Ang ibang details po ay sa story po ni Lorenzo mababasa. He will be part of WMS too soon. Sa ngayon focus po tayo kay Clyde. Salamat po.
IT'S been three days since Clyde found out about Lorenzo being his brother. Nakakagago lang. Ang papel na hawak niya no'n ay DNA test ng tatay niya at ni Lorenzo. And it's f*cking 99.99 percent f*cking positive! Hindi na niya inalam kung paano nangyari ang bagay na 'yon dahil pakiramdam niya ay sasabog ang utak niya sa dami ng isiniwalat nito. Kaya naman nagpasya na siyang umalis at mabuti na lang at hindi na sila pinigilan nito. Simula ng araw na 'yon ay naging abala siya sa sunod-sunod na transaksyon nila. Mga mataas na kalidad ng baril, granada at mga sasakyan na dadalhin sa black market upang doon ibenta. Sumabay rin ang marami nilang bihag na ibebenta rin. Mabuti na lang at mula pa noon ay hindi pinahihintulutan ng organisasyon nila ang kumuha ng mga bata. Mas interesado sila sa mga kalalakihan na wala naman ambag sa lipunan. Hindi niya pa nakakausap ang kanyang mga magulang tungkol kay Lorenzo. Dahil litong-lito na siya. Kung hindi ito anak ng Uncle Ergon niya, mas lalong hindi
"MASTER."Napalingon si Clyde kay Jack saka ibinalik ang tingin sa hawak na papel. Mga dokumento ito tungkol sa kasal at panganganak ni Zahra. Pero lahat ng hawak niya ay wala pa rin pinagbago. Totoong kasal sina Lorenzo at Zahra. At ito rin ang naka-register na tatay ni Wyatt. Kahit anong gawin niya ay tunay ang hawak na mga papel. Naikuyom niya ang mga kamao kapagkuwan ay huminga siya nang malalim."What do you need, Jack?" Ibinalik niya sa loob ng envelope ang mga dokumento."Lorenzo called me," humakbang si Jack palapit sa lamesa niya, "he wanted to meet you." Dumako ang tingin niya kay Jack at napaayos siya ng upo. "When and where?" "Now. In your place at Liege Sanctuary." "Bakit doon?" Napaarko ang kilay niya sa sagot nito. Hindi niya hahayaan makapasok si Lorenzo sa teritoryo niya kahit pa kapatid niya ito. He doesn't trust him. Ang ginawa nitong pagpapakasal kay Zahra kahit alam nito ang totoo ay isang patunay lamang na hindi ito mapagkakatiwalaan. "Your parents are with hi
MABIBILIS ang mga hakbang ni Clyde habang papasok sa kanyang mansion. Madilim na madilim ang mukha niya habang nakakuyom ang mga kamao. He can't believe what that woman confessed."Master Cl—" Hindi niya pinansin si Jack at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Alam naman niya kung saan pinatuloy ang mga bisita niya. Dumating ang mga ito habang kausap niya ang babaeng nagpakilala na Stiffany. She looks familiar pero hindi na muna niya inalala 'yon. Kating-kati na siya na ipatama ang kamao kay Lorenzo. This time he won't stop himself. That bastard!Pabalabag niyang binuksan ang pintuan dahilan para magulat ang nasa loob. Naroon ang kanyang mga magulang at si…Lorenzo. Nagtagis ang kanyang bagang. At parang wala itong nagawa na kasalanan. Relax na relax na nakaupo. Nang magtama ang kanilang mga mata ay natigilan ito. Sino ba hindi? Kung bakas sa mukha niya ang matinding galit. Tumayo ito at hindi inaalis ang tingin sa kanya."Iho, finally you're here," sambit ng kanyang Ama. Bago pa maka
MATAPOS BITAWAN ang mga salitang 'yon ay pabagsak na umupo si Clyde, yumuko habang nakasabunot ang mga kamay sa kanyang buhok. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat na maramdaman. Oo, galit siya at 'yon ang totoo at tanging nararamdaman niya. Pero pakiramdam niya ay may mali. Ang makita ang mga magulang niya na kasama si Lorenzo; malaman na alam ng mama niya ang tungkol dito…ay nagbibigay sa kanya nang napakaraming katanungan."What is really happening, Papa?" Pikit ang kanyang mga mata na tanong. He was f*cking tired of all of this. Huwag lang sana maging tama ang hinala niya dahil…baka hindi niya mapigilan ang sarili. "That is why we are here…to explain everything." Napamulat siya sabay angat ng tingin diretso sa kanyang Ama. Mapakla siyang ngumiti. Dahil alam na niya kaya ngayon ay handa na ng mga ito na ipaliwanag sa kanya. "Before that…Who the heck told you about Zahra and Wyatt?" Dumagundong sa buong silid ang galit na boses ni Lorenzo. Kaya naman nalipat dito ang kanyang tingi
