Share

Chapter Fourteen

Nagising si Bianca na masama ang pakiramdam at parang pinupukpok ng martilyo ang ulo. Napangiwi siya at wala sa loob na sinapo ang sentido. Hinilot niya iyon sa pag-asang mabawasan man lang ang kirot kahit kaunti ngunit tila mas lalo pa yata iyong lumala. Nanatili siyang nakapikit habang inaalala ang nangyari kagabi. Nalasing siya dahil sa limang tagay ng alak na in-order niya sa bar kagabi kasama si Asher. 

Biglang napadilat si Bianca nang maalala ang lalaki. Kahit masakit ang ulo ay pinilit niyang bumangon para alamin kung ano ang nangyari sa kaibigan. Tanda niyang sinalubong sila ng galit na si Daecon kagabi pagkarating nila sa tapat ng headquarter ng CAU. Gusto pa sana niyang umalis kagabi pero bago pa man sila nakahakbang ni Asher ay mabilis na itong nahawakan ni Daecon at binigyan ng malakas na suntok. Tumalsik sa gitna ng kalsada si Asherk nang ihagis ito ni Daecon bago siya nito binalingan at pinasan na parang isang sakong bigas para ipasok sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status