“What happened?” tanong ni Alex sa kanyang sous chef na si Amanda ng pumasok ito sa loob ng kanyang opisina.“There’s a problem in the kitchen, na-compromise ang hinahanda nating bagong recipe para sa ila-launch nating bagong product para sa restaurant,” bagamat mahihimigan ang pag-aalala sa tinig nito ay hindi naman kakikitaan ng pagkawala ng composure sa sarili ang sous chef.“What do you mean?” nangungunot ang noong tanong niya dito. Matagal na niyang pinagkakatiwalaan sa trabaho ang babae. Hindi na ito baguhan sa kanilang field. Simula yata nung nag-uumpisa pa lang siyang palaguin ang kanyang negosyo dito sa bansa ay kasama na niya ito. Kaklase niya si Amanda sa culinary school na pinasukan niya sa Ireland. Galing din ito sa kilalang angkan sa Pilipinas. Naging malapit silang magka-ibigan. Kung tutuusin ay kaya naman nitong magtayo ng sarili nitong restaurant, pero sa hindi niya malamang dahilan ay mas pinili nitong maging assistant niya at alalayan siya sa pagpapalago ng kanyang
Nang marating ni Karen ang kaniyang apartment ay agad niyang kinuwenta ang lahat ng assets na mayroon siya. Bago siya pumunta sa bahay ng magulang ay nagpaalam muna siya sa kaniyang boss na hindi siya makakapasok ngayon. Mukhang naunawaan naman siya nito, dahil sa hinaba-haba ng panunungkulan niya sa kompanya nito ay madalang lang naman siyang um-absent. Mabuti na lang talaga at nagpaalam siya ng maayos, dahil hindi rin pala siya makakapasok kagaya ng binabalak niya kaninang bago siya umuwi sa bahay ng mga magulang.At ngayon nga ay heto siya, nakaharap sa mga papeles na nakalista ang lahat ng ari-arian na naipundar niya simula ng mag-trabaho siya. Napasabunot na lang sa buhok niya si Karen sa sobrang frustration na nararamdaman. Kahit na anong ulit niyang pag-kwenta sa lahat ng assets na mayroon siya ay alam niyang hindi pa rin iyon sasapat upang mabayaran niya ng buo kasama na ang interes ng utang ng kanyang ama kay Augustus.“Argh!” hindi niya napigilang mapasigaw. Pabalang siyang
“Is there something wrong here?” tanong ng isang baritonong tinig na nanggagaling sa likuran ni Karen. “I-I am sorry, Sir. T-there’s nothing wrong,” nauutal na sagot ni Ronnie sa lalaking may-ari ng baritonong boses. Kitang-kita ni Karen ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng waiter, naging parang maamong tupa ito. Nawala ang malisya sa mga mata nito na kanina lang ay kitang-kita ni Karen. She knew that he was just flirting with her, pero dahil sa iniisip na problema ay maiksi ang pisi ng pasensiya niya ngayon.“I will go now, Ma’am. Just let me know kung may nagustuhan na ho kayo sa menu at o-order na ho kayo,” baling ni Ronnie sa kaniya, biglang-bigla ay naging magalang itong manalita. Yumukod pa ito sa lalaki na nasa likuran niya bago tuluyang tumalikod at umalis sa harapan niya.Napabuga ng marahan si Karen nang tuluyan ng makaalis ang waiter. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan ng umalis si Ronnie sa harapan niya. ‘I think kailangan kong kausapin d
“Hey man, what happened?” tanong kay Alex ng kaibigan niyang si Jacob. Agad itong lumapit sa kaniya ng makaalis na ang kan’yang kapitbahay.Bahagya niyang pinilig ang ulo at hinawakan ang pisnging tinamaan ng palad nito. Hindi naman ganoon kasakit ang pagsampal nito sa kanya. Ang mas iniinda niya ang pagkasaling ng ego niya dahil sa sinabi nito.“Hindi ba siya yung cute na kapitbahay mo? Anong nangyari?” pangungulit na tanong sa kaniya ng kaibigan.“Nothing,” matipid na sagot ni Alex sa kaibigan, sabay tayo niya sa kinauupuan. “I’m sorry for the scene. Don’t bother with us, it’s just a misunderstanding between me and my girlfriend. Please do continue eating. Enjoy the party everyone,” malakas na pahayag niya sa mga taong naka-tingin sa gawi nila, pinagkit niya ang matamis na ngiti sa labi upang pawiin ang tensyon na namayani sa paligid.Pagkatapos niyang magsalita ay agad na pumaimbabaw ang masayang tugtugin na nagmumula sa isang sikat na banda na inarkila niya para sa gabing iyon. Th
