Samantha Pov...Ito ang araw na kinakatakutan ng lahat, ang araw kung bakit nagsimulang mamatay ang isang Rex noon na nakilala at minahal ko. Hindi ko alam kung bakit ito ang araw na pinili niya para magpropose sa babaeng pakakasalan niya. Bilang isang parte ng aming pamilya at nakalimutan niya kung sino ako sa buhay niya, pupunta ako sa lugar kung saan idadaos ang isang masayang celebration sa kanila pero unti - unting dudurog sa aking puso.Inayos ko ang aking sarili at huminga nang malalim bago pumasok sa loob, umiwas ako sa mata ng mga tao at hinanap agad ang upuan nina kuya Jordan."Kuya." Mahina kong tawag sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat pagkarating ko sa kanilang upuan. Sino ba naman ang hindi mapapraning sa araw na ito, paano kung biglang bumalik ang alaala niya."S-Samantha?" Gulat na sambit ni kuya. Nagsuot kasi ako ng wig para hindi ako mahalata ng ibang taong nakakakilala sa amin."Ayaw ko makaagaw ng atensiyon, since patay na ako sa lugar na ito paninindigan ko. I
Rex Pov...Simula umuwi ako noong araw na nagpropose ako kay Georgia pakiramdam ko may mali, nakakaramdam ako ng pagtayo ng aking mga balahibo ng walang dahilan. Parang may mga matang nakatingin at nagmamasid sa aking mga galaw. Gusto ko siyang pakasalan dahil mahal ko siya at gustong makasama habang buhay pero bakit ngayon may agam - agam sa aking dibdib. Hindi na ako nakakaramdam ng excitement tuwing ako ay gigising sa umaga. Mabigat lagi ang aking ulo at madalas naiinis ako ng walang dahilan. Pumapasok din ako sa opisina na parang wala sa sarili! Haaay! Kulang lang siguro ako sa ehersisyo at tamang pahinga. Makapaghiking nga muli. Saan kaya kami aakyat ngayon?"Jordan, namiss ko na ang hiking natin. Saan tayo this time, bored ako dito sa bahay." Bungad ko sa pagsagot ni Jordan sa aking maagang tawag."What?" Gulat niyang sagot."Pare, sabi ko maghiking tayo. Tawagan mo nga si Seb kung kailan siya free." Ulit kong sabi sa kanya."P-Pare si-sigurado ka ba jan? Alam mong naghihiking t
Diane Pov..."Baby, you know mommy misses you everyday, right?" Sabi ko sa aking anak na nag - aaral sa New York sa pangangalaga ni mommy. Tuwing bakasyon lang nasa akin at minsan dinadalaw naman ni daddy."Yes mommy. I miss you too. Grandma said we will visit you soon." Masigasig namang sagot ng aking anak. Buti nalang malambing siyang bata."Then, I'll see you soon sweetheart." Masaya at excited ko rin na sagot.Nauhaw at nakaramdam ako ng gutom pagkatapos ng aming usapan. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng gatas pero wala na palang gatas. Kinuha ko ang aking pitaka at susi para lumabas at bumili muna ng gatas at pwedeng makain ngayong gabi sa 7 - eleven at iyon lang ang bukas ngayong oras..Nanginginig akong naglalakad sa labas ng condo bakit malamig at napakahangin ngayon may bagyo bang darating.. Nagmadali akong naglakad para makabili ng kailangan ko at makabalik agad bago pa mag - iba ang panahon.Haaay! Nakakapagod din naman maglakad na nagmamadali, bukas din makapunta nga sa
Rex Pov....After that incident, those memories keep on flashing on my mind from time to time really disturbing me. Pakiramdam ko may maling nagaganap ngayon na hindi ko maintindihan na gustong pilipitin ng aking utak. Tuwing may maaalala ako sobrang sumasakit ang aking ulo na daig pa ang binibiyak na buko sa sakit. They said my brother just transferred the law firm to me recently pero pakiramdam ko matagal na akong nagtatrabaho sa Sky Law Firm. Maraming bagay ang bumabagabag sa akin ngayon. Apat na buwan din ang gugugulin ko pa para makapaghanda sa aming kasal ni Georgia pero wala sa aming kasal ang aking puso at utak. May gustong hanapin ng aking utak at puso ang mga bagay na bumabagabag sa akin kaysa tungkol sa aking kasal.Puntahan ko nga muna si Jordan marami akong tanong na kailangan ng kasagutan. Hindi ako mapakali hanggat hindi ako nakakakuha ng tamang sagot. Hindi ako makapagpahinga ng maayos dahil sa mga boses at mukhang lumalabas sa aking alaala.Napatapak ako bigla sa pren
