Share

CHAPTER 39 "STRANGERS IN THE NIGHT 2"

KUNG kailan siya tinitigilang halikan ni Jason para magkaroon ng pagkakataong huminga, hindi alam ni Jenny. Dahil ang totoo pinakawalan lang ng binata ang mga labi niya pero hindi parin tumigil sa pananalakay ang nakakapaso nitong mga labi sa kaniya nang bumaba ang mga iyon sa leeg niya hanggang sa balikat niyang kanina pa nakabilad sa harapan nito.

"Napakabango mo," anas ng binata saka walang kahirap-hirap na ibinaba ang kabilang bahagi ng roba niya na naiwang nakasabit sa kaniyang balikat.

"Jason, please habang maaga pa, tumigil ka na," muli nang parang bahagyang bumalik sa tamang huwisyo at direksyon ang isipan niya ay iyon ang nanulas sa mga labi niya Jenny pero sa paanas na paraan.

Narinig niya ang mahinang tawa na naglandas sa lalamunan ng binata bago nito hinawakan ang mukha niya saka iniharap rito kaya nagtagpo ang kanilang paningin. 

"No," anitong hinalikan siya sandali bago nagmamadali ang mga kilos na tuluyan inalis ang suot niyang saplot sa katawan. 

Sa pagkakataong iyon ay lubusan na ngang naging ganap sa paningin ni Jason ang kaniyang kahubaran. At kahit hindi iyon hawakan ng binata, habang hinahagod nito iyon ng tingin lalo na ang magkabila niyang dibdib, pakiramdam ni Jenny ay napapaso siya.

"Tell me you're mine, huwag kang bibigay sa iba kasi gusto ko akin ka lang," ani Jason sa tono na tila ba nagmamakaawa.

Noon nakaramdam ng matinding awa si Jenny sa binata. Pero sa kabila niyon ay pinilit parin niyang huwag ipakita ang emosyon na iyon kay Jason. Alam niyang hindi iyon makakatulong kung sakali sa kung anumang dahilan kung bakit ito nagkakaganito ngayon.

"Jason, please," kung para saan ang please na iyon, hindi rin matukoy ni Jenny. Pero sa kaibuturan ng kaniyang puso alam niyang hindi rin niya gustong huminto ang binata sa ginagawa nito sa katawan niya.

"Hayaan mo nalang ako, miss na miss na kita," pakiusap ni Jason saka nito hinaplos ng hintuturo ang kaniyang mga labi.

Muli na namang naapektuhan si Jenny sa ginawang iyon ng dati niyang nobyo. 

Kung pwede nga lang niyang ipagtapat at sabihin rito ang totoo na kahit kailan hindi naman ito nawala sa puso niya at kahit kailan hindi siya naangkin ng kahit sinong lalaki ay gagawin niya.

Pero kung ganito ang nangyayari sa kaniya na palagi siyang nagiging mahina sa kapusukan ni Jason, ano nalang ba ang mayroon siya at natitira sa kaniya na pwede niyang ipagmalaki at panghawakan kundi ang kaniyang pride.

"Lasing ka, sige na magpahinga ka na. Kung gusto mong dito matulog okay lang pero sana naman huwag ganito na---," hindi na niya naituloy ang iba pang gustong sabihin dahil muli na naman siya nitong hinalikan. 

Sa pagkakataong ito ay naramdaman niyang tila ba mas naninigurado na si Jason sa mga kilos nito. Napakapusok nito, para itong isang buhawi na nakahandang manalasa at sirain ang kahit anong posibleng maging balakid o hadlang sa daraanan nito.

"Alam ko sweetheart, nararamdaman ko na gusto mo rin ito. So please huwag mong panlabanan ang init na nararamdaman mo, bumigay ka. Hindi na tayo mga bata kaya sigurado akong makakayanan mo na ang lahat ng gusto kong gawin sayo ngayon."

Sandaling inihinto ni Jason ang paghalik sa kaniya para lang sabihin ang mga salitang iyon na totong nagpasiklab ng matinding init na nararamdaman niya. Hindi pa ito nakuntento, hinawakan nito ng mahigpit ang kaniyang mukha sa muling sinabasib ng halik ang kaniyang bibig.

Kulang ang salitang mapusok para mailarawan niya kung anong klase ng halik ang ibinigay sa kaniya ni Jason na naging dahilan ng tuluyan ng pagguho ng lahat ng katatagan na inipon niya. Kaya sa ikalawa at huling pagkakataon katulad ng gustong mangyari ng binata ay tuluyan na ngang bumigay si Jenny. 

