BOLCT-5
MARINELILANG oras na biyahe ay nakaraos din ako sa sobrang tensyon. Pinagpapawisan ako, pati na singit ko dahil sa sobrang kaba! Foots spa! Nakakailang kaya sa part ko itong ganito. Kung tutuusin ay pareho kaming estranghero sa isa't isa kaya nagkakahiyaan pa. O talagang ako lang ang nahihiya sa aming dalawa. Sa isang fancy hotel naman niya ako dinala. Para akong tuod na 'di man lang magkamayaw sa pagkapa ng mga nangyayari."Hurry up, Nel," lingon sa akin ni Enzo."Ha?"Hindi niya ako sinagot bagkus ay hinawakan na lamang ulit ang kamay ko at agad na pumasok sa elevator. Hindi ko mapigilan ang pagkalabog ng puso ko. Hotel? Elevator? Anong susunod? Kuwarto!? Oh hindi!Bumukas naman ang elevator at bumungad sa akin ang isang fancy restaurant. Tanga Nel! Kung ano iniisip mo! At first time kong makatuntong sa ganito ka garang hotel at makakain sa mahal na restaurant."You look pale," puna pa sa akin ni Enzo.Umiling-iling ako. Ikaw kaya dalhin dito na walang pasabi. Malamang mamumutla ako.Matipid na lamang akong ngumiti. Umupo na kami sa bakanteng mesa. Si Enzo na rin ang nag-order ng pagkain namin."Para saan ba ang mga 'to?" naguguluhan kong tanong.May dinukot naman ito sa bulsa niya at iniabot sa akin. Aanhin ko naman itong phone niya."Read the text, please."Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nagulat ako sa nabasa ko."So? Let me explain first before you say anything. First, I've waited you right after your work because I really wanted to talk to you. I mean, to say a formal thank you for what you did at the laboratory."Tangina! Napapakagat-labi ako ng mariin, 'yong tipong 'di halata. Nakakatunaw ang mga titig niya o ang mas tamang sabihin ay nakakahalina ang bawat kibot ng mga labi niya habang sa akin lamang nakatuon ang mapupungay niyang mga mata na kulay brown kung sa malapitan mo titingnan."And I wanted to treat you too, to celebrate because you got it perfect the exam and I do too and that's because of you."Lumabi naman siya. Putek! Napapalunok ako ng wala sa oras sa ginagawang pagbasa niya sa kanyang labi."Nel? Are you listening?" untag niya sa akin bigla.Napatikhim ako at napainom ng tubig."Ah? Oo at wala 'yon," sagot ko na lamang.Ngumiti naman siya ng sobrang lapad."Really? Well, that's great. Let's eat." Tumango lang ako.Naman Nel! Nasa earth ka nga pero utak mo hanggang universe. Kasalanan ko bang may adones sa harap ko. Tsk!CALVIN ENZOPINAGBUKSAN ko siya ng pinto at inalalayang makababa ng kotse."See you at the school, Marinel. I really enjoy the night with you," I said.And again she stammered."Ha? O-oo! S-salamat..."She's too pretty and cute."See you tomorrow," nakangiti kong sabi at sumakay na sa kotse ko.I did enjoyed being with her kahit na medyo tahimik siya at naiilang. How about Ms. World? Singit ng utak ko. Napabuntong-hininga ako. Andy was right, makakatulong nga siguro si Nel sa akin pero nagbago ang isip ko. Mas mabuting sariling sikap ko ang makuha ulit si Moana kaysa ang magpatulong sa iba.When I came home, I opened some root beer in can and sat down on my couch. I flipped my phone."Babe," I said."Busy ako and stop calling me that thing!" Moana ended up my phone call and left me hanging.What the hell!? Bakit ba ganoon na lang katindi ang galit niya sa akin. Ni hindi ko nga alam kung bakit hiniwalayan niya ako bigla. That was my only thoughts that maybe it was just because of that rumors. Pero ang totoo? I don't even fucking know!Tumunog naman 'yong phone ko and as I look up, it was Marinel. Kinuha ko kasi 'yong phone number niya kanina at ibinigay ko rin 'yong number ko sa kanya."Ahm... Salamat nga pala kanina, Enzo. Goodnight," Nel's text.I replied a call. Nakailang ring pa bago niya sinagot ang tawag ko."Hey Nel?" I said."Napatawag ka?" I grinned."I just want to say goodnight too."Rinig ko naman na may biglang