulala si Yenna sa ngiti nito at paunti unti ay napangiti narin siyang nakatingin dito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status