GABRIEL Napaangat ang gilid ng labi ni Gabriel nang makita ang ekspresyon ni Miss Beth. Nasisiyahan siyang makita si Miss Beth na sabik na sabik sa kanyang hawak. Alam niya kapag ganito ang ekspresyon ng isang babae dahil ilang babae na ang kanyang naikama. Hindi niya mawari kung bakit mas nagugustuhan pa niyang makita ang magandang mukha nito. Feeling niya’y kay sarap siguro nitong katabi kapag nasa kama sila. Bakit siya tumigil? He wants her to beg. Pleading for his touch. Napatitig siya sa maamong mukha ni Miss Beth. Gusto niyang haplusin ang namumulang pisngi nito, pero sinupil niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang magtataka ito sa kanyang kinikilos. Maganda talaga ang babae kahit matanda na ito sa kanya. “I want you to beg, Miss Beth.” Tumirik ang mga mata nito sa inis kaya natawa siya. Halata kasing naiinip na ito sa kanyang pagtigil. Gusto niyang makitang magmamakaawa ito sa kanyang hawak. Higit pa sa lahat ay ayaw niya iyong inuutusan o minamanduan siya. I
ELIZABETH Napahawak sa ulo si Elizabeth nang bumangon siya mula sa pagkakahiga. Kagigising lamang niya, at parang pinukpok ng martilyo ang ulo niya dahil sa alak na ininom niya kagabi. Hindi niya akalain na umabot siya sa punto na magpakalasing siya. Those nights were a nightmare. She doesn't want to remember it. It was a truly bizarre night that she wishes to forget. Bakit siya umiyak sa harapan nito? Bakit bumalik na naman ang masalimuot niyang nakaraan? Gusto niyang pagsisihan kung bakit umalis siya, at iniwan niya si Gabriel. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Dapat kalimutan na niya iyon dahil walang saysay kung alalahanin pa niya. May nangyari na sa kanila, at aaminin niyang nagustuhan niya ang nangyari sa kanila. Umalis siya dahil napipikon siya sa gusto nito. Gusto siya nitong magmakaawa. Hindi siya nabuhay sa mundo na ito para magpakaawa sa isang tao. “Gising na pala ang prinsesa.” Nakangiting bungad sa kanya ni Antonia. Napahilot siya sa kanyang ulo dahi
ELIZABETH Napadilat na lang ng mga mata si Elizabeth, at napainat siya ng kanyang katawan dahil nanakit ang likuran niya sa pagkakasandal niya sa puno ng narra. Nakatulugan na pala niya rito malapit sa waterfalls. Tumayo na siya, at pinagpag ang bandang puwetan niya para matanggal ang dumi roon. Habang abala siya sa pagtanggal ng lupa na nakadikit malapit sa binti niya, at pati na rin ang boots niya ay may dumi na rin. Bigla siyang napatigil sa kanyang ginagawa ng may narinig siyang mga kaluskos. Napalingon siya kay Ez at nakita niya si Ez na kumakain ng damo. Hindi naman ito ang gumawa ng kaluskos.“Sino iyan?” Nagsimula na siyang maglakad upang hanapin kung sino o ano iyon. Nakakatakot pa naman kapag ganito na kadilim at wala man lang siyang naaninag. Kinapa niya ang kanyang likuran upang kunin ang cellphone niya.“Sh*t!” Bakit ba niya nakalimutan ang cellphone niya sa bahay? Ayan tuloy! Wala siyang magamit ngayon kundi umaasa lamang siya sa sinag ng buwa
GABRIEL Nasa labas siya ng bahay kasama ang Lolo Hernard niya. Umiinom ito ng beer habang nakatanaw sa malawak nitong hacienda. Matagal na rin na hindi sila nakapag-bonding dahil sa abala ito sa trabaho nito. Simula bata pa siya sa edad na sampo ay palagi silang magkasama ng Lolo niya na namimingwit ng isda, mangangabayo o di kaya ay drug race na kahiligan na niya. Dahil sa Lolo niya ay hindi siya nakaramdam ng mag-isa. Hernard Espinosa Donovan ay ang ama ng kanyang ama na si Ariel Gonzaga Donovan. Si Lolo Hernard lang ang tumayo bilang magulang niya dahil ang mga magulang niya ay abala sa negosyo sa England. Uuwi ang mga ito sa Pilipinas, tatlong beses sa isang taon o minsan nga ay hindi makauwi dahil sa business trip. Sa edad na dose ay kinuha siya ng kanyang mga magulang upang mag-aral sa labas ng bansa. Napagdesisyon kasi ng mga magulang niya na sa England na lang sila manunuluyan dahil sa negosyo na dapat ng mga itong pagtuunan. Lumago ang negosyo nila Papa’t Mama sa sikap