tumili at panay ang pagsita ni Nel."Who's that?" I curiously asked."Kaibigan kong baliw. Sige Enzo, salamat ulit ha. Night," then she hung up.Napapangiti na lang akong napatitig sa phone ko."I guess, I should move right now," I mumbled."YAHOO! Tol gising na!"Napatakip ako ng unan sa mukha ko."Go away Andy!" Sinipa ko siya pababa ng kama ko."Anak ng tinapa tol! Akala mo naman masarap mahulog sa sahig," inis niyang sabi at humiga sa tabi ko.I was still half asleep."Nakita ko si Ms. World kanina na nagjo-jogging sa park tol," Andy said.Napabangon ako sa sinabi niya. Andy used to call Moana that kind of endearment call dahil parang kay Moana lang daw umiikot ang mundo ko."Fuck! My head," I said habang sapo ang ulo ko."Hangover na naman."Hinampas ko ng unan si Andy kaya napaupo naman siya ulit."Next time, magpapalit na ako ng passcode," inis kong sabi."Magtatanong pa rin ako sa agency," nakangisi niya pang sagot sa akin. Tsk!"Nagjo-jogging pa ba siya?" tanong ko."Nasa gym na 'yon tol and to the flowers you've told me, naipadala ko na," sagot niya at inagaw ang unan sa akin."Tol, kumusta lakad mo kagabi kay Ms. Universe huh?" Kumiskislap pa ang mga mata niyang tanong sa akin."Ms. Universe? Sino na naman 'yan," kunot-noo kong tanong."Aba! Sino pa nga ba ang may pang Ms. Universe ang ganda. Katawan pa lang, pati na 'yong tindig at porma kahit sobrang simple lang niya. Mapapa-oh-my-ka-sa-sarap! Marinel Gomez Magtalas tol!" nakangisi niya pang ani.Aba't! Binatukan ko siya."Tarando! Subukan mong isama si Nel sa listahan mo. Ibibitay kita patiwarik!" inis kong banta sa kanya at tumayo na.Itinaas naman niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko sa mga awtoridad."I swear Master, 'di ko siya type. As in!" natatawa niya pang sabi. Napatawa na lang din ako."Go suits your self to order some breakfast," utos ko."Yes! The spicy lobster!" natutuwa niya pang sambit saka patakbong lumabas ng kuwarto ko.Sobrang kulit niya talaga pero kung wala si Andy sa tabi ko, I will be a loner and kept missing them, specially my buddy. I shrug and headed to take a bath. Matapos kong magbihis ay lumabas na ako. Andy do the indian sit on my sofa bed at nilalantakan 'yong pagkaing ini-order niya habang nanonood ng Cartoon Network. Umupo lang ako sa tapat niya at napangiwi."Ikaw lang ang kilala kong playboy na mahilig sa ganyan. Cartoon Network kid!" natatawa kong asar sa kanya.Napanguso naman siya."That's why I love you too bro!" taas-babang kilay niyang sagot sa akin nang nakangisi. Napailing lang ako."Iyong pinayo ko sa 'yo? Hindi mo na gagawin?" tanong niya.Tumango-tango ako."Gusto ko 'yong may sariling sikap ako."Pumalakpak naman siya bigla."You're the man bro!"Tsk!BOLCT-6CALVIN ENZO"TOL! Alis na ako," paalam sa akin ni Andy."Don't forget the flowers everyday," pahabol ko pa. Andy saluted at me."Syempre naman," nakangisi niya pang sagot at tuluyan nang lumabas ng condo ko. Tumunog naman bigla iyong phone ko. And as I've seen, it was Marinel."Veronica! Pambihira naman oh! Umuwi ka na nga! Na-in love ka lang, ayaw mo nang umuwi! Iyong upa sa bahay! Bakit dinala mo kasi 'yong pera! Pambihira naman oh! Napalayas ako ng wala sa oras! Umuwi ka na!" text niya.I frowned and immediately grab my car keys at lumabas ng condo ko. Ni hindi ko na naisipang magpalit ng damit. I just don't know why I am doing this, the fact that we don't really have this 'connections' pero she needs my help.MARINELPARA akong tangang napapatitig sa phone ko. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Nagkalat din sa paanan ko ang nabitawan kong mga gamit. Pati nga kaluluwa ko lumabas din. Nanlulumo akong napaupo at napatakip ng mukha at napapadyak sa sobrang katangahang naga
