"AYOS ka lang ba Pia?" Lumingon ako sa kaniya at kita ko ang shock sa kaniya at nakatingin parin doon sa pwesto ng namatay na lalaki kanina.
Pagkatapos patayin nung dragon yung lalaki ay umalis na ito at naglaho narin yung lalaki na parang bula "Pia..." Tawag kong muli sa kaniya pero tulala parin ito kaya napabuntong hininga nalang ako at nagteleport kasama sya sa pwesto namin
"Maupo kana muna Pia" inalalayan ko pa syang maupo at tulala parin ito. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip niya basta ang alam ko nasa shock parin sya sana bumalik na sya sa katinuan
Hinayaan ko nalang muna sya at inayos ang mga pagkain na naroroon dahil nagulo iyon dahil sa lalaking Middle Class na yun. Ano kaya ang susunod na mangyayari saamin? Ano ang mangyayari bukas? Paano ko ba mahahanap ang Code gayong wala naman akong clue?
At yung bulong kanina anong ibig sabihin nun? Bakit ayaw niyang ipaalam ko kay Pia na naririnig ko sya? At bakit mukang ako lang ang nakakarinig?
'Sa likod mo....'
Nagtayuan ang balahibo ko ng muli kong marinig ang boses na narinig ko kanina kakaiba na ito ngayon may ihip na ng hangin na kasama. Mas lalong anong tinutukoy niyang sa likod ko eh si Pia lang naman ang nandoon.
Agad akong napatayo ng maramdaman ko ang isang aura. Malakas na aura! Sigurado akong isang High Class yun! Maya maya ay lumitaw ang isang babae mula sa kawalan. Nagulat sya ng makita ako at nanglalaki ang mata kaya nagtaka ako bakit?
"Sa likod mo!!!"
Napalingon ako sa sumigaw at napakunot ang noo ko ng makita ko na papunta saakin yung lalaking may Gray na buhok sya yun! Ang lalaking kinaiinisan ko! Dalawang high class ang nandito pero anong nasa likod?
Humarap ako sa likod ko at napatigil ako ng makita ko ang madilim na muka ni Pia
"P-pia..." Nabanggit ko nalang sa pangalan niya "Hindi nababagay ang isang Low Class sa larong to Katanaya eto ang dapat sa mga kagaya mo" hindi ako makakilos dahil sa nakikita ko ngayon. Eto ang tinatawag na totoong shock
Namalayan ko nalang ang sarili kong itinulak niya. Naramdaman ko ang liwanag na nagmumula sa buwan na syang pumalibot saakin at parang iniilawan pa ako ng mabuti na tila may isang malaking pagkakamali akong nagawa.
Nasa ilalim ako ng sinag ng buwan!
"Roaaarrr!!!" Napatingin ako sa itaas at nagsimula nang sumigaw ang dragon. Mabilis na ang ikot nito sa buwan, napatingin ako kay Pia na nakangisi saakin
"Inaakala mo bang sasama ako sayo dahil kailangan kita? Huh NO! Hindi ko hahayaan na maunahan mo akong mahanap ang Code!" Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya pinagkatiwalaan ko sya! Iniligtas ko sya! Ngayon eto ang isusukli niya saakin?!
Mabilis pa sa alaskwatro na nagteleport ako sa harap niya at hinawakan ko ang braso niya para sya ang ihagis sa ilalim ng buwan pero nabura lahat ng plano ko ng may makita ako ng hawakan ko sya.
"Tulong!!"
Napatayo si Nicole ng marinig ang sigaw na iyon at nakita niya ang isang babaeng tumatakbo sa ilalim ng sinag ng buwan si Pia. Totoong nakalimutan niya ang tungkol sa dragon tuwing sasapit ang gabi sa Peridian kaya eto sya at tumatakbo upang makatakas sa dragon.
"Dito! Dito!" Malakas na sigaw ni Nicole at inaabangan si Pia na makarating sa pwesto nila dahil buong akala nito kapag nakapunta na ang babae sa kinalalagyan niya ay aalis na ang dragon pero doon sya nagkakamali dahil kahit magtago kapa ay hindi titigil ang dragon hanggat wala syang napapatay
Lumingon si Pia sa likod niya at nakasunod parin ang dragon kaya muli syang tumingin kay Nicole na naka abang sa kaniya at isa lang ang nasa isip niya. Ang itulak si Nicole para ito ang patayin ng dragon hindi sya
"Bilisan mo!" Sigaw pang sabi ni Nicole sa kaniya at ng makarating sya sa tabi ni Nicole ay mabilis niya itong itinulak sa labas ng kinalalagyan nila. Gulat na gulat sa Nicole dahil sa nangyari at hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya at napatingin nalamang sa dragon na papalapit sa kaniya at doon ay pinatay sya.
