Si Rebecca nga ba ang dapat sisihin para sa nangyari?
Nagdadabog pang pumasok sa sariling kwarto niya si Rebecca kung saan siya hinatid ni Bryle. Grayson gave her a room just for herself para kahit papaano ay may privacy pa rin siya. Si Bryle nga ang naghatid at nagturo sa kanya rito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin lubos maisip na siya ang sinisisi ni Grayson sa nangyari gayong alam niya sa sarili niya na wala siyang ginawang masama. "I told you, Mr. Davis. Hindi ko talaga kasalanan 'yon! Inagaw nga kasi sa 'kin ni Stacy yung ginagawa ko. Napakainggetera kasi e." Inis na inis na reklamo nito. Napailing-iling na lang si Bryle sa reklamong naririnig niya mula sa dalaga. "I know, Ms. Alejandro. Pero hindi naman iyan ang ibig sabihin ni Grayson. Ang ibig niyang sabihin, kung hindi ka sana nangialam sa kusina, di sana hindi gagaya yon si Stacy sa 'yo. That's why he is putting all the blame on you." Pagpapaliwanag naman ni Bryle. Napa-cross arms si Rebecca sabay padabog na naupo sa kama niyang napakalambot. In fairness, kahit galit
Kung saan-saan nakarating sina Bryle at Rebecca kakagala. Sa kagustohan ni Bryle na mapagaan ang sumasamang loob nito ay pinagbigyan niya ang hiling ng dalaga na mag-tour pa kahit na dapat ay kanina pa silang nakauwi matapos nilang bumili ng sorbetes. Nilalantakan na nga ngayon ni Rebecca ang isang liter ng ice cream na pinangako naman sa kanya ng masungit na si Bryle. While driving ay paulit-ulit na nag-ring ang cellphone ng binata kaya naman napakunot na ng noo niya si Rebecca. “Sino ba ‘yan, Mr. Davis? Wala ka bang balak na sagutin ‘yan? Baka mamayal, sugar mommy mo ‘yan ha. Mahal ko ang buhok ko. Ayaw kong mapanot,” anito naman habang nilalantakan ang sorbetes. Ganon siguro talaga kasarap kapag libre? “Tss. Dahil to sa kakulitan mo. Hinahanap ka na ni Grayson nagagawa mo pang mag-enjoy diyan sa ice cream mo. Malalagot tayo mamaya.” Napataas ng kilay niya si Rebecca. “Malalagot tayo? Bakit naman? E namasyal lang naman tayo.” Napailing-iling na lang si Bryle sa pagiging cluele
“Kailangan pa ba talaga niyang tanungin kung para kanino ako e alam naman niyang pag-aari na nga niya ako? Hmp!” Dabog ni Rebecca habang nagliligpit ng higaan niya. In fairness, kahit dito man lang ay maranasan niyang maagbuhay mayaman. Para siyang prinsesa at nananaginip ng gising. Anyway, this is not a dream. She is really living the life. On call siya ngayon dahil nakikinig lang si Alexis sa kabilang linya sa lahat ng mga reklamo niya sa buhay. Ano pa nga bang silbi ni Alexis sa buhay niya kundi ang maging buddy at kasama nito sa saya at lungkot. Alam niyang hindi siya kailan man matitiis ni Alexis. “O, e ano pang nirereklamo mo dyan? Saka, kailan ka ba uuwi? H’wag mong sabihin na hindi papayag yang si Grayson na umuwi ka paminsan-minsan? Nami-miss na kita.” “Ayiee! Napakamaharot mo rin ano? ‘Wag kang atat. Makakauwi rin ako. Nagkagulo pa kasi dito, e. Kailangan ko munang makipagbati kay Grayson bago ako umuwi. Baka mamaya ipagpalit ako non kay Stacy.” “Sino si Stacy?” tila n
Maagang nagising si Rebecca dahil nga pagmulat niya pa lang ng mga mata niya ay boses agad ni Grayson ang tila paulit ulit na pinapaalalahanan siya. Naririnig niya pa rin ang mga sinabi nito kagabi na she needs to fulfill her duties inside the house daw. E aba, simple lang naman sana sa kanya yon kung walang pakielamerang si Stacy na nang-aagaw ng responsibilidad. Akala mo naman e marunog. E simpleng pagprito nga lang sinusunog pa. Nag-nat unat pa ang dalaga pagkababa niya ng hagdan. She's just wearing her sleepwell. Naghilamos lang siya ng mabilis saka sinimulan ang mga gagawin niya. Pero hindi niya ma-gets kung ano pang gustong palinisan ni Grayson dito, e malinis naman agad? "Good morning." Natigilan siya sa pag-uunat unat ng braso niya nang marinig ang boses na 'yon. Woopsie! It's Bryle's voice! "Hi! Good morning, Mr. Davis! Nandito ka ba para sunduin si Grayson?" Bungisngis pang bungad ni Rebecca sa guwapong guwapong si Bryle. Naka-formal attire kasi agad ito umagang umaga.