BOLCT-7MARINELMATAPOS ang ilang minuto ay natapos rin ako. Bigla namang lumitaw si Veronica sa harapan ko at para na itong maiiyak sa isang tapik lang."Huwag mo akong artehan diyan," iritado ko pang sabi. Naiinis ako e!"Wa! Nel, sorry na. Alam ko, mali ako."Inirapan ko lang siya at itinuon ang atensiyon ko sa paglalagay ng babaonin ko. Napahikbi naman siya."Nel... Sorry na..." Napapadyak akong humarap sa kanya."Sampung beses mo nang ginagawa 'to at ito ang unang beses na hindi ako nakatulog sa labas habang pinagpapantasyahan ng mga lamok," panimula ko."Kailan ka ba magtitino?" dagdag ko."Sa makalawa?" nakangiwi niya pang sagot."Ugh! Kung 'di lang kita kaibigan malamang sinabunutan na kita e! Iyong bayad sa upa, ibayad mo sa kuryente at tubig. Pagkatapos 'yong natira, ibili mo ng grocery natin tapos 'yong natira pa, ibayad mo kay Aling Lukring," bilin ko habang itinitirintas ang buhok ko."Huh? E? Malaki ang babayarin natin kay Aling Lukring 'di ba?" takang tanong niya."Bina
BOLCT-8 CALVIN ENZO"BUSY sa kakaayos a!" biglaang bungad sa akin ni Andy.Isinuot ko na 'yong t-shirt ko."May lakad kami," sagot ko habang panay na inaayos ang pagkakabit ng sintas ng rubber shoes ko."Astig! Si Ms. Universe ba?" nakangisi niya pang tanong sa akin. Napakunot-noo ako."Not her, it's Moana," pagtatama ko.Napanguso naman siya at umupo sa kama ko."What's with that face?" I asked."Hmm? Sa iyo wala, sa akin apektado ako tol! Nanghihinayang ako sa mga bulaklak na ipinapadala mo sa kanya. Tinatapon niya lang e," aniya.Napapailing naman akong napaupo sa tabi niya at ginulo ang buhok niya."I can't give up on her, now that Marinel is trying to help me. At least, I should give it a try," sagot ko."Nothing to worry about me. I can surpass this," paninigurado ko."Tol naman e! Have a happy life, not like this." Sinuntok ko ng mahina ang balikat niya."Haha! Yuck! Alright, I get it. I'll be fine," natatawa kong sagot na lamang.Tumayo na ako at marahan siyang tinapik sa bal
BOLCT-9CALVIN ENZONAKALUMBABA si Andy nang maabutan ko ito sa unit ko. Umupo ako sa harap niya."Kumusta ang lakad?" tanong niya."So far not so good," sagot ko at napahilot sa sintido ko."Sabi na e! Iyong bahay ko, kulang na lang maging garden sa kasasauli ng mga bulaklak na pinapadala mo," nakanguso niya pang balita sa akin."Pasensya ka na Andy," sagot ko.Napatayo naman siya at agad na napatakbo sa kusina at bumalik din naman agad. Namumutla pa siyang lumapit sa akin at agad na hinawakan ang ulo ko saka nilagyan ng tissue ang ilong ko. Inigaw ko 'yong tissue."Fuck!" mura ko ng mahina."Huwag ka nga magpagod tol! Nag-aalala ako sa 'yo e.""Yeah. I'm okay." Napatayo ako at dumiretso sa lababo at naghilamos para maalis 'yong dugo sa ilong ko."Tol baka…""Sa init ng panahon 'to Andy. Stop thinking those things," singit ko agad dahilan para maputol ang kung ano mang sasabihin niya."Okay. Order lang ako ng dinner natin," paalam ni Andy sa akin.I just nod at pinunasan ang mukha ko
BOLCT-10MARINELILANG minuto lang din ay dumating na ang professor namin. Pinag-aabutan niya lang kami ng mga libro saka bumalik sa harapan namin."Okay guys, I need you to study what is written in that text books because tomorrow we are going to have a dry run for how to save patients who drowns in seas or swimming pools. Even not in the water area. It was just an examples anyway. By the way, kung sino man ang nasa likuran niyo, which is the second row. They will be your partners and each pair of you are going to demonstrate it. So practice the CPR now," paliwanag pa ng professor namin.Natigilan ako sa narinig kong CPR. No way? Si Enzo ang nasa likuran ko. Napatakip ako ng mukha at napapadyak. Puwede ba mag-excuse sa dry run na 'to."Nel?" untag sa akin ni Enzo."Ano?" medyo wala sa mood kong sagot sa kanya nang lingunin ko ito."Let's practice the CPR," nakangisi niya pang sabi sa akin."Ha-ha-ha! Mag-practice ka mag-isa," inis kong sagot.Diyos ko naman! Ang birhen kong mga labi.