Kitang kita ng dalawang mata ni Pia kung paano patayin ng dragon si Pia at kung paano ito tuluyang maglaho sa harapan niya at kusang umalis doon ang dragon at bumalik sa itaas.
NABITAWAN ko ang braso ni Pia mula sa pagkakahawak ko dahil sa pasumandaling pagkakita ko sa kaniyang nakaraan. Nakaraan kung saan may kinalaman sya sa pagkawala ni Nicole!
Namalayan ko nalang na muli niya akong itinulak sa ilalim ng sinag ng buwan ngunit hindi na ako gumalaw mula sa aking pagkakasalampak.
Ang babaeng tinulungan ko kanina lamang ay ang syang dahilan kung bakit nawala si Nicole! Patay na!
Sunod sunod na tumulo ang luha ko, hindi pwede! Hindi pwedeng mawala si Nicole! Hindi niya ako iiwan! Hindi naman sya pumunta sa sinag ng buwan! Nakinig sya saakin nakinig sya!
Hindi sya pwedeng mamatay!
"Umalis kana jan!" Napalingon ako sa nagsalita at iyon ay ang lalaking may Gray na buhok. Nabaling ang attention ko sa itaas ng muling sumigaw ang dragon at pababa na dito
Twenty seconds. Alam ko sa loob ng Twenty Seconds ay andito na ang dragon. Hindi ko maigalaw ang katawan ko para akong natuod dito.
One... Two... Three...
Tumingin ako kay Pia na ngayon ay nakangisi saakin. Ang babaeng iniligtas ko at iniligtas din ako ay ang syang dahilan kung bakit namatay si Nicole. Nakita ko kung paano niyang mabilis na itulak si Nicole kagaya ko, KAGAYA KO!
Wala kaming ibang gustong gawin kungdi ang tulungan lang sya pero sarili lang niya ang iniisip niya! Manloloko sya! Umiiyak lang akong tumingin sa kaniya
"Crisha kunin mo na sya ako ng bahala sa dragon!" Rinig kong sigaw muli ng Gray na buhok
Ten... Eleven... Twelve...
"Hindi pwede Third! Baka mapahamak ka! At isa pa nasa game tayo! Nasa Code game tayo!" Narinig ko ang isang babaeng boses na sa tingin ko ay sya yung dumating kanina na isa ring high class sabagay magkakilala sila nung Gray na buhok
"Sundin mo na ako Crisha! Hindi sya pwedeng mapahamak!"
Rinig ko ang usapan nila pero tulala lang akong nakatingin kay Pia na hindi ko na mawari ang expression sa muka. Hanggang sa makarinig ako ng daig ng dragon sigurado akong kinakalaban na ito nung may Gray na buhok
"Hindi! Wag mo syang tulungan! Wag nyo syang tulungan! Dapat na syang mamatay sa dragon na yan!" Sigaw ni Pia ng maramdaman kong may umaalalay na saakin patayo "Tumahimik ka girl! Ikaw dapat ang andoon hindi sya!" Balik na sabi ng umalalay saakin
"Halika ilalayo kita dito kailangan pa naming matalo—sh*t kung matatalo nga ba yang nasa curse symbol na yan!"
Wala akong nagawa at itinabi niya ako sa isang tabi. Iniupo niya ako at mabilis syang pumunta doon sa lugar kung saan kinakalaban nung Gray head guy ang dragon kung matatalo nila
Nagpalabas ng Air tornado yung lalaki at pinatama sa Dragon habang yung babae naman ay nagpalabas ng tubig sa kaniyang kamay at ipinaikot iyon sa dragon pero mas lalo lang nagwala ang dragon na ikinasigaw nito.
Malakas ang impact niyon kaya tumalsik ang dalawa at kahit ako na nakaupo dito ay napasandal sa puno. Hindi parin tumitigil ang luha ko nang hindi mo manlang iyon namamalayan. Parang matik na sa mga mata ko na tumulo iyon.
Hindi nagpatalo ang dalawang High Class at muling kinalaban ang dragon. Sinubukan kong magsalita pero hindi ako makapagsalita siguro marahil sa nangyari kanina-nina lang.
Iyak. Yan lang ang nagagawa ko habang pinapanood ko sila na makipaglaban.
