Share

CHAPTER 11

“Bes, kanina ka pa nakatulala. Okay ka lang ba?"

Ang pamilyar na boses ay nanggagaling kay Cindy. Nagpakawala ako nang mabigat na paghinga matapos siyang lingunin.

Marahan akong ngumiti, ”Oo naman, maayos ako.” kasabay no'n ang pagkindat ko sa kaniya.

Hindi pa rin ako mapakali sa kaiisip tungkol roon sa sinabi ni Zeke sa akin kahapon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil anlaki na nang ipinagbago niya o dapat bang sumakay na lang ako sa gusto niyang mangyari. Baka isa lang ‘yon sa bagong plano niya. 

“Oh kung gano'n, mauna na muna ako ha. Hindi ka ba talaga sasama sa hasyenda?” Ngumiti ako matapos ay marahang nagpa-iling-iling.

“Hindi, may gagawin pa ako.”

Nagpatango-tango muna siya bago tumalikod sa akin. Pinagmasdan ko siyang makalayo sa kinaroroonan ko.

“Tama, baka isa lang ito sa mga plano niya.” Mahinang bulong ko sa sarili, lumagok ako ng isang basong tubig matapos no'n.

Isang plano na dapat kong sakyan.&

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status