GABRIEL Nakatanaw na lang siya sa dalaga na abala sa pakikipag-usap sa tatlong bisita nito. Sa tingin niya'y mga kakilala nito sa negosyo. It’s been a week ang huling pag-uusap nila ni Miss Beth. Simula ng nakapag-usap sila tungkol sa itigil ang kanilang setup ay lumayo na ito sa kanya. Hindi na ito kagaya dati na ngumiti kapag nakita siya. Kakausapin lamang siya nito kapag may kailangan siya o kailangan ito sa kanya. Nitong nagdaang araw ay maraming nagbago. Naging malapit silang dalawa at nasasanay na siya sa presensya nito, subalit nagbago ang lahat simula ng gabing iyon. Nakita ba nito ang ginagawa nila ni Isabella? Kaya ba ito nahimatay ay nakakita itong live show na sila ang gumanap o baka naman masama lang ang pakiramdam nito kaya nahimatay ito? “Sir, halika na dahil may gagawin pa tayo. Tuturuan ka naman po namin kung paano ang magtanim ng mga gulay, pagpitas ng gulay o pati na ang mga prutas. Kailangan mo na rin matuto kung paano maglagay ng organic fertilizer upang ma
ELIZABETH“Anong pumasok sa utak mo, Gabriel? Bakit mo ako dinala rito sa pamamahay mo? Alam mong marami akong gagawin ngayon dahil may problema akong dapat iresolba tapos dadagdag ka pa?” Kanina pa siya rito nagtatalak, subalit walang epekto sa lalaki, at patay malisya lamang ito. Dito siya naiinis dahil parang balewala lang nito ang pagsisigaw niya rito. Patuloy pa rin ito sa pagluluto. Nandito sila sa kusina nito at nakakagulat dahil marunong itong magluto. Lumapit siya rito dahil curious siya sa niluto nito. Napahawak siya sa kanyang tiyan nang bigla itong kumulo. Natawa ito nang marinig nito iyon. Sinamaan niya ito ng tingin at ang loko ay napailing at napangisi lang. “Kumuha ka na ng isang plato, baso, at kubyertos dahil malapit na itong maluto.” Tumirik ang mga mata niya sa inis. “Inuutusan mo ako?”“Oo. Kaya sige na, kumuha ka na para makakain ka na.” Umismid siya rito. Naghanap na siya sa cabinet nito ng plato, baso, at kubyertos na inutos nito. Nilapag ni
ELIZABETH Naglalakad siya sa malawak na kapaligiran ng Hacienda Gabriella. Wala siya sa wisyo habang naglalakad siya papauwi sa bahay nila. Mabigat ang pakiramdam ni Elizabeth. Halo-halong emosyon ang lumulukob sa dibdib niya. Hindi na niya masigurado kung kakayanin pa ba niyang kimkimin ang matagal na niyang dinadala. Akala niya ay kakayanin niyang harapin ang nakaraan niya. Akala niya’y tatanggapin na niya ang katotohanan na wala na talaga, at hindi na niya maibabalik kung ano ang nawala sa kanya. "Birthday?" Pagak siyang natawa. Simula ng nawala sa kanya si Evren ay hindi na siya nagdiriwang ulit ng kaarawan niya. Sa mismong araw ng kaarawan niya ay namatay si Evren. Hanggang ngayon, kimkim pa rin ang sakit sa dibdib niya. Kahit ni isa sa pamilya ni Enrique ay walang tumulong. Humugot siya ng hangin upang pakalmahin ang sarili niya dahil bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib niya. Hanggang sa nawalan na siya ng ulirat.— — — Maingay ang gab
ELIZABETH Hinihila siya ni Gabriel patungo sa mga magulang nito. Panay hila siya sa kanyang kamay subalit humihigpit lamang ang pagkakahawak nito sa kanya. Ayaw talaga siya nitong bitawan. Ang matagal na niyang kinaiinisan na tao ay makikita na naman niya ulit. Ang liit talaga ng mundo. Akala niya’y hindi sila magkikita, ayon naman pala’y konektado pa rin siya sa nakaraan. Nakita niya ang mga magulang nito na nakikipagbiruan kay Don Hernard kasama si Marco. Abala ang mga ito sa pag-uusap kaya hindi sila napansin. Huminto si Gabriel ng ilang pulgada. Napansin lamang sila ng mga ito nang tumikhim ang binata. Napakuyom ang kanyang kaliwang kamay, at napahigpit ang pagkakahawak kay Gabriel. Nakaramdam siya ng pagkanibugho sa taong nasa harapan nila ngayon. Akalain ba naman niya ay magkikita sila ni Anna.“Ma… Pa…”“Anak!” Nakita niya ang kasiyahan sa mukha ng dalawang bisita nang makita si Gabriel. Napabitaw ang paghawak-kamay nila ni Gabriel mula nang bigla na lang niyakap n