"Halika ditong babae ka!" Nagulat ako ng biglang may humila ng buhok ko pataas na ikinahawak ko doon dahil sa sobrang sakit
"Nakikita mo yan?! Ikaw ang may kasalanan niyan! Kung nagpapatay kana sa dragon na yan edi sana hindi kakalabanin nina Crisha at Third ang dragon!" Iniharap ako ni Pia doon sa babae at lalaki na nakikipaglabanSinubukan kong muling magsalita pero hindi ko parin mahanap ang boses ko kaya iyak nanaman ang nagawa ko. Hindi ako makakilos nagmistulang tuod ang katawan ko."Kung ayaw mong lumapit sa dragon puwes ako ang magdadala sayo sa dragon na yun"Nakita ko na nagpalabas sya ng usok sa kaniyang kamay at unti unti itong lumapit sa leeg ko hanggang sa hindi na ako makahinga lalo na at pinalutang niya ako sa ere gamit iyon.Napahawak nalang ako sa leeg ko. Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko, hindi ko alam kung bakit. Nanghihina ang katawan ko. Ang luhang pumapatak saakin ay dahil sa nalaman ko at dahil hindi ko magawang makatulong sa kanila at mas lalong mailigtas ang sarili koUnti unti niya akong inilapit papunta sa kinalalagyan
"KYAHHHH!!!"Nagising ako ng makarinig ako ng malalakas na sigawan sa paligid. Unti unti kong idinilat ang aking mata at nakita ko ang punong punong tao sa Centra de Enchanted—teka Centra de Enchanted?!Agad akong napatayo dahil doon pero napangiwi ako ng makaramdam ako ng konting sakit sa katawan ngunit hindi na ganon kalala. Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid at doon ay muli ko nanamang nakita ang maraming mamamayan ng Enchanted world. Paano ako—mali kami paano kami napunta uli dito?Nakita ko na andito rin ang ibang kagaya ko na kasali sa laro at kapwa nagtataka sa nasasaksihan. May ibang tuwang tuwa dahil nakalabas na sila sa masamang lugar na iyon ang iba ay di talaga makapaniwala.Ang naaalala ko ay nalalaglag ako sa himpapawid? Tapos may sumalo saakin si Third. Sya yung lalaking kinaiinisan ko pero ang tanong bakit wala na kami sa Peridian? Andito na ako ngayon sa pinakang sulok sa kinala
Napangiwi ako ng ngumisi sya saamin. Alam kong tinatakot niya lang kamo pero wag ako tsk. "OH! I remember something! Para kay Katanaya" napatayo ako ng maayos ng banggitin niya ang pangalan ko. Muling natahimik ang paligid pero hinahanap kung nasaan ako. Yeah kilala na ako ng lahat ang galing sabagay kaisa-isang low class eh."Hindi mo na kailangang umuwi dahil mayroon ka nang bahay dito sa High Town"Natigilan ako dahil sa sinabi niya seryoso ba sya?! Bahay sa High Class pa talaga?! "Bilang kaisa-isang matapang na Low Class na sumali at ibinuhis ang buhay sa larong ito ay binibigyan ka naming mga council ng magandang buhay Katanaya"Napakuyom nalang ako ng kamao dahil sa sinabi niya parang ipinaparating niya na hindi ko rin magagamit ang bahay nayun dahil sa larong to. Na mamamatay din ako sa Second round ipapakita ko sa kanilang hindi ako basta basta."Yun lang at maaari na kayong bumalik sa bahay ninyo!" Nagsig
"So Lady Katanaya maniniwala kana ba saakin?" Nakangiti niya paring tanong kaya kusa na akong napatango dahil sa hindi ako makapaniwala! Mayroong anak si butler Jericho! "Alam kong marami kang tanong sa isip mo Lady kaya sa tingin ko kailangan na nating pumunta sa bahay mo para doon nalang tayo mag usap" katulad kanila ay tumango nalang ako dahil sa hindi ako makapaniwala, sya ang nag guide sa lugar na pupuntahan naminSino bang hindi magugulat gayong nasaharapan ko ang anak ng butler namin dati! At ngayon ay butler ko narin! Paano? Dahil sa pagkakatanda ko ay walang pinakilalang anak saamin si butler Jericho wait! Naalala ko may sinabi syang may anak na sya, sinabi niya saakin na balang araw ay makikilala at makakasama ko sya.Napatingin ako kay Irene na masayang nag kukwento saakin habang naglalakad kami. Magkaiba sila ng ugali ng Papa niya dahil tahimik lang si butler Jericho samantalang ako lagi ang dumadaldal sa kaniya. Itinuturing narin niya ako