BOLCT-11CALVIN ENZOPABAGSAK akong nahiga sa kama. Hindi ko dapat sinabi 'yon kay Nel. Dahil lang 'yon sa galit ko kanina. Alam kong mali na umasa pa ako sa date na 'to pero gusto ko lang namang subukan. Moana told me earlier that she can't come but I insisted to wait. Napahugot ako ng malalim na hininga. Mabilis akong napatayo at nag-ayos na. Umuwi ako sa condo ko para makapagpahinga na. Bukas ko na lang kakausapin si Nel. I need to say sorry and I should stop loving Moana from now on. Marinel is right. I should stop loving her even if it's hard to forget but I will try my best.MAAGA akong nagising at nag-ayos. Maaabutan ko pa si Nel ngayon. Kinuha ko 'yong phone ko at tinawagan siya. Nakailang dial din muna ako bago niya ito tuluyang sinagot."Nel?" panimula ko.Narinig ko siyang napatikhim muna bago sumagot."Morning, napatawag ka?" Umupo ako sa edge ng kama ko."Puwede ba kitang sunduin?" pagpapaalam ko."Sige," tipid na sagot nito."See you later, Nel," masayang paalam ko at ib
BOLCT-12MARINELHETO kami ngayon sa klase, gumagawa ng activity. Simula kanina pa ay walang imik si Enzo matapos ang practice namin kanina sa pool. Kahit na si Andy ay tahimik din."Sorry nga pala," pukaw ko sa matinding katahimikan."You are doing great, Nel. There's nothing to apologize," sagot niya."Oo nga naman, Nel. Perfect routine naman 'yong ginawa niyo kanina," segunda pa ni Andy at umupo sa tabi ko."Nag-away ba kayo para pag-initan ka niya?" pang-uusisa pa ni Andy."Hindi naman," pagsisinungaling ko."Quit asking Andy," sita pa ni Enzo kaya pareho kaming napatikom na lang ng bibig ni Andy. Pasimple ko siyang sinusulyapan. May problema kaya siya? Napabuntong-hininga na lang ako at itinuon na ang atensyon ko sa activity namin.MATAPOS ang klase namin, nagpaalam na ako ng maaga kina Andy at Enzo dahil may pasok pa ako sa trabaho ko. Pagkarating ko sa coffee shoppe, diretso na ako agad na nagpalit ng uniform ko."Kabuwesit talaga 'yang mga epal!" pagpaparinig na naman ni Aira
BOLCT-13MARINELPAKIRAMDAM ko ay parang huling araw ko na rito sa mundong ito. Ang akala ko talaga kanina ay katapusan ko na. Ang bilis ng mga pangyayari kanina. Ang naalala ko lang ay nakatayo ako sa may gilid ng pool para sana mag-practice pero laking gulat ko nang may tumulak sa akin bigla. Nasakto pang tumama 'yong kaliwa kong paa sa rod ng swimming pool no'ng mahulog ako dahilan para mawalan ako sa focus ko at malunod. Ni hindi ko rin nakita kung sino man ang maaring tumulak sa akin. Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Enzo na nakatungo sa hinihigaan kong hospital bed habang hawak nito ang kaliwa kong kamay. Dahan-dahan kong iginalaw ang kaliwa kong kamay dahilan para mapakislot si Enzo at napabaling ng tingin sa akin."Hey? How are you feeling?" masuyo pa nitong hinaplos ang kamay ko."Okay na. Salamat ha," nangingilid ang mga luha kong pasasalamat sa kanya."Kahit sino naman sa kalagayan mo, talagang tutulong ako." Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala sa akin at