Share

Chapter Ninenty Six

   NAIS akayin ni Monina si Aevo sa pagpasok sa inuupuhan nitong apartment, ngunit hindi pumayag ito. Naiintindihan naman ng dalaga iyon, ayaw lang nitong siguro na maging dependable sa ibang tao. Kahit paano ay bilib din siya sa asawa ng ate Minnie niya. Lumaki itong may kaya sa buhay, ngunit ayaw maging pabigat sa ibang tao.

"Kumusta ka na Monina?"ang tanong ni Aevo matapos na mailapag nito sa harapan niya ang mga lalagyan ng kape, asukal at creamer. May biscuit din itong inihanda sa kanya na inilabas nito sa isang lalagiyan.

"Ayos naman ako Kuya Aevo, ikaw? mag-isa ka lang ba rito?"Sunod-sunod na tanong ni Monina na nag-umpisa ng gumawa ng iinumin na kape.

Pinakatitigan niya ang electric kettle na hindi pa tapos kumulo.

"Oo mag-isa lang ako rito, pero may inuutusan ang kakambal ko na maglinis at mag-grocery sa akin ng mga kakailanganin ko rito sa apartment,"sabi naman ni Aevo na idinantay ang kamay sa magkabilng hawakan ng kinauupuan nito.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status