CHAPTER 55“I came to check on you.” Ani Bryle habang nasa kotse sila ni Rebecca.Kinuha niya mula doon sa rest house dahil iyon din naman ang utos ni Grayson. Mabuti nga at naabutan niya pa ito doon. Di sana, baka mas lalo lang itong namaltrato nina Mrs. Henessy at Stacy. Nagkampihan pa talaga ang mga ito.“Talaga? Buti ka pa. Si Grayson kasi, bigla-bigla na lang umaalis. Naiwan tuloy ako mag-isa doon sa bruha niyang nanay.”“Actually, he told me to pick you up.”“H-Huh? Bakit?”“Doon ka daw muna sa bahay. While he is away.”Bigla namang kinabahan si Rebecca. Napaisip siya agad kung anong ibig sabihin ng bilin na yon ni Grayson. Sana, hindi tama ang kutob niya.“Mind if I ask why?” kinakabahang tanong ng dalaga.“He’s on their private plane now. Plano niyang sundan si Samantha.”“W-What?” gulat na gulat niyang tanong.Hindi siya makapaniwala na handang gawin ni Grayson iyon.“Bakit pa? Alam na nitong ikakasal na yung tao ah! Grayson naman, e. sasaktan niya lang ang sarili niya sa
KINAGABIHAN matapos ng kanilang hapunan ay nagpalamig muna si Rebecca sa labas ng bahay nina Bryle. May fountain kasi doon na pwedeng tambayan. May bench din. Malaya mong matatanaw ang kalangitan pati na ang mga bituin at buwan. Napakagandang pagmasdan ng mga ito ngayong gabi. Kinakalma ang nangungulilang puso niya. “Isang kamalasan pa talaga sa buhay at iisipin ko na talagang may balat ako sa pwet kahit wala naman.” Bulong niya sabay sipa ng bato na nasa harapan niya. “Mahamog na dito sa labas. Tara na sa loob, Rebecca. You might catch a cold,” ani Bryle. Kanina pa pala ito sa likoran niya at nagmamasid lang din. Hinihintay na pumasok na siya sa loob ng bahay pero mukhang wala pa itong balak na pumasok. “Hindi. Dito na muna ako, Bryle. Gusto ko pang mapag-isa at makapag-isip isip.” Alibi naman nito. Pero sa totoo lang ay gusto niya lang talagang umiyak. Nami-miss nya agad si Grayson. Hindi niya kasi alam kung kailan ito babalik. O kung babalik pa nga ba ito? Paano kung hindi na?
Isang linggo na ang nakakalipas simula noong sumunod si Grayson kila Samantha, abroad. Hindi maipagliwanag ng dalaga ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa araw-araw na gumigsing siya na wala si Grayson ay para rin siyang nauubos, nanghihina at kung anu-ano ang iniisip. Ngayong umaga ay dinala siya ni Bryle sa resort. Kahit saan magpunta ang binata ay lagi siya nitong sinasama. Ayaw kasi ni Bryle na malungkot siya mag-isa. Ayaw niyang isipin nito na siya na lang. Sa katunayan ay nasa office nga sila ngayon at nag-aayos ng mga papers nang bigla na namang magtanong si Rebecca. “Bryle, wala bang nasasabi si Grayson sa ‘yo tungkol sa ‘kin? Ano, babalik pa ba siya? Isang linggo na, e. ano na bang nangyayari?” Sasagot na sana si Bryle nang biglang may tumawag sa kanya. He answered first the call saka sumenyas na lang kay Rebecca na maghintay muna ito for a second dahil nga may kausap pa siya. Hindi man gustong makinig ni Rebecca sa usapan but because she’s there, rinig na rinig niya
Nagmamadaling tumakbo papuntang sink si Rebecca nang makaramdam siya ng pagkasuka. Nakailang subo pa nga lang siya ng kinakain niya e. Ano bang nangyayari sa kanya? Kung hindi siya nahihilo, nasusuka naman siya. Bigla bigla na lang sumasama pakiramdam niya nang hindi niya naman alam ang dahilan. “Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Bryle habang hinahagod ang kanyang likod to make her feel better. “I-I’m fine. I-I don’t know. Bigla na lang akong nagsusuka. I don’t know what’s happening to me.” “What if magpa-check up ka bukas? Sasamahan kita.” “Hindi na. Makakaabala na ako sa ‘yo, e. I-I can go on my own. Ako na lang siguro.” “Sasamahan na kita. Ano ka ba? Sa akin ka ibinilin ni Grayson. Kargo ka ng konsensya ko kung ano ang mangyari sa ‘yo, ako pa rin ang babalikan.” “S-Sigurado ka ba? Nakakahiya naman kasi sa ‘yo. Dito na nga ako nakatira sa bahay mo. Tapos responsibilidad mo pa ako.” “Wala ‘yon. I love doing it because I love you.” Napatigil si Rebecca. “Bryle. . .alam mo