Neutral lang ang mukha ni Grayson nang sumilip si Rebecca sa bintana ng kotse ni Bryle. Nakapamulsa ito at tila naghihintay na dumating silang dalawa. Naghihintay na rin sa labas ang mga magulang niya na may makikinang nang ngiti. Sa unang pagkakataon na nawalay ng ilang araw sa kanila si Rebecca ay ngayon lang nila ito nakitang muli kaya naman ganon na lang ang saya sa mga mata nila. Nandyan din si Alexis kahit na medyo masama ang loob nito. Ganon pa man, isa rin naman siya sa excited sa pag-uwi ni Rebecca. Miss na miss na kasi niya ang dalaga. "Rebecca, anak!" tuwang-tuwang sigaw agad ng nanay niya pagkababang-pagkababa pa lang nito ng sasakyan. "Nay! Tay!" mangiyak-ngiyak pa niyang sagot habang nagtatatakbo para mayakap ang mga magulang niya. Naging mahirap ang nagdaang mga araw para sa kanya pero kinaya niya iyon dahil sa mga magulang niyang nagsilbing inspirasyon sa kanya. At ngayon na nagbagong buhay na siya ay sisikapin niyang huwag na muling bumalik sa dati niyang trabaho.
Kagat-kagat ni Rebecca ang mga labi niya nang mapanuyo siyang tiningnan ni Grayson. His eyes were full of lust. Para bang habang nakatitig pa lang siya sa dalaga ay hinuhubaran na niya ito sa mga tingin niya. “H-Hey, Grayson. You are not allowed to stare at me like that.” Kinakabahang babala pa ni Rebecca habang papalapit nang papalapit ang mukha sa kanya ng binata. “Who says I can’t? I am Grayson Lincoln. I can do whatever I want in my way, by hook or by crook.” He winked.Kung gagawin nga nila ito sa kotse, mukhang bago yata ito sa kanya. Hindi na nga niya maalala kung nakipags*x na siya sa kotse sa isa sa mga customers niya noon. Pero bakit ka ba natatakot, Rebecca? Baka nakakalimutan niyang ikaw din si Rebecca Alejandro. Wala kang inaatrasan. Trabaho mo nga iyan noon, ‘di ba? “Why do you look pale now? Don’t tell me kinakabahan ka?” may paghahamon pang tanong ni Grayson. Rebecca flipped her hair in the air. “A-Ako? Matatakot? I love f*cking.” Pabalang na sagot nito. Grayson c
Grayson has to meet one important woman in his life kaya naman ganon na lang ang pagkataranta niya after he received her call. He rushed to their mansion para salubungin ito at nang hindi ito magtampo sa kanya. Pagkarating nga niya doon ay tamang tama lang. Kararating lang din ng inaasahan niya. “Darling, I missed you!” Agad na napangiti si Grayson nang marinig ang boses na ‘yon. “You should have told me earlier na ngayon ka darating so I can pick you up.” Sagot naman nito. “You’re really so sweet, my love. Hindi bale, from now on ikaw na ang palaging maghahatid sundo sa ‘kin. I missed you, hijo. How have you been doing here?” “Well, I’m doing good, mom. Lalo pa ngayon na pinapatrabaho sa ‘kin ni Dad ang resort natin na matagal nang huminto sa operasyon. I will be the one to manage that from now on.” “Finally! Your dad really trained you enough to handle that resort on your own! I am so happy to hear that! You’re such a grown up now.” Naka-pout pang sabi ng mommy niya. Yes, it’s
Kinabukasan, Grayson drove back to their rest house. He was expecting na si Rebecca ang bubungad sa kanya sa pag-uwi niya dahil hindi siya nakapagpaalam ng maayos sa dalaga kahapon, but then, wala ni anino ni Rebecca ang nasa apat na sulok ng bahay.He’s been searching everywhere. Nagpunta na nga siya maging sa resort hoping he’ll find her there. Hindi nga naman siya nagkamali. He saw her in the pool. Nakasuot ito ng bikini--she is swimming again. At hindi siya nag-iisa. She seems to be having fun with Bryle. Bryle is just there at the side of the pool nakasuot pa rin ng kanyang working suit. He looks so calm and formal pero ngiti ito nang ngiti kay Rebecca. Bagay na hindi usual para kay Grayson. Bryle doesn’t usually smile.Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. Wala siyang ideya na close ang mga ito. Hindi niya tuloy alam kung anong ire-react niya. Tawa nang tawa pa ang mga ito kaya hindi niya naiwasang hindi lumapit.“You are both having fun.” He uttered nang malapit na siya sa ki