"HALIKA libutin muna natin ang bahay" tumango ako kay Irene at naglakad kami papasok sa loob. Maraming larawan ang nasa paligid. Paano kapag may ibang taong pumunta dito at malaman nila na isa akong Sandoval?"Irene, paano kapag may ibang taong maka'alam na sandoval ako?" Napatingin sya saakin dahil sa tanong ko "Malaking problema kapag nagkataon Lady Katanaya"Napangiwi ako sa tinawag niya dahil masyado itong mahaba "Lady nalang o Katanaya ang itawag mo saakin ang haba masyado eh""Sige Lady, pero sa tanong nyo kung ang taong makakaalam ng pagkatao mo ay hindi mapapagkatiwalaan dapat mo na syang patayin" napatingin ako ng deretsyo sa mata niya "Libre ba ang pumatay dito?" Napatawa naman sya sa sinabi ko, anong nakakatawa don?"Lady, maraming tinatagong sikreto sa buhay. Hindi mo alam ang nakakasalamuha mo pala marami ng napatay. Syempre bawal pumatay kung malalaman ng marami pero pwedeng puma
Napakamot nalang ako sa batok ko "Sige. Pero ang dahilan ay dahil sigurado akong kilala nila ako. Nararamdaman ko" napaseryoso naman sya dahil sa sinabi ko "Maaring kapag may nalaman ka ay ikapahamak mo Lady K" huminga ako ng malalim sa sinabi niya "Alam ko yun Irene ako ng bahala sa bagay na'yon""Sige Lady K aakyat na muna ako sa kwarto ko para masimulan ang inuutos nyo. Mamayang gabi ay handa na ang impormasyon" umalis na ito sa harap at umakyat sa taas. Saktong sakto lang ang gabi dahil magsisimula ako agad.Umakyat nalang din muna ako sa taas para makaligo at makapagpalit ng sosootin ko. Pagbukas ko ng kwarto kong itinuro ni Irene ay ito parin ang kwarto ko noon walang pagbabago. Bago pa ako lamunin ng pag babalik tanaw ko ay pumasok na ako sa banyo at inihanda ang bathtub para doon mamalagi at mag isipNakahiga lang ako ngayon sa bathtub at pinag-iisipan ko ang magiging galaw ko mamayang gabi. Kailangan kong maging maing
PAGTAPAK ko palang sa pinakang pintuan niyo'ng secret room ay napahinto na ako at mayroong mga taong sumalubong saakin. Si Mama at Papa pero isa lamang silang Hologram"Natutuwa kaming makita kang muli Katanaya" sabi ni Mama kaya hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagtulo ng mga luha ko. "Alam kong kapag nakabalik kana dito ay malamang na malaki kana Katanaya, Unang-una wag mong iisipin na kasalanan mo ang lahat nang mga nangyari dahil walang may ginusto nito" nakangiting sabi ni Mama"Tama ang mama mo, sadyang biktima lamang tayo ng maling pagkakataon at panahon" si Papa naman ang nagsalita kaya lumapit ako sa kanilang dalawa at sinubukan na hawakan ang kanilang muka ngunit tumagos lamang ang aking kamay.Tama ako, hologram nga at tagos-tagusan din ang tingin nila saaking dalawa. Gaya nang nasabi saakin ni Nicole na mayroong nagpakita sa kanilang hologram.Napatakip na lamang ako ng bibig ko at t
NANDITO ako nagyon sa kwarto ko actually kanina pa. Pagkatapos kong makausap si Tec-Ni at matapos niyang sabihin saakin ang tungkol sa digmaan ay umalis na ako doon dahil sabi niya hindi pa ito ang tamang oras para sabihin niya saakin kung ano at bakit mayrong digmaan gayong wala pa namang nagaganap na digman dito sa Enchanted World kaya kinakabahan ako.Pero kailangan kong maging matatag at mas maingat sa mga gagawin ko lalo na at nalaman ko na magkakaroon ng digmaan. Tama! Sila Keir at Austin tauhan sila ng Reyna kaya sigurado akong madadala nila ako sa Reyna o di kaya ay may makukuha ako sa kanilang impormasyon tungkol sa digmaan.Sa gitna nang pagiisip ko ay may kumatok sa pinto ko kaya napaupo ako "Bukas yan!"Sigaw ko at bumukas iyon, napababa ako sa higaan ng makita ko di Irene mula doon"Irene! May nakuha kabang impormasyon?""Mayroon Lady K " napatango ako sa kaniya at hinila siya "Halika pumunta tayo sa secre