Habang hinihintay ni Karen na kumulo ang mainit na tubig na nakasalang sa electric heater ay maya’t maya ang kan’yang pagbuntong-hininga. Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na siya, o mas tamang sabihin na halos hindi rin naman siya naka-tulog. She couldn’t sleep a wink. Maraming mga bagay ang nagsasalimbayan sa kan’yang isipan, at ang mas lalong hindi nakapag-patulog sa kaniya ay ang pinag-usapan nila kagabi nang kapitbahay niyang si Alex. Muling dumaloy sa kan’yang isipan ang mga nangyari sa pagitan nila kagabi.******“Marry me instead.” Ikinagulat pa nilang pareho ni Jessica ang biglang pagsulpot ni Alex mula sa kung saan. Noong una ay hindi agad nagrehistro sa utak niya ang sinabi nito. Nang unti-unting nag-sink in sa kan’yang utak ang katagang namutawi sa labi nito ay napa-kunot ang noong napatulala na lang siya sa lalaki. “Good evening, Boss Chef,” bati ni Jessica sa lalaki. Ito ang unang nakabawi sa pagkagulat sa kanilang dalawa. Nang marinig niya ang boses ng kaibigan
Isang malamyos na tunog ng wind chime ang siyang bumalot sa kabuuan ng unit ni Karen. Ikinagulat pa nilang dalawa ni Jessica ang pag-tunog nito. Nagka-tinginan silang mag-kaibigan, parehong may mga tanong sa kanilang mga mata.“May ini-expect ka bang darating ngayon, Bestie?” agad na tanong sa kan’ya ni Jessica, ito ang unang nakabawi sa pakagulat sa kanilang dalawa. Nasa may kitchen counter pa rin ito at hinihintay na uminit ang ginagawa nitong sandwich sa toaster. Agad namang umiling si Karen bilang tugon sa tanong ng kaibigan. Magsasalita pa sana siya ng muling pumaimbabaw ang tunog ng wind chime, dahilan upang hindi niya maituloy ang sasabihin.“Sino kaya ang pupunta dito ngayon sa bahay nang ganito kaaga?” tanong niya sa isipan. Bahagya niyang sinulyapan ang relong nakasabit sa dingding na may malapit sa sala. Mag-aalas siyete pa lang ng umaga. Patayo na siya ng maramdaman niya ang kamay ni Jessica sa kan’yang balikat, at pinigilan ang akma niyang pag-tayo.“Ako na. Pumasok ka na
Hindi alam ni Karen kung paano lumipas ang kan’yang maghapon. But here she was, sitting in the luxurious sofa in the office lounge ni Alex. Iniikot niya ang paningin sa kabuuan ng opisina nito. Everything inside of it screams luxury.Ang isa sa mga kilalang painting ni Rembrandt na nakaadorno sa hallway papasok sa pinaka-opisina ni Alex ay nagpapatunay na hindi ordinaryong tao ang nagmamay-ari ng lugar. Ang lahat ng mamahaling bagay na nakikita ni Karen ay walang impact sa kan’ya. She had a lot in her plate for now, upang bigyang pansin pa at humanga sa magagarang bagay na nasa paligid niya. In fact, it makes her loath the place. Hindi niya alam kung bakit, pero para kasing lalong pinamumukha ng mga gamit doon ang tunay na sitwasyon kung bakit siya naroroon ngayon at naghihintay na kausapin siya ni Alex. She did her research before going to Alex’s office. Ilang araw pa lang niyang nakikilala ang lalaki at aaminin niyang wala siyang kaalam-alam sa pagkatao nito. Kung hindi lang dahil
Pabalik-balik na naglalakad si Karen sa loob ng kan’yang apartment. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman. Nag-iinit ang sulok ng kan’yang mga mata. Pilit niyang pinipigilan ang nagbabantang pagpatak ng luha. Her palms were sweating, pati na rin ang ibabaw ng labi niya. Her nerves were starting to get into her. Ayaw man niyang aminin sa sarili, pero she felt like crying. She doesn't want to cry, especially today. Ngunit nagtatalo ang nararamdaman niya, naghahalo ang kaba at lungkot sa puso niya.“Bestie, will you please calm down? Maupo ka nga, ako ang nahihilo sa iyo,” saway ng kaibigan niyang si Jessica, habang nakasunod ang tingin nito sa bawat galaw niya.“I can't, Bestie,” bahagyang gumaralgal ang tinig na saad niya sa kaibigan.“I do understand what you feel, Bestie. After all hindi araw-araw na ikinakasal ang isang babae,”dinig ni Karen ang lungkot sa tinig ng kan’yang kaibigan. “And I didn't imagine your wedding to be like this,” dugtong na saad pa nito.“Me too, Bes