Diane Pov...Excited ako na makitang muli ang aking anak. Ngayong araw ang dating nila ni mommy. Nangako rin si daddy na dadalaw kapag umuwi si Archie dito. Ako na mismo ang susundo sa kanila sa airport. I excitedly park my car bago tumakbo sa entrance ng arriving, anytime they will pop on that wide door. I really missed my son so much."Mommy!" Isang matinis na sigaw ang lalong nagpatalon ng saya sa aking puso."Baby! I'm happy to see you. See, I told you." Masaya kong bati sa kanya sabay buhat."Ma, kumusta naman ang biyahe niyo. Hindi po ba kayo nahirapan kay Archie?" Tanong ko naman kay mama na mukhang hindi yata tumatanda ang hitsura."Hindi naman siya mahirap kausapin, mas mahirap ka pa ngang kasamang magbiyahe eh!" Laban naman ni mama. Isang malutong lang na tawa ang pinakawalan ko. Totoo naman talaga. Hindi lang ako malikot napakaarte pa."Oh siya! Saan niyo gustong kumain?" Tanong ko sa kanila."Mommy, I want grilled. Lola mommy forbids me to eat saying isn't healthy." Nakang
Arthur Pov...Dalawang dekada mahigit noong nagkamali ako at nagbunga ang lahat ng aking katangahan. Sa tulong ng aking magulang ay nailihim namin ang katotohanan. Namumuhay akong disente na akala mo walang itinatagong baho.Sa pagdaan ng panahon hindi ko aakalain na magbabalik ang bunga ng isnag pagkakamali. Sa takot kung makagawa siya ng hindi maganda ay pinasundan ko siya sa aking mapagkakatiwalaan na mga tauhan at binigyan siya ng ultimatum. Akala ko magiging tahimik ang kanyang pagbabalik pero hindi pala. Gumawa siyang ng eskandalo na hindi ko inaasahan sa mismong teritoryo ko at sa kilala ko pang tao.Nilapitan ko siya at kinausap kung bakit kailangan niyang bumalik kung saan ko siya pinadala at pinag aral. Wala siya sa kanyang katayuan kung hindi dahil sa malaking halaga na ibinigay ko sa kanyang ina. Pero nung nalaman kung inaapi siya hindi ako pwedeng manatili sa isang tabi. Anak ko pa rin siya at kailangan niya ako.Sa pagtulong ko sa kanya lumabas ang matagal ko ng lihim. U
Rex Pov... Nagising ako na mabigat ang aking dibdib at masakit ang aking ulo. Parang may nakadagan sa aking ulo sa sakit na mas gustong idiin pa ang pagdagan para mawala ang sakit samantalang ang sakit sakit naman sa aking dibdib na mahirap huminga. Gusto kong sumigaw at umiyak para mawala ang sakit na bumabalot sa aking dibdib.Pwede bang mawala naman ang sakit na ito, nakakapagod na. Daing kong pag - upo sa aking kama. Nalilito ako na idinilat ang aking mata para siguraduhin na dito ako sa aking condo o bahay umuwi kagabi. Sino ang pumasok at naglinis dito sa aking kwarto? Bakit daig pa ang binata ang nakatira dito? Sinong nagpalit ng ayos sa aking bahay? Naiinis kong paulit - ulit na tanong. Nasaan ang mga larawan namin ni Coleen? Nasaan ang gamit ni Samantha at mga bata. After that incident hindi ko tinanggal ang mga bagay na magbibigay ng alaala sa akin na naging pabaya ako kaya nawala sila sa buhay ko.Lumabas ako ng kwarto at lalong nalito dahil may katulong sa aking bahay. Ka
Jordan Pov...."Magandang umaga Aling Sita!" Masaya kung pagbati sa kasambahay na pinadala ko para mag asikaso kay Rex."Magandang araw din sir Jordan. Kailangan niyo pong pumunta dito ngayon din! Si sir Rex kasi!" Nagkandautal utal nuiyang smabit na rinig mo ang kaba at panginginig niya sa takot."Ha! Bakit po Aling Sita? Anung nangyari kay Rex!" Nag aalala kung sunod sunod na tanong sa kanya."Hindi ko alam sir pero paggising niya ay tinatanong kung bakit ako andito sa bahay niya? KAyo nalang po ang magpaliwanag sa kanya at kumausap ngayon. Iniwanan ko siya sa kusina." Paliwanag niyang saad.Halos paliparin ko ang aking sasakyan pagkatanggap ko sa tawag ni Aling Sita. Hindi siya sigurado kung anu ang nangyayari kay Rex at kailangan kung makarating doon agad bago pa maghuramintado nanaman siya.Hindi lang ako basta naaawa para sa aking kaibigan. Habag na habag ang aking kalooban habang pinapanood siyang sumisigaw. Naranasan ko na ang sakit na yan kaya alam ko kung gaano kasakit at ka