KAPWA tahimik lang sina Bryle at Rebecca habang pabalik sa resort. Kasa-kasama rin kasi ni Bryle ang dalaga habang naka-duty ito doon. Hindi pa nga kasi bumabalik si Grayson. Wala pa itong kaalam-alam sa pagbubuntis ni Rebecca. Hindi pa handa si Rebecca na sabihin ito sa kanya dahil hindi siya handang harapin ang magiging reaksyon nito. “When are you going to tell him everything, Rebecca?” ani Bryle habang nagmamaneho. “Hind ko pa alam. Pero siguro kapag nakauwi na siya. Saka na lang. Hindi muna ngayon. Ayaw kong magkaroon siya ng kahati sa atensyon. Kung nasa tabi siya ni Sam ngayon, doon na lang muna siya. Mas kailangan siya ni Samantha.” Hindi nagustohan ni Bryle ang sagot nito. “What? Bakit ganyan ka mag-isip? Samantha’s sick and her parents will be there for her saka may boyfriend na rin siya. Pero ikaw, there is another lif inside you. You should be his priority! I will tell him right away!” mariing sagot ni Bryle sabay dampot agad ng cellphone niya. Mabilis na inagaw iyon ni
A week after the devastating news ay agad nakauwi na nga si Grayson. Sinundo siya ni Bryle sa airport. He still had no idea about Rebecca being pregnant. They kept it a secret to the Lincolns. Gusto kasi ni Rebecca , si Grayson ang unang makaalam non once he gets home. She wants to surprise him. Siguro naman magiging masaya ito desppite Samantha’s death ay may bagong myembro ng pamilya ang darating. Sabi nga nila, kapag may umaalis ay may darating. Kaya inisip ni Rebecca that Grayson would gladly accept everything. That’s what she is expecting. “Rebecca is excited to see you, dude,” ani Bryle sa kaibigan habang nagmamaneho ito ng kotse. Hindi sumagot si Grayson. Bakas sa mukha nito ang pagod at puyat. Siya kasi ang nasa tabi ni Samantha noong nagkasakit ito. Siya ang nag-alaga sa dalaga. Hindi siya umalis sa tabi nito hanggang sa malagutan ito ng hininga. She was there even though Paul was also there. Ginawa niya ang lahat para mapagamot ang ex girlfriend niya. Samantha’s family has
ILANG linggo nang nasa Pilipinas si Grayson. He’s now taking care of their business. Dahil sa pagkamatay ni Samantha ay mas lalo itong naging subsob sa trabaho. Ni hindi na nga ito umuuwi sa rest house kung saan sila nakatira ni Rebecca. Doon na lang siya lagi sa resort. Kulang na lang ay patayin niya ang sarili niya sa trabaho sa resort. Para mapunan ang pangungulila niya kay Samantha. It’s like Rebecca’s living her life with him pero hindi na niya ito maramdaman ngayon. Magkasama nga sila pero hindi niya naman nararamdaman na kasama niya ito. Ilang linggo na rin na hindi pinapansin ni Grayson si Rebecca. Ni hindi niya man lang ito kinakausap. Sumasakit tuloy ang ulo ng dalaga kung paano nyang sasabihin sa binata na nagdadalang tao siya. Mula nang umuwi si Grayson ay nagluluto si Rebecca halos araw-araw. Pinagsisilbihan niya si Grayson. She is trying her very best always. Pero hindi iyon napapansin ng binata. Gabi gabi na lang siyang umiiyak dahil sa pagkatalo niya. Alam niya na wal
MAAGANG nagising si Rebecca para magluto. Umiiyak siya habang pinaghahanda niya ang breakfast ni Grayson. Yes, she still managed to cook breakfast after everything that happened yesterday night. Gusto niya kasing ipagluto si Grayson sa huling pagkakataon. Baka naman this time ay kainin na nito ang niluto niya. Plano niyang umalis bago pa man magising si Grayson. Baka kasi kapag makita niya pa ang binata ay maiyak lang siya. She doesn’t want to see herself beg for someone who doesn’t see her value. Tama na. Sapat na lahat nang mga narinig niya mula kay Grayson kagabi. He doesn’t need a prostitute. Isang desenteng babae ang kailangan nito. Iyak nang iyak lang si Rebecca habang hinahain ang luto niya. Napakabango niyon. Tila nag-iimbita ang amoy non. “Sana naman kumain si Grayson ng agahan bago pumasok ng trabaho.” Aniya sa kanyang sarili. Hila-hila na niya ang maleta niya palabas. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya pa muna ang buong rest house. Ang daming alaala rito. Kahit papaa