Share

CO 56:

•Gaea•

Hindi kami dumeretso sa bahay ni Samantha. Gusto raw itong regaluhan ni CN ng flowers dahil ngayon na lang sila ulit nagkita ng ninang niya, kaya dinala ko ito sa mall na malapit.

"Anong flowers ba ang gusto mong ibigay kay Ninang Samantha mo?" tanong ko sa kanya. Nagkamot siya sa kanyang batok at nilibot ang kanyang paningin sa kinatatayuan namin. Nanlalaki ang mata nito sa tuwa nang may nakita siyang malaking teddy bear di kalayuan sa amin. Alam ko na iyon ang tinitingnan niya dahil sinusundan ko naman ang mga mata nito. "Huwag mong sabihin na iyang malaking bear ang ibibigay mo?" Labas-ngipin siyang ngumiti sa akin habang kinikisap ang kanyang mga mata.

Napakunot ako sa aking noo dahil sobrang cute nito. "Mommy, like ko po iyong pink pero mas like ko po iyong white." Natawa ako sa sinabi nito at kinurot ang kanyang pisngi.

"Sa tingin ko naman, CN, ikaw iyong may gusto at hindi si Ninang S

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status