HINDI alam ni Zahra kung ano ang nangyayari. Bigla na lang siya pinag-empake ni Lorenzo at sinabing aalis sila. Natakot pa siya dahil akala niya ay ilalayo na naman nito ang anak sa kanya pero gano'n na lang ang gulat niya nang pati mga gamit ng anak ay pinahanda nito pati kay Manang Aiza.Pero alam niya na hindi na 'yon mangyayari. Matapos niya malaman na si Lorenzo ang kanyang Kuya L ay mas napanatag siya. Kaya pala iba ang dating ng mga kilos nito sa mga nagdaang araw. Kaya pala sa halos dalawang taon nilang mag-asawa ay madalang lang siya nito lapitan. Dahil daw baka hindi ito makatiis at umamin sa kanya. Pero gulong-gulo pa rin siya. Ang dami-dami pa rin mga tanong sa isip niya. Tulad na lang; Ano'ng koneks'yon nito kay Clyde? Naniniwala siya na hindi lang basta parehong businessman ang dalawa. There was something more to it. Nabalik siya sa sarili nang pumasok si Auntie Agnes sa silid kung saan sila dinala kanina. "Auntie, what happened?" agad niyang tanong saka ito nilapitan pa
INIS NA INIS si Clyde dahil sa pang-aasar ni Lorenzo. Alam niya na sinasadya nito ang paglapit kay Zahra. Alam niyang wala na siyang pakialam sa babae pero hindi siya natutuwa na hinahawakan ito ng iba lalo pa at ang kapatid niyang hilaw. "Wh-where are we going?" Sa wakas at nagtanong din. Kanina pa kasi sila nakaalis pero hindi na talaga nagsalita si Zahra. "Saan mo ba gusto pumunta? Hell or heaven?" Nakita niya ang pagbakas ng gulat sa mukha nito. Parang hindi nito inaasahan ang sagot niya. He smirked and got his phone to call someone. Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag niya."Attorney, how are you?" Bati niya sa nasa kabilang linya. It was Atty. Elliot Hart. One of the founders of Foedus. "What do you think?" masungit nitong tugon na ikinangisi na lang niya. Sanay na siya sa pagsusungit nito. "I've already given my permission to let you bring whoever they are to the island. But, Clyde, make sure no one will know about it. Secured ang isla, sigurado 'yon. Pero ayaw namin
"JACK, ihatid mo sila sa bahay. May pupuntahan lang ako," pagkasabi niyon ni Clyde ay nagpaalam naman siya sa kanyang mga magulang at sinabi na may kakausapin lang. Bago siya tuluyan umalis ay nilingon niya pa si Zahra na ngayon ay buhat-buhat na ang kanilang anak. Nang dumako ang tingin niya sa bata ay napatiim-bagang siya saka tuluyan na tumalikod. Dumating na sila rito sa Agrianthropos City. At hindi nakaligtas sa kanya ang pagbakas ng pagkamangha sa mga mukha ng mga ito maging ng kanyang Ama. He might have seen a lot of hideouts but this island is an incredible one. Ngayon taon lang natapos ang bahay na pinagawa niya rito sa isla. Wala naman talaga siyang balak dahil nga marami na siyang bahay. Pero dahil sa sulsol ni Indi ay nagpagawa na rin siya. Tama naman ito. Baka dumating ang araw na kailanganin niya na manatili sa isla. Mas okay na may sariling tutuluyan kaysa mag-check in sa mga hotel na dinaig pa ang five-star hotel sa mahal ng singil. Afford niya pero sayang pa rin. Mas
NAABUTAN ni Clyde si Jack na nasa may labas ng gate. At mukhang hinihintay ang kanyang pagbabalik. "Hey, what are you doing here?" tanong niya agad dito. Nag-angat ng tingin si Jack mula sa cellphone nito."Master! Aga mo yata?" May ngisi sa mga labi nitong tanong na ikinasalubong ng kilay niya. Napatingin tuloy siya sa suot na wristwatch. It's already seven p.m. Ano'ng maaga roon? Hanggang sa ma-realize niya ang tinutumbok nito. "Umaga ka na bumabalik kapag nagpupunta ka sa Casa ni Chase. Don't worry about Zahra, I will take care of—yeah, sabi ko nga i-check ko na ang status ng delivery natin." Mabilis itong tumakbo palayo sa kanya. Napakatsismoso kasi. Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay. May naririnig siyang boses mula sa kusina kaya 'yon ang una niyang pinuntahan. Nakita niya ang kanyang Ina at si Zahra na mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Wala pa ang mga magulang ni Zahra sa isla, bukas pa darating ang mga 'yon. Kung ano man ang pinag-uusapan ng dalawa ay ayaw niya mak