Share

KABANATA 19

CHAPTER 19

"ANONG napag-usapan ninyo ni dad kanina?" tanong niya habang nagpupunas ng basang buhok. Katatapos pa lamang niyang maligo at pumunta kaagad dito sa kwarto ni Eli kung saan ko pinapatulog ang bata. Nilingon ko si Eli sa aking tabi dahil baka hindi pa mahimbing ang tulog nito at marinig kaming nag-uusap.

"Wala naman. May iilang tanong lang siya. Kung hindi ba ako nahihirapan, mga ganoong bagay." Nilagyan ko kaagad ng tuldok ang paksang binuksan niya.

"Matutulog ka na ba? Kaagad?" tanong na naman niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang umiinit ang ulo ko sa kanya.

"Oo," maikling sagot ko at ramdam kong ayaw ko siyang kausap ngayon.

"Pam? Are you okay? Bakit parang nag-iba ang mood mo pagkagaling natin sa bahay? Sigurado kang wala kayong masyadong napag-usapan ni Daddy?" pangungulit niya.

"Wala nga!" napalakas ang boses ko. Sabay kaming lumingon kay Eli pero hindi naman ito nagising. Huminga siya ng malalim bago tumango.

"S

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status