Tama nga naman si Jason, gusto rin niya ito at marahil nararamdaman ng binata ang panginginig ng buong katawan niya dahil sa mga haplos at halik nito. Dahil kung against siya sa ginagawa nito, napakadaling sumigaw at gumawa ng eksena kung talagang gusto niyang pahintuin ang binata sa lahat ng kapangahasan nito.

Pero nandito na sila sa kwarto niya at hubad na siya. Kaya wala na siyang maidadahilan pa na pwede niyang gamitin laban sa binata upang itigil nito ang gusto nitong mangyari.

"Jason!" anas niyang nang maramdaman niya sa kaniyang punong dibdib ang maiinit nitong halik sa kaniya.

"Jen," sagot ng binata bago nito masuyong ginagap ang kamay niya saka iyon hinalikan. "Huwag mo na ulit akong iiwan, please?" anitong tinitigan siya sa kaniyang mga mata. 

Napangiti ang dalaga sa sinabing iyon ni Jason. Ito parin ang dating malambing pero selosong binata na minahal niya noon. Walang nagbago rito, iyon ang nakikita niya. Dahil obviously siya ang nagbago dahil nasaktan siya. 

"Sa iyo lang ako, noon at hanggang ngayon," sagot niya saka hinaplos ang napakagwapo nitong mukha. "Angkinin mo ako hanggang gusto mo, kahit paulit-ulit, kasi tama ka, gusto ko iyon, gustong-gusto ko."

Minabuti niyang sabihin na iyon sa binata upang kahit papaano ay mawala at mahugasan ang insecurity na nakikita niya sa mga mata nito.

At kung ito ang tanging paraan para maging masaya ang lalaki at maibalik ang magagandang ningning sa maiitim nitong mga mata ay okay lang sa kaniya. Tutal mas matalino na siya ngayon. Siguro nga mali ito dahil hindi naman sila kasal. Pero katulad ng gustong mangyari ng binata ay ito rin ang isinisigaw ng katawan niya. 

Masyadong masidhi ang pananabik na nararamdaman niya para kay Jason. 

Ang pananabik niya na muli at paulit-ulit na maangkin nito ay hindi basta-basta lang, at sa pagkakataong ito alam niyang makakaya niyang ihiwalay ang damdamin niya sa init na nararamdaman niya. Hanggang doon lang iyon at maglalagay siya ng boundary kung kinakailangan.

"Iyan na yata ang pinakamagandang sinabi mo mula nang huling may mangyari sa atin, alam mo ba iyon?" sa tono ng pananalita ni Jason ay nararamdaman niya ang matinding pagpipigil nito para tuluyan na siyang lingkisin.

Natawa siya ng mahina. "Huwag kang magseselos kay Leo, kasi iyon kinakausap ko lang pero ikaw nahahalikan mo ako at nagagawa mo sa akin ang ganito at ang lahat ng gusto mong gawin sa katawan ko," hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob na ginamit niya para sabihin ang tungkol doon pero hindi siya nagsisisi.

Umangat ang sulok ng labi ni Jason saka nagbuka ng bibig para magsalita. Pagkatapos noon ay minabuti ni Jenny na siya na mismo ang maghubad ng suot na damit ng binata. Hinawakan niya ang laylayan ng suot nitong blue tshirt saka iyon hinila paitaas at saka nanunukso pang inihagis sa kung saan mang bahagi ng silid.

Nakangiti niyang tinitigan ang ngayon ay nangingislap ng mga mata ni Jason. At nang hindi siya makatiis ay masuyong niyang inilapat ang dalawa niyang kamay sa malapad nitong dibdib saka inihaplos doon. 

"You have the most beautiful pair of dark eyes in the world for me," aniya. "Alam mo ba iyon, ha? Jason?" dugtong pa niya.

"At para sa akin ikaw ang pinakaperpektong babae na nakilala ko," anitong itinaas sa may paanan ng kama ang isa niyang paa habang ito naman ay nanatiling nakaluhod sa harapan niya.

Mabilis na niragasa ng magkahalong kaba at pananabik ang puso ni Jenny dahil sa ginawang iyon ng binata. Pagkatapos noon ay hinila nito ang batok niya saka siya siniil ng halik. At kasabay ng paglalapat na iyon ng kanilang mga labi ay ang mapanganib subalit nakakabaliw sa kaligayahan na pagpasok ng daliri nito sa entrada ng kaniyang pagkababae.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status